2008-10-05 01:05:36

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

^ Mamatz to all! *CHAPTER TEN* "K-Kevin.." "Pfft. Kalimutan na lahat ng sinabi ko. Gawin na lang natin yung project." Naayos na niya yung laptop at pumunta na ako sa tabi niya. Pero, talaga.. nacucurious ako.. Ano nga kaya ang dahilan na parang iba ang nafeel ko sa kanya? "Tungkol sa Pathology di ba?" "Ah.. Oo.." Ano kaya yung dahilan na parang galit siya kay Francis..? Hindi pwedeng hindi ko malaman ang totoo. Hindi pwede. "Ah. Kev, di ka ba pupunta bukas sa airport? Di ba.. susunduin niyo yung mom mo..?" Tiningnan niya ako. Nge. Sana pala di na ako nagtanong. "Hindi." "Ha..? Nashock ako dun ah. "Hindi ako pupunta. May practice kami sa varsity." "Talaga? Pero di ba kahapon yung practice niyo-" "Basta. May practice kami. Wag ka ngang makulit diyan." Hmm.. Bakit parang galit rin siya sa mom niya..? Bakit ba? "Eh.. Yung dad mo nga pala.. Di ba siya magagalit na pumunta tayo dito-" "Wala na siya." "Ha..? Wala..?" "Oo. Namatay siya. Namatay siya nung 10 years old pa lang kami ni Francis.. Namatay siya dahil sinagip niya ang taong hindi na dapat pa mabuhay." Wow. Ang lalim nun ah. Taong hindi na dapat nabuhay..? Ano bang pinagsasasabi niya? "Kev-" "Gumawa na lang tayo ng project, okay?" "Kevin.." Tumango na lang ako. Mukhang sad siya e. At gusto kong i comfort siya.. Pero paano? ni hindi ko nga alam kung bakit ganyan ang reactions niya.. "Ah.. Kevin.." "Kung tungkol pa rin dun, wag na." "Ah. Hindi na.. Kay Francis na lang? Pwede?" "Lalong hindi." "Ha?" "Wala.." Napatunayan ko na.. Galit siya kay Francis.. At kailangan kong malaman kung bakit.. After a few hours, natapos NIYA ang kalahati nung project namin. Siya lang gumawa kasi ayaw niya akong patulungin e. Di siya na. Pero bakit pa niya ako pinapunta dito kung wala din pala akong gagawin? Hay, sinayang niya lang ang oras ko. "Uy, Kevin. Di mo ba ako papatulungin?" "Hindi. Wag na lang. Masira mo pa tong research ko e." "Asus. Anong akala mo sakin? Kahit na hindi laptop ang gamit ko, marunong akong mag computer no." "Basta wag na. Wag ka ngang pasaway!" "E sayang lang oras ko dito e! Pinapunta mo ko dito, hihiga lang pala ako." "Ayaw mo nun?" "Ayaw ko." "Asus. Kunwari ka pa. Basta diyan ka lang." "Ayoko. Uuwi na lang ako. Kaya mo naman palang gawin lahat e." Tatayo na dapat ako kaso.. "Wag." Hinawakan niya ako sa kamay. Ang cold ng hands niya. Napatingin lang ako sakanya, "Please, wag ka nang umalis." "Kevin..?" Binitawan niya yung kamay ko at itinuon ulit ang atensyon sa laptop. "Ku-Kumain ka na lang ng kahit anong gusto mo.. Sa kitchen.. Wala yung mga katulong kaya.. Serve yourself.. Basta.. Basta wag ka nang umalis..." Wow. Parang iba nafeel ko dun a. Parang isang bata si Kevin na naghahanap lang ng kasama.. Parang may deep hatred na nakatago sa kanya. "Si-sige.. Hindi na ako aalis.. Kakain lang muna ako.. Ikaw? May gusto ka ba?" "Ah.. Kuha mo na lang ako ng juice.." "Okay." At tumayo na ako at lumabas ng kuwarto. [b]KEVIN'S POV: [/b] Pag labas ni Shaina, napa buntung hininga na lang ako. Muntik na ako madulas dun ah. Hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino ang nasa loob ko.. Hindi pwede.. Napakamot ako ng ulo. Bakit ko nga pala siya pinapunta dito? Hay nako. Kevin.. Loko loko ka ba? Wag kang magkakamali.. Nag sinungaling pala ako sakanya. Wala naman talagang practice e.. Ayoko.. Ayoko lang makita si mama.. Dahil si Francis naman ang gusto