



Mamatz again to everyone..!!
*CHAPTER SEVENTEEN*
SHAINA'S POV:
Hay. Pagbalik ko dun sa bench, wala na sila Kuya. San kaya nagpunta yung mga yun? Nako naman..
Umupo na lang ako at tiningnan yung cellphone ko. Binuksan ko yung phone book. Scroll. Scroll. Napatigil na lang ako.
Kevin..
Hay nako.. Ginugulo niya lang yung isip ko e! Kakaasar! Biglang may umupo sa tabi ko.
"Francis.." Okay tong si Francis ah, bigla nang lumilitaw.. Pero happy pa rin ako!
"Musta? Di ka pa uuwi? Tapos na yung game ah."
"Ah.. Ano.. Wala lang. Uuwi na rin ako maya maya."
"Gusto mo sumabay?"
"Ha?"
Tumayo na siya at hinila niya rin ako.
"Sabay ka na sakin."
"T-Talaga..?"
Wow. Sasabay kami ulet?!
"Oo naman."
"Ah.. Si-Sige.."
Yahooooo!!! Ang saya!!
--..--..--..--..--..
"Kevin.."
Pumunta kami dun sa gate, nandun pala si Kevin! Di naman siguro siya sasabay samin di ba?!
"O.. Francis.." Napatayo siya. Pagkita niya sakin, napatingin siya sa ibang direksyon. Bakit kaya..?
Well, hindi lang siya ang nagkakaganyan, ako din noh! Kasi naman e, kung ano anong sinasabi niya! Yan tuloy! Nagkakailangan kami!.. Pero may meaning ba yung sinabi niya..? Di ba wala naman..?
"Kev, sabay na satin si Shaina."
"Ano?!" Parang ayaw niya ah. E di wag!!
"Ah.. Francis.. Wag na lang kaya? Kasi parang ayaw ni Kevin eh.."
"Ha? Kevin, ayaw mo..?"
Natahimik siya saglit.
"Sige, Shaina, ingat na lang."
"Aalis na ako.. Bye..-"
Kaso bigla siyang sumingit.
"Sige na. Sumabay ka na."
Nagbago ang isip?!
"Ha? Sure ka?"
"Oo."
Hindi siya makatingin sakin. Ano kayang problema niya?
Bakit siya nagkakaganyan..? Maaapektuhan din ako.. Kasi.. Kasi ayoko ng naiisip ko.. Kasi imposible..
"O, okay naman pala. Tara."
Naglakad na kami.
Sa gitna si Francis. Buti nga eh.
"Wala ba yung kotse niyo ngayon?" Gumawa na ako ng topic.
"Ah.. Kami na ang nagrequest ni Kev, nakakatamad kasi e. Tsaka mas maganda nga to e, at least, nag kasabay tayo."
Wow. Wow. Wow.
Napatingin lang si Kevin. Tapos tumingin ulit sa nilalakaran niya.
"Ah.. Okay.. Saan sakay niyo? España ako e."
"Ah, ganun ba.. Balic-balic kami e."
"Ah.. Okay." Actually, alam ko naman e. Di ba nga, nakapunta na ako dun sa bahay nila.
"Gusto niyo bang kumain?"
"Kakain?" Wow. Ang hilig mag yaya ni Francis kumain. Pwede sana kaming kumain kung.. Kung nag uusap sana kami ni Kevin..
Kaso hindi naman niya ako pinapansin e.. I'm bothered. Bakit ba nangyayari to? Pwede namang kalimutan na lang namin yung nasabi niya di ba? Baka naman nasabi niya yun dahil sa pagkagulat.. Oo. Nagukat siya. Kaso, nahihiya pa rin akong kausapin siya eh. Hay nako naman..
"Wag na. Umuwi na lang tayo."
"Ah.. E di sa bahay na lang tayo kumain!" Talagang gustong kumain ni Francis ah!
"Sa.. Sa bahay niyo?!"
"Ano?! Sigurado ka ba Francis?" Tanong namin.
"Oo naman.. Di ba hindi naman magagalit si Tita..?"
"Aba malamang, ikaw yung magpapaalam eh."
Nge.. Makikilala ko yung mom ni Kev?! Nakakahiya naman..!! Sosyal pa ata yun.. Kasi galing abroad.. Eh ako?! Ayoko nga!!
"Wag na.. Wag na lang Francis! Nakakahiya naman.. Tsaka.. Tsaka"
"Wag ka nang mahiya..! Asus. Tara na."
"Pero-"
Wala na. Hinatak na ako ni Francis. Hay nako.. Malaking kahihiyan to..!
--..--..--..--..--..
"Ma, dito na kami.." Sabi ni Kevin.
Nakita ko yung isang babae.. Shocks, ang ganda niya!! Mukahng bata..! Siya kaya yung mama ni Kev?!
"O, Francis.. Kevin.." Tumayo ito at lumapit samin. Nakakahiya. Nakakahiya. Sasabog na ata ako dahil sa kahihiyan.-
"At sino naman tong magandang babaeng ito? Hello, hija." WHAT? MAGANDA?
"He-Hello po."
"Maganda? Tsk." Sabi ni Kevin, pabulong nga, rinig ko naman. Hay nako.
