[quote]sis ROCEL: Nope. Dun kasi yung pinakamalapit na restroom sa mga rooms nila kaya dun siya pumunta.

TO ALL: Mamatz pu!!

[/quote]
*CHAPTER TWENTY-FIVE*
"K-Kevin!!"
"Anong ginagawa mo?! Namboboso ka?!"
Tumalikod ako.
"Hindi no!! Hindi ko sinasadya!! Sorry!!"
Tumakbo ako. Nakasalubong ko si Francis.
"O, bakit ka sumisigaw?"
"A-Ano.. Kasi.. Kasi..-"
"Ano? Para kang nakakita ng multo."
"Kasi.. Si.. Si Kevin.."
"Anong nangyari kay Kevin?!"
"Hindi ko sinasadya.. Nabuksan ko yung pintuan nung cr.. Tapos andun siya.. - E wala akong nakita!! Promise!"
Natawa si Francis.
"Ikaw talaga. Bakit parang nagulat ka? Namumula ka pa."
"E.. E ikaw kaya-"
"Hoy Shaina!"
"Kevin!"
Dumating si Kevin naka t-shirt at shorts. Baligtad pa yung t-shirt. Halatang nagmamadali.
"Ikaw ha! May pagnanasa ka pala sakin e!"
"Hin-Hindi no!! Hindi ko naman talaga sinasadya e!!"
"Hoy Francis, alam mo ba kung anong nangyari?"
"Oo."
"Okay lang sayo? Yang girlfriend mo-"
"Okay lang. Kasi wala naman siyang nakita at kung meron man, wala namang ibig sabihin yun kasi akin na siya."
Hinawakan ako ni Francis.
Thank you God binigyan mo ako ng wonderful friend na gaya ni Francis. Isang savior!
Natahimik si Kevin.
Uy, affected. Biglang dumating si tita.
"O, anong ginagawa niyo dito? Kakain na tayo ng tanghalian."
"A.. Ah buti naman! Gutom na gutom na kaya ako!" sabi ni Kevin at nagmamadaling umalis.
"Sunod na rin kayo ha." sabi ni tita tapos umalis na.
"Okay ba yung ginawa ko?" tanong ni Francis.
"Naman!" sagot ko tapos naglakad na kami papuntang dining room.
Nakaupo na silang lahat at kami na lang pala ang hinihintay.
"Kain na tayo!" sabi ni Abby.
Umupo na rin kami.
"So, kamusta ang ambiance dito, Shaina?"
"Ah.. O-Okay lang po.."
"Bakit nga pala kanina sumisigaw ka?" taong ni Abby.
Nge. Please naman.. Ayoko nang maalala pa yung katangahan ko..
"Ah.. Kasi.."
"E pano, nandun ako sa cr, binuksan niya yung pintuan."
"HA?" nasabi ni Abby at tita.
"Di.. Di ko naman sinadya yun e! Hindi mo kasi nilock yung pintuan!! Yan tuloy! E nagmamadali rin kasi ako pumuntang banyo kaya di lang ako ang may kasalanan!!"
"Kumatok ka kasi dapat muna!"
"E akala ko nga walang tao!!"
"E kasi ang-"
"Tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain." sabi ni tita na parang natatawa.
Nakakainis naman e. Nakakahiya. Nakakahiya kay Abby.. Baka magselos siya o kaya magalit.. Sinulyapan ko si Abby. Nge. Natatawa rin yung itsura niya.
Bakit kaya di siya mukhang galit..?
"Anyway, change topic na lang tayo. Maya punta tayo nang resort." yaya ni tita.
"Re-Resort?" nasabi ko lang. Nge. Ayokong mag punta dun.
"That would be really great!" dagdag ni Abby.
"Pero-"
"Masarap mag swimming ngayon ah." gatong ni Kevin.
"Ayoko-"
"Tama." gatong rin ni Francis.
