sis ROCEL: Hehe. Ok po!!
rikodlaya11: Hehe. Wala po kasi akong magawa a.. Kea update lang ako nang update..
aljelyn13: Hehe. Tnx po sa pag read.
nicz.love: Thanks po..!!
[/quote]
*CHAPTER NINE*
Medyo naguluhan ako dun ah. He controls him? How come?
I don't get him. Well, ganun talaga nuh, pag halimaw yung kausap mo, hindi mo talaga maiintindihan ang language niya.
Anyways, uwian na. Hay, walang pasok bukas, di ko makikita si Francis. Pero okay na rin, susunduin na namin sa Sunday si kuya!!
Naglalakad na ako kasama ang friends ko nang may kumalabit sakin.
"Kevin?"
"Galing mo ah."
Nakatingin lang samin sina Kaye at Janine.
"Ah.. Sige, Kaye, Janine. Mauna na kayo.. Susunod na lang ako.."
"Okay.. Goodluck!"
"Goodluck? Kaye kaw-"
"Bye!"
Umalis na sila.
"O ngayon? Ano nanaman ang kailangan mo?"
"Magtatanong lang ako."
"Ano?"
"San tayo gagawa ng project?"
Aba, may concern pala to sa mga ganung bagay.
"Ikaw."
"Hmm.. Sa bahay ko na lang."
"Bakit sa bahay mo pa? Pwede naman sa library." Ayokong pumunta sa bahay mo.
"At least sa bahay ko kumpleto, may pc, laptop, may mga books din ako at kung anu-ano pa. Malapit pa sa mall kaya madaling bumili ng mga gamit. So, ano? Dun na lang?"
"Hay nako, Kevin. Hindi mo kailangang ipamukha sakin na walang binatbat yung bahay namin sa bahay niyo."
Ang yabang talga.
"Hindi ko naman ipinamumukha ah. Kala mo lang yun."
"Bahala ka."
Nagsimula na akong maglakad at sumusunod na rin naman siya.
"Ano? Kelan?"
"Kahit kelan."
"Ngayon, pwede?"
"Excited ka ha."
"Ano nga?"
Hmm.. Kung sa bahay niya, di posible pa lang nandun rin si Francis!
"Ahh.. Kev, nandun ba si Francis?"
Napatigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako,
"At bakit?"
"Eh.. Wala lang..''
"Talaga? Bakit ba puro na lang si Francis ang iniisip mo? Nakakairita kaya."
"E ano bang pakielam mo? Mula't sapul, alam mo naman na siya ang gusto ko di ba? Kaya dapat alam mong siya at siya pa rin ang iisipin ko."
"Tsk."
"Ano?"
Naglakad na siya ulit palabas ng building. Siyempre, sinundan ko. Nagulat kasi ako dun sa reaction niya.
"Hoy! Kevin! Mag hintay ka!"
Hinatak ko yung bag niya. Napatigil siya.
"Ano?!"
"Bakit ka sumisigaw?!"
"E bakit mo kasi hinatak yung bag ko?!"
"Parang yun lang eh! Ang init ng ulo mo!"
"Eh ano bang pakielam mo?!"
"Wala!"
"Eh yun pala e!"
"E bakit nga ang init ng ulo mo?!"
"Wala ka na run!"
"Talagang wala ako dun kasi nandito ako..!"
Beh. Pinilosopo ko na rin siya. Ganun din naman siya e.
"Haha. Kakatawa."
"Ay hindi joke yun."
"E ano naman?"
"Wala."
"Wala pala e."
Natahimik kami saglit. May mga students din na tumitingin kay Kevin, siyempre.
Napabuntung hininga siya.
"Hay. Sige na. Bukas na lang tayo gumawa ng project. Susunduin kita sa bahay niyo, mga 1 ng hapon."
"Ay wag na. Ako na lang ang pupunta. Nakakahiya sayo." Nice, may hiya pala ko.
"Wala ka namang hiya a."
Naman.. Siya ang nag sisimula e!!
"Ah ganun ba? Sorry ha, kala ko meron ngayon, naiwan ko pala sa bahay ko yung hiya ko."
"Corny mo panget."
"Wag mo kong tawaging panget at wala naman akong sinabing tumawa ka ha."
