2008-10-07 05:20:53

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

[quote]eri.03: mei mem. gap na si Kevin e! Hehe. berii.: Hehe. Thanks po.! sis ROCEL: Wala po kasi ako magawa eh! Hehe. :) aljelyn13: hehe. e2 na po.! nicz.love*: Wala pong magawa e..! :D[/quote] *CHAPTER TWELVE* "Aba, mukhang nag iinit ka, Kevin ah." "Di naman coach." Oo. Excited na ako! Ilalampaso ko yan. "Okay! Position na!" Buti na lang sa kabilang team ako. Ayokong makateam yang lalaking yan nuh. Sus. Tatalunin ko yan. Papatunayan kong wala talagang taste yung panget na yun. Baka nga wala pang isang minuto tapos na ang laban eh. "Okay, start na." Binato na ni coach yung bola sakin. Hahaha. Humanda ka. As I dribble the ball.. Aba.. Siya agad ang nagbantay sakin. Wag niya akong subukan. Dahil di niya ako kayang tapatan. "Magaling ka sa dribbling ah." Aba, pinuri pa ako. Well, totoo naman. "Ah, ganun talaga." Mag pasikat pa nga. Nag dribble ako na parang supppeeeerrr PRO. Haha! Elib siya siguro. Well, tama na ang pagpapasikat dahil baka maging idol pa ko nito e. I tried to pass him. Well, mukhang madali. Pero, nagkamali ako. Naagaw niya yung bola! Ang bilis niya! "Wow." Nasabi ni coach. Tsk. Hinabol ko siya papuntang kabilang court, I thought mag le lay up siya, pero mali ako. Nag fade away shot. At hindi man lang tumama sa board, pumasok. Pumapalakpak si coach. Naiinis ako. Hindi pwede to. Pasikat masyado. Naasar ako. Tatalunin ko na talaga siya ngayon. "Magaling ka ha." "Thanks." "Well, ngayon mag sisimula ang tunay na laban." --..--..--..--.. [b]SHAINA'S POV:[/b] 30 minute break. "Uy, Shai, pupunta ka sa practice ng kuya mo?" tanong ni Kaye. "Oo. Sama ka?" "Sure.. ! Ikaw, Janine?" "H-Ha?" "Sama ka?" Nagkamot lang si Janine. "Pwede ba?" "Bakit naman hindi? Hindi naman kami ang may ari nitong school para pagbawalan ka" Ang galing talaga sumagot nitong si Kaye. "Ah.. Sige." "Tara!" Nice. Pupunta na kami at mapapanuod ko na si kuya mag laro pagkatapos ng ilang taon. Nag lalaro rin ako nun dati, kaso nung lumipat na ako sa Manila, hindi na kami ulit nakapag laro. --..--..--..--.. [b]KEVIN'S POV[/b] Napapagod na ako. Darn. Magaling siya. Sa loob ng ilang minuto, naka 20 steals at 15 shots na siya. "Aba, mukhang lalakas lalo ang team." Hindi rin. Tong si Cyrus. Hay nako. Di pwede, ako lang ang star player.. Kung magkakaroon man ng another star player, mas mabuti kung hindi siya. Ayoko siya. Mainit ang dugo sa kanya. "Guys, break muna!" Break na?! Ang bilis naman! Buwisit.. Talaga.. Hay nako.. Tinitigan ko yung Stephen na yun habang pinupuri ni coach. Asus. Tuwang-tuwa naman siya. Feel na feel! Hay!! Naasar na talaga ako! At any moment, maaring makasapak ako! Papasok na dapat kami sa changing room nung may narinig akong.. [b]SHAINA'S POV[/b] "KUYA!" Tumatakbo ako papunta dun sa gym, kasama ang bestfriends ko. "O, Shaina." "Kamusta ang practice?" "Hello po!" Aba, sumingit pa si Kaye. "Hello.. Okay lang. Naninibago. Pero okay na rin." "Nice naman.. Mukhang busog ka sa papuri ngayon ah." "Di naman." Lumapit samin si Kevin. "Kevin?" Nakatingin siya na parang di makapaniwala. "Anong problema?" "A-Ano.. Si.. Si Stephen Rizo.." "Ah, kuya ko." Parang shock na shock siya dun ah. Bahala siya. "Ah.. Shaina, friend mo pala ang star player ng team?" "Ah.. Sa tingin ko.. Oo..?" Aba malay ko. E kaaway ko siya all the time eh. "Ah, ganun ba. So, alis na ako." Pumasok na si kuya sa changing room. "Okay ba mag laro si Kuya?" Di sumagot si Kevin. Ano kayang problema niya? Baka tinalo siya ni kuya kaya na trauma! Haha! "Hay, bahala ka na nga, Kev. Tara na girls, di natin inabutan yung game." "Oo nga. Sayang!" "Ah.. Oo.." Pagkahinhin talaga ni Janine, well, umalis na kami at iniwan namin si Kevin na tulala. --..--..--..--.. UWIAN. Hinatak ako ni Kevin bago pa ako makalabas ng rum. Bale, kaming dalawa na lang ang natira, sila Kaye at Janine nauna eh. Cleaner kasi ako. "Ano-?" "Akala ko ba syota mo yun?!" "E hindi e. Sorry." "Ano ba?! Niloloko mo ba ako?!" "Bakit galit ka diyan?! Parang yun lang eh! O.A. Mo rin ha." "Hindi ako nakikipaglokohan." Aba, serious. "Nice, serious.. Pa cheese burger ka nga." "Ano ba Shaina!" Lalong humigpit yung hawak niya. "Aray! Ano ba?!" "Ano ka rin! Tinatanong kita nang maayos e!" "E ano naman ba kung hindi?! Ano bang pakielam mo?! Wala ka namang gusto sakin eh!" Natigilan siya. Pati ako. Binitawan niya ako. "S-Sorry.. Na lang.. Ano.. Sige, ipapasa ko na yung project bukas.. Bye!" At nag mamadali siyang umalis. Ano bang problema? Hindi ko siya maintindihan.. Hay, lumabas na ako nang tuluyan sa room. Hindi na siguro kami mag sasabay ni Kuya.. May practice pa ata siya e. Kaso, nung pababa na ako, nakasabay ko si Francis. Yeessss! Ang swerte ko naman!! "H-Hi.. Francis.." "Ah.. S-Shaina.." "Pauwi ka na..?" "Oo.. Di na sasabay si Kevin e.. Ikaw?" "Oo e.. " Nagkaron ng katahimikan. "Ah.. Gusto mo sabay na tayo?" What?! SABAY DAW KAMI?! ANG SWERTE KO NAMAN! [b]KEVIN'S POV: [/b] Dire diretso na ko sa gym. Ewan ko ba, natigilan ako nung sinabi niya wala naman akong gusto sakanya.. Totoo naman e.. Hin-Hindi .. Ko siya gusto.. Hindi pwede.. Anyway, nawala yung init ng dugo kay Stephen. Bakit kaya? Hay. Ewan. Tumunog yung cellphone ko. [quote]Kev, sabay na kami ni Shaina, umuwi. Ingat ka na lang.[/quote] ANO?!! Hindi pwede!! Teka.. Bakit ba nagkakaganito ako?! Hay! Mamaya na nga ako mag iisip! [b]"Coach! Absent muna ako sa practice!"[/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:20

[ 12 queries - 0.018 second ]
Privacy Policy