NGE. Paano na yan.. Lahat sila gusto.. Wala akong magagawa niyan..!
"Later na lang, libutin muna natin tong Tagaytay for awhile." sabi ni tita.
Hay nako.
--..--..--..--..
Ang lamig naman dito! Hay, sarap magpahangin.
Nakatayo ako sa may terrace, lahat ata sila nasa baba.
"Kamusta na kaya sila mama?"
"Hoy bakit ka nag sasalita mag isa?"
Si Kevin. Lumitaw nanaman.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ginagawa ko? Nakatayo."
Weh. Pilosopo.
"Alam ko, ako din nakatayo e."
"O yun pala e. Tatanong ka pa."
Tumingin na lang ako sa himpapawid.
"Sama ka sa resort?"
"Ewan ko.. Siguro." sagot niya.
"Hay, parang ayoko nga e. Hindi kasi ako marunong lumangoy e."
"Asus. Andyan naman si Francis e.. Ililigtas ka niya.."
Tiningnan ko lang siya.
"Si Francis..?"
"Oo.. Di ba.. Boyfriend mo siya..?"
"O-Oo.. Hindi naman ako mag swi swimming e.."
"Bakit naman..?"
"Ayoko lang.."
"Paturo ka kay Francis.."
Nakakairita naman tong si Kevin. Puro Francis!
"Ah ganun? Sa tingin ko di marunong mag swimming si ABBY, turuan mo rin siya."
"Marunong ata siya."
"Hindi siya marunong. Turuan mo si Abby."
"E di turuan. Mag ihaw ka na lang ng barbecue kasama ni FRANCIS."
"Wag na, kayo na lang ni ABBY."
"Kayo na lang!"
"Kayo na nga lang e!"
"Kayo na lang! Bakit ba?! It's your chance to be alone with Francis!"
"I could always be alone with him!!"
"Hindi rin!"
"Oo rin!"
Nakakaasar! Bakit niya ba ako pinagtutulakan kay Francis?! Nakakainis!!
"Bahala ka Kevin! Diyan ka na! Tutal, ang gusto mo naman e magkasama kami ni Francis, e di pupuntahan ko na siya!!"
Aalis na sana ako nung hinawakan niya yung kamay ko.
"Ke-Kevin.."
"Hindi naman ganun yung gusto kong iimply e.. Hindi ganun.."
"H-Ha..?"
Parang nagising siya bigla tapos binitawan niya yung kamay ko tapos tumalikod siya.
"Wala.. Kalimutan mo na.."
"Ano..?"
"Umalis ka na.. Dun ka na sa Francis mo.."
Francis nanaman. Epal talaga tong asungot na to.
"Oo na! Pupunta na ako kay Francis!"
Tumakbo ako palayo at iniwan ko siya. Bahala siya.
[b]KEVIN'S POV:[/b]
"Bahala ka Kevin! Diyan ka na! Tutal, ang gusto mo naman e magkasama kami ni Francis, e di pupuntahan ko na siya!!"
Aalis na sana siya pero hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ko yung kamay niya..
"Ke-Kevin.."
"Hindi naman ganun yung gusto kong iimply e.. Hindi ganun.."
"H-Ha..?"
Hindi naman kita pinagtutulakan kay Francis e.. Gusto ko lang humaba yung usapan natin.. Para.. Para makusap pa kita.. Para hindi maputol ang usapan natin..
Teka, anong ginagawa ko?!
Binitawan ko siya.
"Wala.. Kalimutan mo na.."
"Ano..?"
"Umalis ka na.. Dun ka na sa Francis mo.."
Mukhang nainis siya.
"Oo na! Pupunta na ako kay Francis!"
Tumakbo na siya.
Tiningnan ko lang siya palayo.. Parang goodbye. At ang sakit.
Narealize ko na parang.. Ako rin pala yung nagpapalayo sakanya sa ginawa ko..
At ang sakit sakit.
[b]'Cause I'm madly inlove with her..[/b]