"Hay, bahala ka. Basta mag damit ka nang maayos at susunduin kita bukas."
"Tsk. Bahala ka. Basta hindi ako magbabayad ng pang gasolina mo."
"Oo na. Baka baon mo nga lang yung presyo ng isang litro ng gas e."
Isa pa. Hahampasin ko na siya ng bag ko.
"Haha. Hirap talaga pag poor no? Pulubs!-"
ASAARRR!!
Hinampas ko siya ng bag ko.
"Aray! Ano ba?!"
"E ikaw e! Lagi ka na lang nag yayabang!-"
Nag sisigaw ako, pero napatigil ako nung biglang dumating si Francis.
"Ah.. Kevin."
Ngeekk! He saw me at my worst!! Panu na?!
"O, ano?"
"Tumawag si Tita.. Dadating na daw siya sa Sunday.."
"Ah ganun? So?"
Bakit sa tono ni Kevin.. Parang galit siya sa mom niya..? Ano kayang problem..?
"Ah, hi. Shaina."
"H-Hi.. Francis..-"
"Tara na Francis."
At as usual, hinatak nanaman ng magaling na si Kevin palayo si Francis.
Hay, tingin ko. Sinasadya niya talagang ilayo si Francis.. Pero bakit? Ano bang purpose niya..?
--..--..--..--..--..--
"La."
"O, apo. Bakit nakabihis ka? San punta mo?"
"Ah, gagawa lang po ako ng project sa bahay ni Kevin."
"Kevin..?"
"Oho. Don't worry la, friend ko lang yun." Friend daw.. Baka ENEMY,
"Ah.. Sige."
"Cr lang nga muna ako."
At pumasok na ako sa cr. Hindi ko alam na kumakatok na si Kein. Si Lola ang nagbukas ng pintuan.
"O.. Sino ho sila? Mukhang naliligaw ho ata kayo?"
"Ah, ako po si Kevin."
"I-Ikaw yung kaibigan ni.. Ni Shai?"
"Oho."
"Ah.. Sandali lang ha."
Kinatok na lola yung pintuan.
Pag bukas ko nung pintu, hinatak agad ako ni lola.
"Bakit ho-?"
"Ang gwapo naman ng kaibigan mo..! Kung yan ang manliligaw sayo, okay lang!"
"Lola naman e." Ang sama kaya nung ugali nun.
Humalik na ako sa lola ko at pumunta na kay Kevin.
"Tara na."
"Itong bahay niyo, sala at kuwarto ko lang." Bulong niya. Inapakan ko nga yung paa.
"Ang yabang mo."
"Aray-!"
--..--..--..--..
Pag pasok namin sa bahay niya. Na amaze ako. May karapatan ng siyang magyabang.. Puro mamahalin yung gamit niya.. Talagang wala ngang binatbat yung bahay namin.. Hay. Kakahiya naman.
"Tara na. Dun tayo sa kuwarto ko. Si Francis dun sa kuwarto niya, kaya wag mo na akong tanungin."
"Oo na. Bakit sa kwarto mo pa? Ayoko nga."
"Wag ka ngang maarte. Di naman kita aanuhin e. Sinong magkakainteres sa gay mo? Eeewww."
Kung di lang mahal yung mga gamit niya, binato ko lahat sa kanya!
"OO na! Porke't may itsura ka.. Hmp."
At umakyat na kami. Siyempre, di ko naiwasang ma shock, ang gwapo at ang ganda ng parents niya, kita ko sa family picture nila. Nandun sila ni Francis. Seryoso nga lang si Kevin sa kanilang apat.
Bakit kaya?
"Ito na ba yung kwarto mo?"
"Uh-huh."
"Sige nga, patingin."
Pag bukas niya ng pintuan, gulat na gulat nanaman ako. Hay, ang yaman pala talaga nitong lalaking to..
"Elibs ka?"
"Hindi no." Oo.
"Tsk. Sige na, upo ka na."
Umupo lang ako dun sa mga couch malapit sa tv.
"Hmm.. Kev, ano nga pala yung ibig sabihin mo dun sa you control Francis?"
Napatigil siya sa pag aayos ng laptop niya.
"Tsk. Bakit?"
"Wala lang.. Parang ano kasi ehh.."
