Thanks thanks po sa lahat.. ^^
[quote]rikodlaya11: Me too.. I registered because of that reason either..

Tanya po. Ikaw??

eclipse_twins: hehe. thanks pu.

I like the Love Ball anyways.

Nickay: Hehe! ILY pu talga!!

[/quote]
--..--..--..
*CHAPTER FOUR*
"Good morning, Kaye, Janine!"
Sabay upo sa sa aking seat malapit sa bintana.
"Morning din." Sagot ng dalawa.
"Nagawa mo ba yung assignment sa TLE?" Hay nako, for sure, mangongopya nanaman tong si Kaye.
"At bakit?"
"Eh.. Alam mo na.." sagot ni Janine.
"Ay sus, sige na nga, pakokopyahin kita. Basta libre mo ko mamaya sa lunch."
"Sure! Thank you Shai!"
At hinablot na ang bag ko't hinalungkat.
"Hoy, dahan dahan po. - Ay wait lang ha, cr lang ako."
Tumayo na ako at lumabas ng room.
Ang tamad talaga nung si Kaye. Buti na lang at mabait ako. Nice, ang kapal.
Teka, teka, anong kaguluhan yun?
"Hmm..? Bakit kaya sila nag kakagulo?"
Lumapit ako nang dahan dahan dun sa mga girls malapit sa cr.
Eh kaya naman pala eh. Dumating na pala ang mayabang na si Kevin.
Tsk. Ano naman? Ang yabang yabang nun eh, ay oo nga pala, hindi alam ng mga taong to ang ugali niya. Asus.
Papasok na ako sa cr ng masulyapan ko si Francis.
Shucks, ang bilis ng heartbeat ko!
"Francis.."
Lumalapit sila ni Kevin sa direction ko, pero siyempre, patay malisya.
Nginitian ako ni Kevin,
Anong trip niya?
"Asus." Bulong ko sa sarili ko.
Pero siyempre, si Francis pa rin ang pinag tuunan ko ng pansin.
Nakatingin siya sakin, kinakabahan ako.. Hindi kaya sinabi na ni Kev?
Sana naman hindi!!
At nilagpasan nila ako. Nakahinga ako nang maluwag dun ah.
"Kasi naman, Shaina, sana si Francis na lang ang natamaan mo, nahihirapan ka tuloy makipag tinginan sa lalaking ayaw mo.."
--..--..--..--..--..--..--..--..--..--..--
Uwian na.
Ito na yung oras na hinihintay ko, makikita ko na si Francis.. At baka makausap ko na rin siya!
Nasa tapat na kami ng gate, as usual, bye bye na.
"Sige, bye na!"
"Bakit parang excited ka ata?" Nagtanong pa ang tsismosang to.
"Basta!"
"Wag ka na ngang magtanong, Kaye."
"Oo na, oo na.. Sige, alis na kami ni Janine, bye."
Kumaway na ako at naglakad paalis. Yes, sa wakas...
Kahit masakit tanggapin na tutulungan pa ako ng taong pinaka ayaw ko, masaya pa rin ako!
Binibilisan ko na yung lakad ko since malapi lapit na ring gumabi, baka mamaya pag dating ko wala na sila..
AT LAST!
Pagakatapos ng mahaba habang pag lalakad, naabot ko na yung eskinita,
Asan kaya sila?
May biglang kumalabit sakin.
"Kevin!"
"Butin naman at pumunta ka.."
"Siyempre, pupunta si Francis eh."
"Ganun ba?"
"OO."
"Eh paano na yan, tumanggi si Francis?"
Ano kamo?!
"A-Ano..?"
"Ayaw niya daw makipagkita sayo eh."
Ouch.
"B-Bakit daw..?"
"Kasi di ka niya gusto."
Aray.
"Ah.. G-Ganun ba.. Sige, aalis na ako-"
Hinawakan niya yung kamay ko. Eeewwww..!!!
"Ano ba?!"
"Ano? Hinawakan lang sa kamay nagalit kaagad."
Hinatak ko na yung kamay ko at pinag taasan ko siya ng kilay.
"Well, uuwi na ako. Wala naman yung gusto kong makita eh. At pwede ba, kahit once, ayusin mo yang ugali mo. Hindi porke't ako lang ang kaharap mo, puro ka.. Basta!"
Nakaasar tong lalaking to.!!
"Wag muna."
"Ano?"
"Wag ka munang umuwi, panget."
Ayan nanaman.. Nagsisimula nanaman..
"Tigil tigilan mo ako. Uuwi na ako. Isa pa, baka magalit pa ang lola ko."
"Lola mo? Eh tinawagan ko na eh, pumayag nga agad."
Ano?!
"Haha. Kakatawa."
"Ayaw mo maniwala? Eh di kausapin mo, o."
Binigay sakin yung iPhone niya.
Shucks, ang yaman, kaso mayabang.
"Hello? La?"
"O, apo. Sige, mag enjoy ka muna kasama ni Kevin, mabait na bata naman siya e. Sige, nag mamadali ako."
At binababa agad ang phone.
MABAIT DAW?
Ano ba itong nangyayari? Pati lola ko nauto niya? Ano bang meron siya't naniniwala sila sa kanya?!
Naiinis ako!!
Hinagis ko sakanya yung iPhone niya.
"O ano ka ngayon? Tara, punta tayo sa mall."
"Ano? anong akala mo sakin? Escort?"
"Hindi. Basta, tara na."
"Ayoko nga eh! Wala akong pakielam sa-"
"Nandun si Francis."
Aba, uutuin nanaman ako.
"And so? Akala mo ba maniniwala ako sayo? Alam ko na hindi talaga niya sinabi yun. Dahil kilala ko siya,"
"Pero mas kilala ko siya."
Oo nga.. Mali pala ako.
"Okay sige, totoong hindi niya sinabi yun, trip ko lang yun."
Sumakit pa naman dibdib ko dun. Epal talaga tong lalaking to.
"O anu naman? Uuwi na ako,"
"Pero totoong nandun siya. Remember, inampon lang ng family ko yun."
"Kahit na ba. Wala akong pakielam kahit na pumunta pa siya dito at sunduin ako. Basta hindi ako sasama sa mall kasama ang isang gaya mong mayabang, matapobre at sinungaling-!"
"Gwapo pa."
Ang yabang talaga!!
"Bahala ka sa buhay mo! Puro yabang lang-"
"Tara na!"
At binuhat nga ako!
Ano ba yan?!
"Bitawan mo ako!!!"
"Bahala ka."
At sinakay nga ako sa kotse.
Anong gagawin ko?
Paano kung talagang nandun si Francis?
Anong pwedeng sabhin ko?
[b]Thanks sa antipatikong lalaking to, namomoblema ako![/b]