
Mamatz.. ^^
*CHAPTER NINETEEN*
Dinala ako ni Francis sa likod nung flagpole. Kinakabahan ako ah. Paano kung sabihin niya yung gusto kong marinig? Anong gagawin ko? Sasabihin? - Teka, bakit ko ba to tinatanong sa sarili ko? Siyempre sasagutin ko siya! Naman! Ano bang iniisip mo, Shaina??
Pero bakit ganito.. Parang nag aalinlangan ako..
"Ah.. Shaina.."
"A-Ano yun..?"
Tiningnan niya ako.
"Kasi.. Kasi I think.. You're a really nice girl.. And.. And.."
Ayan na. Ayan na. Ayan na.
"I think, I'm starting to like you."
WAAHH!!! Ang lupet! Ang sarap ng feeling! Sasabog na ata tong puso ko dahil sa tuwa!!
"H-Ha..?" Nice, kunwari di alam.
"I like you, Shaina.. Sana.. Sana payagan mo akong manligaw sayo.."
Aba siyempre!!
"Ah.. Ano-"
"Kung gusto mo, mag isip ka muna. I'm waiting for you. Hindi kita mamadaliin, kasi biglaan tong confession ko.. Pero sana.. Hayaan mo ako."
Francis.. Hay.. Ito na yun..
Pero biglang pumasok sa isip ko si Kevin..
Si Kevin? Bakit ko ba iniisp yung asungot na yun? Moment ko to. Kahit ba sa imagination sumisingit pa siya?!
"Sige.. Aalis na ako." Sabi niya tapos umalis na siya. Naiwan ako, kinikilig. Pero.. Medyo.. Doubtful..
Gusto ko pa ba si Francis..? Nalilito ako ng konti e.. Hindi ko alam.. Pero.. Pero happy ako.
Anyway, kailangang malaman to nila Kaye!
Tumakbo na ako. Siyempre with a wide smile. Hehe. Saya! For some years, natupad na yung pangarap ko. Pangarap na akala ko, habang buhay na ganun na lang.
Habang tumatakbo ako, hindi ko alam pero napunta ako sa gym. Sa gym? Anong meron at yung paa ko dinala ako dito?
Nakita ko si Kevin doon, nag babasketball. Alone siya sa court.
"Kevin!"
Tumalikod siya tapos ngumiti.
"O, Shaina."
Lumapit ako.
"Aba, hindi ata panget tawag mo sakin."
"Ganun talaga. Bakit ba?"
"May balita ako sayo!!"
Nagtataka siya.
"Ano?"
"Guess what? Si.. Si Francis.. Nag confess siya sakin!!"
Nawala yung ngiti niya. Pero dedma ako siyempre, malay ko ba.
"Ang saya ko, Kevin! Akalain mo yun, almost three years ata nag pag hihintay na mapansin niya ako yung hinintay ko! Tapos.. Tapos ngayon, nandito na! Niyaya na niya ako! Ang saya!! - Hoy, Kevin? Andito ka ba?"
Hindi siya nasagot e.
"Hoy, Kev? Maging happy ka naman para sakin! Ito naman-"
"Anong ineexpect mo? Tatalon ako sa tuwa, ganun? Gayong.. Gayon ang taong gusto ko, malapit nang mapunta sa iba."
Ano raw?
"Kevin anong-"
Nagulat ako nung hinatak niya yung kamay ko tapos niyakap niya ako.. Ang init niya. Tapos ang higpit pa ng pagyakap niya.
"Kevin?! Ano ba?! Pakawalan mo nga ako! Ano bang problema mo?!-"
"Problema ko..? Ikaw.."
"A-Ano? Ako..?"
Bumibilis yung tibok ng puso ko. Mas mabilis pa nung nagtapat si Francis.
"Lagi.. Laging ikaw ang problema ko.. Ano ba kasing meron ka, ha? Bakit.. Bakit ka pa dumating sa buhay ko..?"
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Kevin? Okay ka lang ba? Ang weird mo! Pakawalan mo nga-"
"Nakakainis ka.. Shaina.."
"Mas nakakainis ka! Ano ba Kevin-"
Ano bang nangyayari..?
"Mahal kita, Shaina.. Mahal kita.."
"A-Ano?"
Nagulat ako.. Pero parang natuwa ako sa kasuluk sulukan ng puso ko.. Pero bakit?! Ano bang sinasabi ni Kevin?!