"Wag mo nang tanungin pa ang mga bagay na gaya nun."
Nakatitig siya sakin habang sinasabi niya yun. At iba ang nafeel ko. Parang.. He hates Francis.
[b]He loathes him.. Pero bakit?[/b]



update na sis! kabitin. lawl

amph!!
seloso tong mokong na 'to.. ahaha..

pwo boto pa rin ako xa kanya.. haha..
wat dd he rily mean wen he sed he controls francis?
hahaixt..
ehehe..
binasa ko mula umisa hanggng dito!
grabe.! hahahaha!
go kevin!
sayang nde pa 1st to comment! grr!
nabitin aku. lols
haha.
1st to comment nanaman. haha.
gnda gnda.! gogogo!
Last edited by eri.03 (2008-10-06 08:08:25)
hihih...
sis kpg la na chance kay kevin kay Kuya nlang ako aa!..
blis mo mg-update sis!..
haha!..
2chapters na agad nmissed ko ee.!!
mukhang inlove na sya kay shaina ah...
hehehe...
update na p0h...
bitin eh...
hehehe...
aljelyn13: hehe. e2 na po.!
nicz.love*: Wala pong magawa e..!
[/quote]
*CHAPTER TWELVE*
"Aba, mukhang nag iinit ka, Kevin ah."
"Di naman coach." Oo. Excited na ako! Ilalampaso ko yan.
"Okay! Position na!"
Buti na lang sa kabilang team ako. Ayokong makateam yang lalaking yan nuh. Sus. Tatalunin ko yan. Papatunayan kong wala talagang taste yung panget na yun. Baka nga wala pang isang minuto tapos na ang laban eh.
"Okay, start na." Binato na ni coach yung bola sakin. Hahaha. Humanda ka.
As I dribble the ball.. Aba.. Siya agad ang nagbantay sakin. Wag niya akong subukan. Dahil di niya ako kayang tapatan.
"Magaling ka sa dribbling ah." Aba, pinuri pa ako. Well, totoo naman.
"Ah, ganun talaga."
Mag pasikat pa nga. Nag dribble ako na parang supppeeeerrr PRO. Haha! Elib siya siguro. Well, tama na ang pagpapasikat dahil baka maging idol pa ko nito e.
I tried to pass him. Well, mukhang madali. Pero, nagkamali ako.
Naagaw niya yung bola! Ang bilis niya!
"Wow." Nasabi ni coach. Tsk. Hinabol ko siya papuntang kabilang court, I thought mag le lay up siya, pero mali ako. Nag fade away shot. At hindi man lang tumama sa board, pumasok. Pumapalakpak si coach. Naiinis ako.
Hindi pwede to. Pasikat masyado. Naasar ako. Tatalunin ko na talaga siya ngayon.
"Magaling ka ha."
"Thanks."
"Well, ngayon mag sisimula ang tunay na laban."
--..--..--..--..
[b]SHAINA'S POV:[/b]
30 minute break.
"Uy, Shai, pupunta ka sa practice ng kuya mo?" tanong ni Kaye.
"Oo. Sama ka?"
"Sure.. ! Ikaw, Janine?"
"H-Ha?"
"Sama ka?"
Nagkamot lang si Janine.
"Pwede ba?"
"Bakit naman hindi? Hindi naman kami ang may ari nitong school para pagbawalan ka" Ang galing talaga sumagot nitong si Kaye.
"Ah.. Sige."
"Tara!" Nice. Pupunta na kami at mapapanuod ko na si kuya mag laro pagkatapos ng ilang taon. Nag lalaro rin ako nun dati, kaso nung lumipat na ako sa Manila, hindi na kami ulit nakapag laro.
--..--..--..--..
[b]KEVIN'S POV[/b]
Napapagod na ako. Darn. Magaling siya. Sa loob ng ilang minuto, naka 20 steals at 15 shots na siya.
"Aba, mukhang lalakas lalo ang team." Hindi rin. Tong si Cyrus. Hay nako. Di pwede, ako lang ang star player.. Kung magkakaroon man ng another star player, mas mabuti kung hindi siya. Ayoko siya. Mainit ang dugo sa kanya.
"Guys, break muna!"
Break na?! Ang bilis naman! Buwisit.. Talaga.. Hay nako..