"Ah, tita. Siya po si Shaina. Classmate namin. Kakain po sana kami rito..? Kung pwede po..?"
"Oh sure. Sure. Sige. Kumain kayo."
Ang bait naman ng mama niya.. Kakainggit.. Hoy, hindi ko sinasabing salbahe mama ko ha. Ibig kong sabihin, bihira ang mabait na mayaman.
Pumunta na kami dun sa kusina. Daming pagkain! Fiesta ata to ah..!!
"Sige, upo ka na Shaina."
"O-Opo.."
Umupo na kami.
"First time magdala ng babae si Francis dito ah.. O si Kevin ba ang nagdala sayo?"
Nge! Sino nga ba?!
"Si Francis. Imposibleng ako. Eew." singit ni Kevin. Ang yabang!
"Kevin."
"Tsk."
"Tita, ako po yung nagdala sakanya rito..Kakain lang po talaga kami."
"Talaga? Baka naman may balak ka nang ligawan siya?"
Ano raw?! Hay!! Kinikilig ako...! How I wish mag katotoo nga..!!
"Ah, actually Tita-"
Nabagsak bigla yung kutsara ni Kevin. Ang lakas. Parang sinadya.
"Sorry." Pinulot niya.
Kevin..?
"Magdahan dahan ka Kevin.." sabi ng mama niya.
Bakit ganun..? Kahit na sabihin ko sa sarili kong hindi niya sinasadya, parang pumapasok sa isip ko sinadya niya?
--..--..--..--..
Pagkatapos kumain, pumunta muna kami dun sa garden. Umupo kami dun sa mga chairs.. Siyempre, magkalayo pa rin kami ni Kevin.
"So, kamusta ka naman Shaina?"
"Okay lang ho."
Nakikinig lang sa music si Kevin. Si Francis naman, nakatingin lang.
"Ay wait, maliligo ho muna ako." sabi ni Francis.
"Ah sige. Nangangamoy ka na." sabi nung mama ni Kev. Nakakatawa din pala siya. Umalis na si Francis.
"Kayo ho?" tanong ko sa mama ni Kevin.
"Okay lang din. Actually, I'm doing good na.. Kahit medyo may problems pa rin sa buhay." sinulyapan niya si Kevin. Oo nga, problema sa buhay talaga yang si Kevin.
Biglang nag ring yung phone nung mama niya.
"Ah, excuse. I have to take this."
"Ah pero-"
Umalis na yung mama niya.
AND YES, naiwan kami ni Kevin. Siyempre quiet ako. Tsaka hindi rin naman siya nag sasalita eh. Pero naiilang ako. Naman kasi eh..
Sinusulyapan ko lang siya. Hanggang sa..
"Bakit ka ba tingin nang tingin?" NGEEEE.. Nahuli ako!
"Ano? Hindi ah! Bakit naman kita titingnan! As if! Kapal mo-"
Pinatay niya yung iPod niya.
"Huli ka no? Tuluy tuloy ka e."
Nahuli nanaman ako. Hay nako.
"E pakielam mo? Tsaka anu naman? Naninibago lang ako, kasi tahimik ka. Tsaka oo nga pala, yung sinabi mo-"
"Wala yun."
Sumingit agad. Asus.
"Ah okay. Sabi ko nga eh.. Wala.."
Binuksan niya yung iPod niya.
"Pakinggan mo to."
"Ano yan?"
Nilagay niya yung earphones sa tenga ko at nag patugtog.
Half alive daw yung pamagat.
Maganda siya ah. Mapakinggan nga.
[b]KEVIN'S POV:[/b]
Halatang feel na feel niya ah. Pumikit pa. Hay.
Tinitigan ko lang siya.
"Shaina.."
Ayus. Di na niya ako naririnig. Napabuntung hininga ako.
"Ano.."
[b]SHAINA'S POV:[/b]
Feel na feel ko yung kanta, hindi ko alam nag sasalita pala siya.
"Shaina.. Ano.."
Ganda ng music!
"Gusto kita.. Inaamin ko na.. Gusto kita.. Hindi naman totoong pangit ka eh. Maganda ka.. Hindi ko lang masabi kasi.. Kasi alam kong you'll take it as a joke.. Kasi nung nagkakilala tayo.. Away na tayo nang away eh."
I da download ko nga to!
"Ikaw kasi e. Binato mo ko ng coke.. Pero ayos na rin.. At least nagkakilala tayo. Kaso.. Alam kong.. Alam kong kahit anong gawin ko.. Si.. Si Francis pa rin ang gusto mo.."
Tapos namatay! Napadilat ako. Nakatingin siya sakin, parang gulat. Tinanggal ko yung earphone.
"Ano ba naman yan! Lobat na! Bitin!"
"H-Ha..? Lobat..?"
"Oo. Lobat. Hay nako..!!"
Napatingin lang siya. Tapos ngumiti at nag buntung hininga.
Bakit kaya..? Ano bang nangyari?
Pero okay na kami ah. Buti naman..
[b]Kasi hindi ko kaya pag nag iwasan pa kami. [/b]
Last edited by gossipgirl03 (2008-10-15 03:33:14)