Pages: 1..1234567891011121314..14

  2008-10-09 03:45:11

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

TO ALL: Sorry dito ako nakaupdate kahapon!! :D [b]*CHAPTER THIRTEEN*[/b] "Kevin-" Tatawagin pa ako nung Stephen. Tumakbo na ako sa locker without waiting for coach's permission. Ewan ko ba. Parang reflex action na ata to e. Basta! No time to think about this things! Kailangan ko silang maabutan.. Kailangan! [b]SHAINA'S POV: [/b] Weeee...!! Ang saya saya! Kasama ko si Francis! Yehey..!! "Ah, Shaina.. Kamusta na nga pala?" "Ah.. O-Okay lang.. Ikaw?" "Okay lang naman.." Nginitian niya ako. Pero bakit ganun? Parang walang feeling.. Di katulad pag yung asungot yung nangiti.. Hay, ewan. Bakit ko ba iniisip yung asungot na yun. Baka mamaya biglang lumitaw yun. "So.. Ano.. Ah.." Think, Shaina. Think! "Kumain ka na?" "H-Ha?" "Kain tayo?" What? Kain daw kami?! "Ha? Saan..?" "Ikaw..? Saan mo gusto?" May nakita akong nag titinda ng fishball. Di ko naman siguro pwedeng yayain siyang kumain dun no, mayaman din siya eh. I'm sure hindi siya kumakain ng- "Kain tayo ng fishball?" "H-Ha..?" "Bakit.. Di ka ba kumakain-" "Hindi ah! Kumakain ako! Favorite ko nga yan e! Tara!" Hinatak ko na siya papunta dun sa mamang nag titinda. Di ako makapaniwala.. Kumakain pala siya nun. Siguro, pag si Kevin yun, naduwal na yun. Maarte kasi.. Hay Shaina! Hayaan mo na nga yung Kevin na yun! "Ah, ma, dalawang tig bente po." Habang tinititigan ko siya, mas lalong akong nagkakagusto sa kanya! Hay.. Natatandaan ko din nung niligtas niya ako. Kahit di ko nakitang binugbog niya yung mga nang bully sakin, kasi nga nahimatay ako, pag gising ko naman, nandun siya. Hay, love at first sight yun ah. "O." Binigay niya sakin yung parte ko. Nilagyan ko nung maanghang. "Hmm. Sarap to!" "Aba, maahanghang pala ang gusto mo?" "Oo naman!" Nag simula na akong kumain. "Kasi akala ko yung mga girls gusto ng matamis." Naglagay na rin siya ng maahanghang. Teka, baka maturn off siya sakin kasi baka gusto niya.. Gusto niya ng mga cute na girls! "Ah.. Ano.. Try ko lang.." Hay, delikado pala ako. Hilig ko kasi yung mga panglalaki.. "Ah.. Sige." Kumain na rin siya. Hay. Hirap nun ah. Kaso- "Hoy!" Gaya ng kinatatakutan ko. "Kevin?!" Napasigaw tuloy ako. Tumakbo siya samin. Tapos na kami kumain nun. "Ano? Bakit parang gulat ka?" "H-Hindi naman.." "O, Kev. Di ba may practice ka?" "Ah.. Ano.. Maaga kami pinauwi." "Talaga? Di nandun na si Kuya? Sige-" Pinigilan ako ni Kevin. "Ah.. Si Stephen.. Ano.. May practice pa siya. Alam mo na, bago siya e." Parang nakapagtataka ata yung expression niya ah. "Ah.. Ganun ba..? Sige.." "So.. Ano? Bakit magkasama kayo?" Pakielam mo? "Kasi sabay na dapat kami uuwi e." "Pero di ba Francis sasamahan mo si mama mag shopping ngayon?" Weehhh.. Kontra. "Bakit hindi na lang ikaw Kevin, ikaw yung anak niya e." Sige na, umalis ka na!! "Ayoko nga. Besides, si Francis ang gusto ni mama na kasama.. So alangan namang ipilit ko pa na ako di ba?" Aba, sumagot pa. Sasagot pa sana ako ulit nung