Tinitigan ko yung Stephen na yun habang pinupuri ni coach. Asus. Tuwang-tuwa naman siya. Feel na feel! Hay!! Naasar na talaga ako! At any moment, maaring makasapak ako!
Papasok na dapat kami sa changing room nung may narinig akong..
[b]SHAINA'S POV[/b]
"KUYA!"
Tumatakbo ako papunta dun sa gym, kasama ang bestfriends ko.
"O, Shaina."
"Kamusta ang practice?"
"Hello po!" Aba, sumingit pa si Kaye.
"Hello.. Okay lang. Naninibago. Pero okay na rin."
"Nice naman.. Mukhang busog ka sa papuri ngayon ah."
"Di naman."
Lumapit samin si Kevin.
"Kevin?"
Nakatingin siya na parang di makapaniwala.
"Anong problema?"
"A-Ano.. Si.. Si Stephen Rizo.."
"Ah, kuya ko."
Parang shock na shock siya dun ah. Bahala siya.
"Ah.. Shaina, friend mo pala ang star player ng team?"
"Ah.. Sa tingin ko.. Oo..?" Aba malay ko. E kaaway ko siya all the time eh.
"Ah, ganun ba. So, alis na ako."
Pumasok na si kuya sa changing room.
"Okay ba mag laro si Kuya?" Di sumagot si Kevin. Ano kayang problema niya?
Baka tinalo siya ni kuya kaya na trauma! Haha!
"Hay, bahala ka na nga, Kev. Tara na girls, di natin inabutan yung game."
"Oo nga. Sayang!"
"Ah.. Oo.." Pagkahinhin talaga ni Janine, well, umalis na kami at iniwan namin si Kevin na tulala.
--..--..--..--..
UWIAN.
Hinatak ako ni Kevin bago pa ako makalabas ng rum. Bale, kaming dalawa na lang ang natira, sila Kaye at Janine nauna eh. Cleaner kasi ako.
"Ano-?"
"Akala ko ba syota mo yun?!"
"E hindi e. Sorry."
"Ano ba?! Niloloko mo ba ako?!"
"Bakit galit ka diyan?! Parang yun lang eh! O.A. Mo rin ha."
"Hindi ako nakikipaglokohan."
Aba, serious.
"Nice, serious.. Pa cheese burger ka nga."
"Ano ba Shaina!"
Lalong humigpit yung hawak niya.
"Aray! Ano ba?!"
"Ano ka rin! Tinatanong kita nang maayos e!"
"E ano naman ba kung hindi?! Ano bang pakielam mo?! Wala ka namang gusto sakin eh!"
Natigilan siya. Pati ako. Binitawan niya ako.
"S-Sorry.. Na lang.. Ano.. Sige, ipapasa ko na yung project bukas.. Bye!"
At nag mamadali siyang umalis.
Ano bang problema? Hindi ko siya maintindihan..
Hay, lumabas na ako nang tuluyan sa room. Hindi na siguro kami mag sasabay ni Kuya.. May practice pa ata siya e.
Kaso, nung pababa na ako, nakasabay ko si Francis.
Yeessss! Ang swerte ko naman!!
"H-Hi.. Francis.."
"Ah.. S-Shaina.."
"Pauwi ka na..?"
"Oo.. Di na sasabay si Kevin e.. Ikaw?"
"Oo e.. "
Nagkaron ng katahimikan.
"Ah.. Gusto mo sabay na tayo?"
What?! SABAY DAW KAMI?!
ANG SWERTE KO NAMAN!
[b]KEVIN'S POV: [/b]
Dire diretso na ko sa gym.
Ewan ko ba, natigilan ako nung sinabi niya wala naman akong gusto sakanya.. Totoo naman e.. Hin-Hindi .. Ko siya gusto.. Hindi pwede..
Anyway, nawala yung init ng dugo kay Stephen. Bakit kaya? Hay. Ewan.
Tumunog yung cellphone ko.
[quote]Kev, sabay na kami ni Shaina, umuwi. Ingat ka na lang.[/quote]
ANO?!!
Hindi pwede!!
Teka.. Bakit ba nagkakaganito ako?!
Hay! Mamaya na nga ako mag iisip!
[b]"Coach! Absent muna ako sa practice!"[/b]