niyang makita.. For sure.. [b]SHAINA'S POV:[/b] Wow ang laki naman ng kitchen nila.. Puno pa ang ref nila.. Hay, ang swerte niya. Mayaman, matalino, gwapo.. Hay. Kumuha na lang ako ng cookies at dalawang baso ng juice at umakyat na ako ulit. Bago ako nakapasok sa room ni Kevin, napansin ko yung hanging frame sa labas. "Alone..? Wow. Emo ah." Binuksan ko yung pintuan niya at pumasok na ako. "Kevin? Dito ka?" Pumunta pala siya sa cr nun. Nilapag ko na lang yung tray sa may glass table. "Hmm..? Kevin?" Lumapit ako dun sa kama niya. May nakita akong album, wow. Album. Nag kikeep pala siya ng ganun ha. Makita nga. Pag buklat ko nung unang page, nagulat ako dun sa mga pics. Puro gupit na pictures lang. Puro mom and dad niya at siya. Gupit na pics. Nge. Tapos nakita ko yung family pic nila.. Yung small size. May gupit rin. Ginupit si Francis..? Wala si Francis dun.. Ibig sabihin- "Panget. Bakit mo tiningnan yan?" "Kevin!" Nadrop ko yung album. "Nakita mo?" "Ah.. Oo.. Sorry.. Ano.. Kasi.. Ah..-" "Alam mo na..?" "Alam ko..?" "Oo." "Ang..?" "That I hate Francis." Tama pala ako! "Ha..? Bakit..?" "Siya ang pumatay sa papa ko." Umupo siya sa kama. Umupo ako sa tabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Pinatay ni Francis ang papa niya? Imposible ata yun ah. "Anong sinasabi mo?" "Dahil sa Francis na yan, nasagasaan ang papa ko.. Kaya namatay siya. Pinatay niya ang papa ko. Kaya I hate him." Nginitian niya ako. Forced smile nga e. "Kevin..? Bakit-?" "Pagkatapos mamatay ng parents niya sa car crash.. Inalagaan na siya ng parents ko, siya na lang lagi. Hindi na ako pinapansin ng mama at papa ko. Hindi sila nakanuod ng finals ng basketball game ko dahil may sakit si Francis. Hindi sila nakaattend ng foundation day ko dahil nawawala si Francis. Puro na lang si Francis.. Puro na lang siya. Sometimes I feel na hindi ako ang anak. Kasi.. Kasi wala na silang pakielam sakin.. Kaya.. Kaya.. I loathe Francis. Minsan nga, nag attempt akong maglayas dahil na rin sa dahilan na yun.. Nahanap nga lang ako.. How I wish, nasagasaan na lang din ako. E di sana, hindi ko na nafeel yun.. Pagkatapos naman nung paglalayas ko, si Francis naman ang naglayas dahil feeling niya, siya ang may kasalanan, eh siya naman talaga.. Ayun, hinabol siya ni papa.. At sakto.." "Ke-Kevin.." "... Nasagasaan siya.." I felt awful about him. Naaawa ako. Iba yung feeling ko. Parang gusto ko siyang yakapin nung oras na yun dahil sa pity ko.. Kaya pala.. Kaya pala he controls Francis.. Kasi.. Kasi- "Pagkatapos nun.. Si mama naman ang lumayo.. Pero bago siya umalis, si Francis pa rin ang inalala niya." Pagkatapos nun, tinitigan niya ako. "Naiintindihan mo na ba? .. Kaya.. Kaya nacocontrol ko siya dahil sinisisi niya yung sarili niya. Eh siya naman talaga may kasalanan.." "Kevin.. Mali ka.." "Ano..?" "You.. You just felt jealousy.. Hindi niya inagaw sayo ang parents mo." "Inagaw niya. Inagaw niya. Well, wala na akong magagawa.. Ganun na eh.. Anyway, ipagpatuloy na lang natin yung paggawa ng project.." Binuksan na niya ulit yung laptop niya. "Pero-" "Tama na." "Ke-Kevin.." Naiintindihan ko siya.. Naiintindihan ko.. Pero parang para sakin, medyo mali siya ng konti.. But I felt different. Ngayon ko lang narealize na hindi pala siya swerte.. Kaya pala ganun siya umasta.. [b]I think magiging okay ang relasyon namin after all. [/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:11

[ 12 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy