2008-09-30 01:12:28

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

[spoiler]^ Thanks po sa lahat.. :D[/spoiler] *CHAPTER FIVE* Bumaba na rin kami sa wakas. Shucks, I don't know what I'm feeling. Kaba ba? O tuwa? O ewan? Naman kasi tong Kevin na to.. "O tara na." "Oo papasok ako. Mag hintay ka." "Ang sungit.. Ikaw siguro yung hindi kilala ng mga friends mo at hindi ako." "Sayo lang naman ako masungit eh, ang sama kasi ng ugali mo. Ayoko sayo. Hindi kita gusto, Kevin Saldivar." [b]KEVIN'S POV:[/b] "Ang sungit.. Ikaw siguro yung hindi kilala ng friends mo at hindi ako." Eh totoo naman e. Mas masungit pa ata tong babaeng to sa pinaka masungit na tao sa mundo. "Sayo lang naman ako masungit eh, ang sama kasi ng ugali mo. Ayoko sayo. Hindi kita gusto, Kevin Saldivar." Aray. Ang sakit nun ah. Ewan ko pero parang naasar ako dun. [b]SHAINA'S POV:[/b] Medyo nasobrahan ata ako dun ng konti, pero di ko na mababawi yun.. Hay, bahala na. "E di rin naman kita gusto ah. Sino bang magkakagusto sa gaya mo? Bagay nga kayo ni Francis, pareho kayong geek." Ininsulto nanaman yung Francis ko.! "Bakit ba?! Wala kang pakielam! Hay nako, di pa talaga tayo papasok ha?" "E di tara na. Puro ka kasi satsat diyan." At naglakad na siya palayo. As if! Ako pa yung puro satsat! --..--..--..--.. Nasa tapat kami ng Shakey's. "O anong gagawin natin dito?" "E di kakain, malamang." "Ah kakain ka?" "Tayong dalawa. Don't worry, sweetheart, treat ko. Dahil alam kong wala ka namang pera e." Ang.. Ang yabang!!!! "Sweetheart, sweetheart.. Sweetheart mo face mo! Siguro pag pinako ko yang mukha mo, babaluktot yung pako. Ang kapal kasi sobra ng mukha mo eh!" "Hindi naman, slight lang." Tsk.. Ewan ko sayo. Hinatak na niya ako sa loob. Umupo kami malapit sa counter. Tapos nag order na siya. "Oi akala.. Akala ko ba nandito si Francis?" Tiningnan niya ako. "Sabi ko na nga ba eh, kunwari ka pang ayaw mo, sasama ka din pala kasi akala mo, nandito si Francis." Did I hear it right? AKALA? "What do you mean akala ko?" Tumawa nanaman siya nang mahina. No, no, no.. Hindi kaya.. "Wala siya rito." ANO?!!!! "Ano kamo?! Niloko mo nanaman ako?!" "Hmm.. Wait.. - Oo ata? Haha! Ikaw naman kasi eh, ang bilis mong maniwala." "Aba, kasalanan ko pa pala?! Nakakainis ka!! Uuwi na ako!!" Tatayo dapat ako nang hinawakan niya ako. "Let me go! Ayoko ngang kasama ka!" "And so? Nandito na tayo, kaya wag ka nang umalis." "E anong paki mo kung aalis ako? Mag sasayang lang ako ng oras!" "Alam mo, Shaina." "Hindi ko pa alam." "Hindi pa nga, kaya nga sasabihin ko eh." Aba, marunong palang makipag pilosopohan tong lalaking to. "Ano?" "Ang arte mo." Ano daw? Maarte daw ako? "Ano?! Eh pakielam mo?! Mag hanap ka ng kausap mo!" "Wag ka ngang maingay. Nakakahiya ka, para kang tindera sa palengke. Ayan tuloy, pinagtitinginan tayo." Tsaka ko lang napansin. Nakatingin sila lahat sakin. Nakakahiya! Huminga ako nang malalim tapos umupo na ako. "Epal ka." Binulong ko na lang. Tumawa lang si Kevin. Pinagmasdan ko lang siya sandali. Gwapo talaga tong lalaking to, ganda ng panlabas.. Pangit nga lang ng panloob.. Sayang siya, kung siya sana yung nagligtas sakin dati, di sana siya ang nagustuhan ko.. Hay nako, bakit ba ako nag iisip ng ganito? Anyways, may good trait siya kahit papano. Kalmado siya at mukhang mabait. Hoy ha, mukhang mabait. Pag binuksan niya yung bibig niya, hindi na. Hmm.. Matalino siya at mukhang professional. Sayang talaga. "Anong tinitingin tingin mo diyan?" Nge! Napansin pala ako! "Di ikaw yung tinitingnan ko no! Bakit naman kita titingnan? As if naman! Kapal mo talaga! Hay nako-" "Oo na. Tama na." Ganun talaga ako, pag nahuhuli sa akto, dire diretso na lang yung bibig ko. Hay nako. After ilang minutes, dumating na yung order. Nice, it's been ages since nakakain ako dito, and that was when my kuya is in the house for vacation. "Okay na. Kain na tayo. Mukhang takam na takam ka na eh." Nababasa niya ba nasa isip ko?! "Hindi no! Ang kapal mo talaga! Wala ka bang magawa at lagi mo na lang-" "Oo na. Oo na. Nabuko kita tapos dire diretso ka na." Paano niya ba nalalaman?! [b]Psychic ba tong lalaking to o may sademonyo lang talaga?![/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:06

[ 12 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy