^ MAMATZ PO NG MARAMI!!

*CHAPTER FOURTEEN*
"Bye la, tara na Shaina." Di ko narinig si kuya. Hanggang ngayon, nababagabag pa rin ako sa sinabi ni Janine. Si Francis ng ang gusto ko, pero..
"Shaina?"
"H-Ha?"
"Okay ka lang ba?" Mukhang worried si Kuya.
"Ah.. O-Okay lang ako.. Tara na kuya, bye la."
Lumabas na kami ng gate.
"Oo nga pala, Shaina, may game kami sa Friday, nuod kayo ng friends mo ah."
"Wow, kararating mu pa lang ah."
"Oo nga e. Ganun talaga pag magaling."
"Yabang mo!"
May similarities pala si Kuya at si Kev huh.
--..--..--..--..
"Hi guys."
Nakasalubong namin ni Kuya si Janine at Kaye.
"O, Shaina. At si Kuya Stephen!"
Nice feeling close si Kaye. Si Janine naman, nakatingin lang kay Kuya. Tapos napakagat sa labi. Hmm..
"So, ano.. Kaye."
"Yes?"
"Nood kayo ng game ha."
"Sure! Sure!"
"Okay, sige. Bye."
Iniwan na kami ni Kuya.
"Now, Shaina. Nakapg isip isip ka na ba?"
"Alam niyo, hindi ko gusto si Kevin, at hindi ko siya magugustuhan kahit kailan."
Naglakad na kami papasok.
"Talaga?"
"Oo."
"E di kay Francis ka na talaga?"
"Oo nga."
"Ipagpapatuloy mo pa rin ba yung pag papanggap mo bilang isang good girl?"
Napa buntung hininga ako.
"Ewan ko."
Naglakad lakad kami. Naisip ko bigla na, si Kevin din pala nag papanggap. Hindi lang ako.. Pero.. Pero mas unreasonable ako.. Pero kahit anong isipin ko, talagang hindi ko kayang gawin ang dapat..
--..--..--..--..
As usual, pag upo ko, kinalabit ako ni Kevin.
"Ano?"
"Eto naman, aga aga-"
"Ano nga?"
Ito namang si Kevin, nag iisip pa nga ako e, nakikisingit pa.
"So.. May game kasi Friday.."
"Alam ko."
"Punta ka.. Ha..?"
Napatingin ako sakanya.
"Ano?"
"Bakit parang nag mamakaawa ka?"
Napatingin siya sa ibang direksyon.
"Hindi nuh! Bakit naman?! Di kung ayaw mo di wag!!-"
"Hoy, joke lang po. Siyempre pupunta ako, dun si Kuya e."
"Tsk."
Sinulyapan ko si Francis.
Talagang gusto ko siya.. Sobra..
--..--..--..--..--
Recess time.
"Kain na tayo sa cafeteria." Nagulat ako, wow. Si Kevin ba talaga to?
"Ano?"
"Kumain tayo dun."
"Ayoko nga. Dumugin ka pa ng fans mo."
Aalis na ako nung nagsalita pa siya.
"Kasama.. Kasama si Francis.."
Lumingon ako sakanya.
"Talaga?"
"Oo.. Kaya.. Tara na.."
"Sige ba!"
--..--..--..--
Kaming tatlo lang ni Francis at Kevin sa table. Di sumama sila Kaye, ma out of place daw sila.
"Shaina, sorry ha. Hindi kita nahatid kahapon ah."
"Ah okay lang.." Shocks. Kakilig! Parang talagang nag sisisi siya!
Nakatitig si Kev samin, pero di ko siya pinansin. Bahala siya.
[b]KEVIN'S POV:[/b]
Nakakainis.. Nakakainis..!!
Bakit pa kasi kailangang kasama si Francis para lang sumama tong panget na to?!
Ang masama pa, parang wala ako dito! Hay nako!!
[b]SHAINA'S POV:[/b]
Hay, ang sarap ng feeling. Sana balang araw, maging kami rin ni Francis..
--..--..--..--..--..
Pag balik namin sa classroom, kaming dalawa palang pala ni Kev yung bumalik. Si Francis dumaan pa sa library. Umupo ako diretso sa upuan ko. Umupo si Kevin sa upuan ni Kaye, yung sa tabi ko.
"O, bakit nakaharap ka?"
"E bakit, masama?"
"Pag ikaw, oo."
Napasimangot siya.
"Pero pag si Francis, hindi, ganun?"
Nginitian ko siya.
"Tama."
"Tsk. Lagi naman e."
"Alam mo naman pala e, tatanung ka pa. Kahit anong mangyari, si Francis ang gusto ko, kahit gumuho pa ang mundo.-"
Nagulat ako nung hinampas ni Kevin yung desk ni Kaye.
"Kevin..?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka magugustuhan ni Francis? Dahil panget ka! Walang maganda sayo! Lahat panget! Walang magkakagusto sayo! Mag hanap ka ng iba! Hindi kayo bagay! Hindi ka niya magugustuhan! Hinding hindi-!"
Bakit ganun siya..? Bakit ipinamumukha niya sakin na hindi ako gusto ni Francis..? Ayokong umiyak pero, pero hindi ko mapigilan..
Napatigil na siya nung tumulo na yung luha ko.
"Ah.. Shaina-"
"Masaya ka na ba? Kasi napaiyak mo na ako? Nasaktan mo na ako? Ano bang problema mo..? Bakit ba gusto mong lagi akong masaktan..?"
"Shaina, nabigla-"
"I've heard enough.. Tama na, Kevin.. Kung hindi mo ako gusto para sa pinsan mo, wala akong magagawa.. Pero gusto ko si Francis.. At wala ka ring magagawa about that fact.."
"Sorry, Shaina.. Hindi ko sinasadya-"
"Kung talagang sorry ka, lumayo ka na lang. Kasi.. Kasi ayoko munang makausap ka."
Tumayo na ako sa upuan at lumabas. Naiwan siya sa loob.
Parang gusto kong mag cut ng klase ngayon.. Kasi hindi ko kayang makita si Kevin.
I admit na nasaktan talaga ako.. Pero hindi dahil sa sinabi niya na hindi ako magugustuhan ni Francis..
Deep inside me, hindi dahil dun. Dahil sa thought ko na..
[b]Ayaw niya sa akin. [/b]