"Kevin, tumigil ka nga!! Ano ba"
"Mahal na kita.. Pero.. Pero alam kong.. Si.. Si Francis pa rin.. Ang pipiliin mo.. At ang sakit.. Ang sakit.. Para sakin.. Na mawawala ka na.."
Kevin.. Ano tong nararamdaman ko..? Apektado ako.. Apektado ako. Nalilito rin ako.. Ano ba? Bakit ba sinasabi ni Kevin to? Naguguluhan ako..!
"Kevin, ano bang sinasabi mo..?! Pinag tritripan mo ba ako?! Hindi nakakatuwa!-"
Tinulak niya ako tapos hinatak niya ako.. And he kissed me on my cheeks.
Lalong bumilis yung pintig ng puso ko.
"Kevin-"
Naglakad lang siya palayo. Naiwan ako. Shocked. Totoo.. Natutuwa ako.. Pero bakit..? Bakit ganito...? Nawala lahat yung feeling na kanina nararamdaman ko para kay Francis.. Napalitan.. Ng.. Ng confusion. Ano ba talagang feelings ko para kay Kevin..? Hindi ko maintindihan.
Hindi kaya gusto ko na siya..?
At this point, gulung gulo ang utak ko. Bakit ba kasi nag tapat siya.. Ngayon pa? Ngayon pa na.. Na nagtapat pa si Francis. Ano bang gagawin ko?
Gusto ko na ba si Kevin..? O.. O si Francis pa rin..?
I touched my cheeks.
Kevin..
--..--..--..--..--..--
Pagpasok ko sa classroom, nginitian ako ni Francis. Ngumiti rin ako, tapos tiningnan ko si Kevin sa likod.. Nakatingin siya sa bintana.
Kevin..
Naglakad na ako papunta sa chair ko, pag upo ko, kinausap agad ako nila Kaye.
"San ka galing?"
"Diyan lang."
"Talaga?"
"O-Oo.." Nakatingin lang si Janine.
Nararamdaman ko sa likod si Kevin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya.. Alam ko.. Na nakatingin siya sakin.
At hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.. Pagod na ang utak ko sa kakaisip..
Anong sagot ang mabibigay ko kay Francis kung nalilito ako?
Pero bakit ba ako nalilito?! Hindi ko naman gusto si Kevin di ba?! Di ba?! Kaya walang dahilan pala paghintayin ko ng matagal si Francis! Kasi hindi ko gusto si Kevin.. Hindi..
--..--..--..--..
Nakahiga ako sa kama ko nung pumasok si Kuya.
"Shaina, kain na."
"Maya na ako."
Umupo siya sa tabi ko.
"Mukhang matamlay ka ata?"
Umupo ako.
"Kuya.. Nalilito po ako.."
"Nalilito?.. Hmm.. Sa love ba yan?"
Tumango ako.
"Ikaw ah.. Bata ka pa.."
"E kuya, ganun talaga!"
"Sino ang guy?"
"Si.. Si Kevin ho.."
"Ah. He's a good guy. Boto ako sa kanya. Anong prob?"
"Kuya.. Hindi siya ang gusto ko.. Si.. Si Francis.. Yung cousin niya.. E.. E kaso nag tapat si Francis, pati siya.. Nalilito ako e."
"Sure ka ba na hindi si Kevin ang gusto mo?"
"Ha?"
"Kasi para sakin, si Kevin ang gusto mo. Nakakaarte ka ng normal pag nandyan si Kevin, hindi ka nahihiya.. Nalalabas mo kung sino ka.. At higit sa lahat, kung nagustuhan ka niya ng ganun ka, siya ang perfect guy."
"T-Teka.. Paano mo nalaman yun?!"
"Sinabi sakin."
Hay nako. Kaye talaga..
"Sana nga Kuya ganun kadaling sabihin sa kanila yun. Mag pinsan kaya sila."
"Kasalanan mo yan. Dapat hindi mo nilapitan si Kevin."
"Naman e. Di mo ako tinutulungan!"
"Ganun talaga. Solve your own problem. Sige, alis na ako, Kain pa ako."
Tumayo siya at umalis.
Hayyyy.. Ano ba yan..
Tumunog yung cp ko.
Nagtext.. Si.. Si Kevin..?!
[quote]Shaina, kta tau.. S.. S mall. Bks, 2 ng hpn.. We cn start as frnds db?[/quote]
Friends..? Friends ba talaga ang paraan..?
Pero.. Sige.
[quote]Cge, kita tau..[/quote]
[b]Handa na ba akong harapin siya..?[/b]