[quote]aljelyn13: Hehe. Okay lang pu yan. Anyway, thanks for reading.
Ate ROCEL: Hehe.. Thanks po sa pag read

maling_boys: Thanks po..
russell18: hehe! Parang ganun nga siguro?

starvinz: Ui no spamming po.

dess29: E2 n po.
nicz.love: E2 na po yung update!

[/quote]
--..--..--..--..
*CHAPTER EIGHT*
"Ms. Shaina Rizo? Are you with us?"
"Ha..? Po..?"
Ngek. Nag day dreaming nanaman ako. Hindi ko tuloy napansin na tinatawag na pala ako ni ma'am hay..
Iba na talaga pag napakalapit sayo ng crush mo no?
Parang ayaw mo nang mag isip ng iba!
"I told you to read paragraph 16. What's in your mind and you seem absent?"
Nasermonan pa tuloy ako.
"Ah.. Ma'am.. Sorry po.."
"Whatever. Anyway, who could read the paragraph instead of her?"
Wala atang nagtataas ng..
"Ma'am ako na lang po."
Teka.. Si.. Si Francis yun ah!
Napalingon ako sa likod ko, nakatayo na siya. Nice, siya ang mag babasa nung dapat sana'y binasa ko.
Siya na lang lagi ang nag se save sakin.. ! Kikilig! Di kaya gusto na niya ako?
Nice, ang advance ko naman masyado.
"Okay, Mr. Francis Saldivar."
Ngumiti siya sakin bago nag simulang mag basa. Siyempre ngumiti rin ako.
Ayyiiii... Fate na talaga to! Promise!
--..--..--..--..--..
Pag labas nung masungit naming English Teacher, humarap agad ako kay Francis.
"Fr-Francis.. Ano.. Ah.."
"Ano yun..?"
"Ano.." Sige na! Sabihin mo na! Baka mamaya niyan dumating nanaman yung asungot.
"Ano nga?"
"Ah.. Thanks.. Thanks! Yun!"
"Thanks?"
"Oo.. Dun sa pagbasa mo nung pinapabasa ni Ma'am Dragon - Ah este Ma'am Velarde.."
"Ah.. Yun ba? Okay lang yun."
Mag isip ka Shaina! Ito na ang chance mo! Mag isip ka! Kailangang magka topic kayo!
"Shaina."
Ayan na!
"Ha?"
"May.. May partner ka na ba para sa project sa Biology..?"
Bakit? Yayayain mo ba ako?!
"W-Wala pa eh.." Sorry Kaye. Si Janine na lang.
"Ah.. Ganun ba.. Pwede bang tayo-"
Tsssaaaarrraaaannn!!!!
Eto nanaman! Dumating nanaman ang A-S-U-N-G-O-T.
"Hoy, Francis."
"Kevin.." Ano ba naman yan?! Bakit ba litaw ka nang litaw?! Papansin ka!!
"O, Kevin."
"Anong kailangan mo..?"
"Ah.. Ano.. Ah.. Pwede mo bang.. Ah oo! Gawin mo nga pala yung assignment ha! Pakopya na lang ako!"
Yun lang?! Yun na yun?! Nang istorbo ka dahil dun?! Parang may nahahalata na ako dito ah.
Nananadya ka ba talaga?!
"Ah, oo. Sige."
"Sa basketball practice pala mamaya, wag ka nang pumunta, umuwi ka na."
"Ah, sige."
Sinulyapan niya ako. Tinirikan ko siya.
"Well, sige alis na ako."
At nag lakad na siya palayo.
"Ah..Shaina-"
At pronto. Pumasok na ang teacher. Ang galing mo Kevin. Number one ka na sa listahan ng mga papansin sa mundong to. Congrats!
[b]KEVIN'S POV:[/b]
Ang sarap talagang asarin nung babaeng yun. Hehe. Bahala siya. Pipigilan ko lagi ang pag uusap nila.
Aba, di ako papayag na maging sila no. - Teka.. Ano bang pakielam ko?
Hay, okay lang naman siguro kahit asarin ko siya di ba? Hindi ko dapat isiping masama yun.. Kasi.. Walang ibang ibig sabihin yun..
WALA NGA BA?
--..--..--..--..
Naglelesson na yung Adviser namin ng mapatingin siya sa puwesto nila Francis.
Hmm?
"Ah, Francis, di ka ba nahihirapan diyan? Mukhang malabo kasi ang mata mo eh."
Yess..
"Ah.. Medyo nahihirapan po ng konti.."
Aba, si panget mukhang concern.
Tsk.Tsk.Tsk.
"Well.. Sige, ihahanap kita ng upuan."
[b]SHAINA'S POV:[/b]
WHAAATTT???
NOOOO!!!
Hindi pwede! Hindi ko pa nga siya nakakausap ng buo dahil kay asungot e!!
Hindi siya pwedeng umalis, kahit anong mangyari!!
"So.. Sinong pwedeng lumipat sa likod?"
Wala naman sigurong may gusto di ba?
"Anyone?"
"Uy, nag dadasal na siya." Bulong ni Kaye.
Haha. Sorry na lang. Walang papalit sa kanya. Ang swerte ko talaga!
Tatalikod na dapat ang teacher nang tumayo si Kevin..
Wag mong sabihing..
"Ako na lang po ang papalit sakanya. Since, pinsan ko siya. I'm a little bit concerned about him too."
Ano kamo? Concerned? Totoo ba yan? Japekz ka!
Naman.. Wag sana siya. Wag sana siya! Ayoko kay Kevin!!!!!
"So.. Francis, payag ka ba?"
Tinitigan ni Kevin si Francis. Something fishy about that.
Tumango si Francis.
WHAT? Pumayag siya?
This is not fate at all.. Bakit lagi na lang kasi si Kevin?
Tumayo na si Kevin at Francis. Wala na akong magagawa. Wala na akong choice. And they switched places.
Pag upong pag upo ni Kevin, I felt a bad aura agad.
Naman. Iba talaga pag yung taong hate mo na ang malapit sayo. Mas iba ang feeling. Please lang, wag mo akong kakalabitin o kakausapin, dahil maasar ako!
Ano bang gusto niya talagang mangyari? Is he really helping me or not? Ano bang goal niya at parang sinasadya niya talagang malayo siya sakin? I loathe him. I really do.
Pagkatapos ng ilang pag lelesson sa Biology, nag tanong na si Ma'am tungkol dun sa project.
"Class, by partners yun ha. Sasabihin ko na kung sinu-sino ang magkakapartner. Well, let's start from Aguasito, your partner is Kaye Abayari."
Nice.
And so on. Partner ni Janine si Jake. Ang tagal ko pa. Nu ba yan.
Hanggang sa bored na ako. Di lang pala ako yung nabores, nalaman ko yun nung nag taas ng kamay si Kev.
"Ma'am! Ma'am!"
"O, Kevin."
"Pwede po ba na akong pumili ng partner ko?"
Buti na lang. Ayokong mapartner sayo,
"Ah.. Sino ba?"
Hindi naman siguro ako yan no.
"Si Shaina po. Shaina Rizo."
"A-Ano..?!"
Ano nanamang balak niya?!
"Ah, sige. Kayo naman talaga e."
"Pero Ma'am-" Kailangang mapigilan to. Hindi pwede!
"Thank you Ma'am!"
Wala na akong magawa kasi nag patuloy na si Ma'am..
Ano nanamang gagawin ko? Naiirita na talaga ako.. Ayoko ngang makasama siya pero parang siya naman yung dikit nang dikit at halatang nang aasar..
Pag upo niya, kinalabit niya ako.
"Ano? Ano nanaman bang kailangan mo?"
"O, bakit nanaman ganyan ang sagot mo?"
"E kasi, ayokong makapartner ka. Bakit ba kasi pinili mo pa ako ha? Ano ba talagang gusto mong mangyari?"
"Gusto ko, si Francis. Hindi ikaw."
Kumunot yung noo niya.
"Wala akong pakielam kung si Francis man ang gusto mo. Wala ka nang magagawa. Kasi, I control him."
"Ano?"
[b]Anong ibig niyang sabihin?[/b]