Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i]
[align=center]by gossipgirl03
[/align][b][/b][i][/i]
[img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img]
[b]Prologue[/
*CHAPTER ONE*
"[b]S[/b]HAINA!!!"
Aray ko naman! Ang boses ni Kaye, parang nakalunok siya ng microphone ah, hay nako. Mabibingi na ako dito sa babaeng to. Baka di ko pa nakakausap si Francis, bingi na ako,
"Ano nanaman?" Tanong ko nga.
Nasa canteen kami ng mga bestfriends ko. Hinihintay si Francis. Kakuntsaba ko yung mga yun eh.
"Pano ba naman kasi, Shaina. Para akong sirang plaka dito, di ka naman pala nakikinig! Nag day dreaming ka nanaman no? Hay nako." Paasik na sagot ni Kaye.
"Ok lang yan, Kaye." sagot ni Janine, sabay hagikgik. "Hay,- O ayan na sila!" Nakita ko nang papasok si Francis at si .. KEVIN. Ang pinaka ayaw kong makita. Pero no choice ako eh, parang kambal silang di mapaghiwalay. Naku naman.
Pinalilibutan sila ng girls, Kaasar. Di ko makita si Francis!
"Ano ba naman yan..! Daming nakaharang!"
"E di sumingit ka." sagot ni Kaye.
"Ayoko nga, baka makita niya ako, tapos makilala niya ako.." sagot ko naman.
"O? Di ba yung naman talaga ang gusto mo?"
Oo nga no. Yun yung gusto ko.
"Kahit na ba! Wag ka ngang makulit diyan."
"So ano? Gaya ng dati? Tititigan mo na lang siya? Aba, hindi ako magugulat pag isang araw, tunaw na siya."
"Anu ba Kaye!"
"Tama naman si Kaye eh." Dumagdag pa tong si Janine.
"Pati ba naman ikaw?!" Parang wala na akong kakampi ah.
"Basta! Hindi ko na kaya to!"
"Anong gagawin mo?!" Shucks, anong binabalak nitong-
Tumayo si Kaye buhat ang can ng coke zero. Naku, ibabato ata!
"Kaye!! Ano ba?!" Nakipag agawan pa ako dito! "Bitawan mo!"
"Hindi pwede!!"
"Sabi nang bitawan-"
Naagaw ko nga, pero nabitawan ko naman, at hindi sinasadya, tumama kung nasan sila Francis! Patay, may laman pa naman yun!
"KAYE!! Anong ginawa mo?!"
"Naku, patay." dagdag pa ni Janine.
"Hoy, di ko kasalanan yun no. Pero, tingnan ko lang kung di ka pa pansinin niyan." Ngumiti pa siya.
Pero, imbes na boses ni Francis ang marinig namin, ibang boses pa.
"SINONG NAGBATO NG COKE SAKEN?!"
Parang kilala ko ata yun.. At hindi yun si Francis..
"KE-KEVIN...?" Nauutal pa ako.
Umalis lahat ng nakapalibot kay Kevin at Francis.
Basang-basa si Kevin habang nakatitig nang masama samin.
"Nakupo.." Nasabi ko na lang.
"Hoy! Ikaw ba ang nagbato saken?!"
Tinuro pa ako nito. Aba, ang sungit naman nito.
"Ah, sorry ha. Hindi Hoy ang pangalan ko, at sorry din, hindi ko naman sinasadya eh. Pupunasan ko na lang."
Shucks, bakit sa lahat ng tao, si Kevin pa?! Kitang-kita ko sa mga mata niya na nagpipigil lang siya eh, pero nagulat ako nung ngumiti siya.
"Okay lang. Sige, pasensya na rin sa inasal ko."
Nagulat ako dun ah. Parang feeling ko kasi susuntukin na lang niya ako bigla, pero.. Bakit parang pinigilan pa niya ang sarili niya? Anong nangyayari rito?
"S-Sorry.. Talaga.."
"Okay lang talaga." Ngumiti pa ito ulit. Shucks ang gwapo.. Pero talaga, promise, parang susuntukin talaga niya ako. Pinigilan niya ba ang sarili niya para sa akin... O talagang nag papanggap siya gaya ng akala ko?
--..--
Uwian na.
Sa wakas. Kahit medyo palpak ang araw ko.. Makakauwi pa rin ako ng matiwasay.
"O, bye na Kaye at Janine."
Nakatayo lang kaming tatlo sa labas ng school gate. Di kami nag sasabay sabay umuwi. Ako kasi, diretso na sa bahay, silang dalawa, may clubs pa.
"Okay.. Sorry ulet sa nangyari kanina.." sabi ni Kaye.
"Okay lang, sus. Kaw pa. Sanay na ako sayo."
"Ayan kasi.." sabi ni Janine sabay siko kay Kaye.
"Ano ba tong si Janine, minsan na nga lang mag salita.."
Tumawa lang ako.
"Sige, alis na ako. Bukas na lang ulet ha."
Kumaway na ako at nag lakad palayo.
Nang medyo malayo layo na ako, nilabas ko muna yung iPod ko at nagpatugtog.
"Hmm.. Hmm.."
Kaso, nung malapit lapit na ako sa sakayan ng jeep, may humatak sakin sa may eskinita!
"Anong-"
"Hoy, ikaw. Babaeng panget."
Ang boses na ito...
[b]"KE- KEVIN?!"[/b]