sumingit na si Francis. "Hay, sige na nga. Aalis na ako. Sorry Shaina ah." "H-Ha? Pero-" "Next time na lang. Bye. Kev, ikaw na lang mag hatid sa kanya." At umalis na si Francis. Kainis!! Pinaalala pa kasi nitong epal na to eh!! Nung tuluyan nang wala si Francis. Hinampas ko agad si Kevin ng bag. "Aray! Ano-" "Papansin ka!!" "E bakit ba? Totoo namang kailangan niyang umalis ah!" "Hay!! Bahala ka! Uuwi na lang akong mag isa kesa kasama ka!" Naglakad ako palayo sa kanya. Kaasar! Kahit kelan talaga.. Panira siya lagi!! Hay nako, buti na lang umalis kaagad si Francis, ayokong makita niyang binubulyawan ko na parang lalaki si Kevin.. Baka maturn off siya. Kaso, sumunod pala yung asungot. "Sasabay ako sayo!" "Lumayo ka nga!" "Bakit ba?!" "E ayokong kasabay ka!" "Sorry ka, sasabay ako," "Dun ka na lang sa kotse niyo!!" "Wala yung kotse namin! Ginamit ng nanay ko!" Tumigil ako sa paglalakad nung napansin kong pinag titinginan na naman kami ng mga tao. "Ano ka ba? Lumayo ka na." "Ano? Nahiya ka no? Para ka kasing palengkera." Nang aasar nanaman. Pag napuno ako dito, wala na akong pakielam kahit na mapahiya pa ako basta sisigwan ko siya! "Nakakaasar ka! Bahala ka na nga!" Naglakad na ulit ako. Sumusunod pa rin siya, siyempre. "So? Sabay na ako ah?" "Ano pa nga bang magagawa ko?!" --..--..--..--.. Pinapunta ko sila Kaye sa bahay nung gabing yun. Wala lang, trip lang namin. "So ano? Kamusta na yung kay-" Di ko na pinatapos si Kaye. "Ang saya!! Nakasabay ko siyang kumain ng fishball!" "Ah. Nakuha mo yung number niya?" "Hindi nga e.." "Sus. Palpak din." "Hmp! Makukuha ko din yun." "Pagkatapos? Ano nang nangyari?" Napasimangot ako. "Dumating si Asungot." "Si Kevin?" "Oo. Buti na lang napigil ko yung sarili kong sigawan siya habang nandun si Francis e, baka kasi ma turn off si Francis sakin.." Napatingin si Janine. "So, pinigil mo sarili mo para sakanya?" "Janine?" Nagulat kami ni Kaye. "Oo.. Pinigil ko.." "Ah.. So parang nagpapanggap ka lang sa harap niya, ganun?" Nagulat ako sa mga sinasabi ni Janine. Hindi ako nakakibo. "Si Kevin sinisigaw sigawan mo, inaaway mo.. Pero pag nandun si Francis, good girl ka ganun?" "Hoy, Janine-" Sasabat sana si Kaye pero pinigilan ko siya. Gusto kong marinig yung mga sasabihin pa ni Janine. "Kung talagang magugustuhan ka ni Francis ng ikaw, wala siyang pakielam sa kahit anong ugaling meron ka.." Tama si Janine.. Tama siya.. Pero parang di ko kayang gawin yun.. "Para sakin, si Kevin ang dapat sayo. Kasi sa kanya, nakakaarte ka ng ikaw. Hindi ka nagpapanggap bilang isang taong hindi naman ikaw.. Tanggap ka niya. Kaya si Kevin ang gusto ko." "Tama ka Janine.." Umagree na rin si Kaye. Di ako nakakibo. Tama si Janine.. Alam kong tama siya.. Nasasabi ko kung anong gusto ko sa harap ni Kev.. Pero pag si Francis hindi.. [b]Ano bang tama't mali?[/b]

Last edited by gossipgirl03 (2008-10-09 03:47:11)

Pages: 1..1234567891011121314..14

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:11

[ 12 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy