*CHAPTER TWENTY-SIX*
[b]SHAINA'S POV:[/b]
Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Puro siya Francis! Baka siya yung may gusto kay Francis e! Nakakaasar si Kevin! I believe na gusto niya rin ako pero why is he giving me away?! Ano bang gusto niyang talaga?! Hindi ko siya maintindihan! Hay nako.. Gaya nga ng sabi ko dati, ang mga language ng aliens, di ko naiintindihan..
Anyway, nandito ako ngayon sa frontyard. Nakaupo sa karimlan. Nice deep. De.. Joke lang, dito ako ngayon sa mga upuan upuan. Malapit sa mga tindahan sa labas. Ang lamig talaga dito. How I wish dumating si Kevin at i hug ako. Kaso napaka taas ata masyado ng pangarap na yun. I know dreams are different from reality.
Biglang may umupo sa tabi ko.
"Francis.."
"Ano? Anong balita sa ating mission?"
"Wala.. Alam mo bang pinagtutulakan niya ako sayo? Ang kulit niya."
"Bakit kasi di na lang natin totohanin?"
WHAT? Shock ako dun ah.
"Ah.. Ano?"
"Maging tayo na lang kaya for real?"
"Ah.. Francis di ba lam mo namang si Kevin-"
"I'm just kidding, Shaina. Got you."
"Ah.. He he.." GULAT ako dun ah. Kinabahan rin ako.
"So.. Any plans?"
"Ala na.. Ewan ko ba.. Ipapasadiyos ko na lang.."
Ti-nap niya yung ulo ko.
"Eh?"
"Alam kong kaya mo yan, ikaw pa. Kaya nga nagustuhan kita e. Di ka kasi madaling sumuko."
Nagblush ako dun ah. Tinanggal niya yung salamin niya tapos binigay niya sakin.
"Sayo na yan. Nang makita mo nang malinaw kung ano ba talaga ang dapat gawin."
Wow. Ang cute pala ni Francis pag walang glasses.
"Pero malabo ang mata mo-"
"I can use contacts. Sige." tapos umalis na siya.
"Thanks.. Francis.."
Tiningan ko yung salamin niya. Di naman pala ganun kakapal yung grado nung glasses niya nung triny ko.
Ang bait bait talaga niya.. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko e di sana si Francis na lang pinili ko.. At least may chance talaga ako unlike kay Kevin..
Hay. Anyway, I think I need to make ligo na. Nice English pokeni.
Tumayo na ako at pumasok sa loob.
--..--..--..--..--..
Mas mabuti siguro kung ilock ko yung door no. Baka kasi magaya ako kay Kevin katulad nung kanina e.
Papasok na ako nung dumating si tita.
"Hurry up Shai ha, we're going to see Taal Lake and Taal Volcano."
"Ah.. Okay po.."
Tapos pumasok na ako sa cr.
--..--..--..--..--..
It was just a fifteen minute drive bago namin narating yung Taal Lake. Si Abby naglabas agad ng cam.
"Isn't it great here?" tanong ni tita.
"Indeed." sagot ni Francis.
Phew! Ang lamig!! How I wish I brought my jacket. Pero dahil sa aking mem. gap. Nakalimutan ko nga.
"Okay ka lang?" tanong ni Francis.
"Ah.. Slight."
"O heto, kunin mo tong jacket ko." iniabot niya sakin yung jacket niya.
"Sure ka?"
"Oo. Ikaw pa." sagot niya.
Sinuot ko na lang tapos nasulyapan ko si Kevin na nakatingin.
Inggit ka no? Belat.
Naglakad lakad kami. Ang ganda talaga ng scenery sa Tagaytay. Kitang-kita ko yung Taal Volcano sa Batangas.
"Hey, Shaina. Can you take a picture of me?" tanong ni Abby na iniabot na yung cam niya tapos nag pose. Wow. Ang ganda niya talaga..
"Okay. 1, 2, 3."
Tapos nakuha ko na.
"Thanks!"
"It's fine." Kinuha niya yung cam niya.
"Anyway, kuha kayo ng pic niyo ni Francis!"
"H-Ha?" Napatingin si Kevin at Francis.
"Dali na! Souvenir o! I'll take it!"
Tinulak ako ni Abby kay Francis.
"Sige na! Pose naman kayo diyan o." Inihahanda na niya yung cam niya.
"Eh.. Ano.." yun lang nasabi ko.
Nakatitig kasi si Kevin.. He looks furious.. And jealous..? How I wish tama ang hinala kong nagseselos siya.
"Tara." yaya ni Francis tapos kinindatan niya ako. What's that suppose to mean?
"Ah.. Okay.."
"Akbayan mo naman si Shaina! Tapos Shaina yumapos ka sakanya para sweet tingnan!"
Nge. Parang photographer si Abby..
"Pero.. Ano.. Kailangan ba talaga-"
Inakbayan ako ni Francis.
"Sige na." sabi niya. Yumapos na ako sakanya kahit na ayaw ko..
"Ayan! O di mas sweet kayong tingnan! Ready na ha!"
Ano ba naman to.. Para akong nakikipaglandian sa harap pa ng taong gusto ko..!
"One, two, three.. Say cheese-"
BLAG!
"Kevin!" Nasabi ko lang tapos bumitaw ako kay Francis.
"Uy! Yung cam ko!"
Bumagsak yung cam ni Abby sa floor. At alam niyo ba kung bakit..?
Hinampas ni Kev yung kamay niya.
"Sorry. Di ko sinasadya."
Di daw. E halatang sinadya niya.
"Hay, buti na lang yung memory card okay pa. Ilalagay ko na nga lang sa isang cam ko." sabi ni Abby tapos kinuha yung memory card niya.
Nakatingin ako kay Kevin na nakatingin sa ibang direksyon.
Somehow, I felt happy na ginawa niya yun.. Dahil nagseselos siya.. Alam kong nagseselos siya..
Ginagawa na niya yung part niya para maging kami,, And I guess..
[b]It's time to do my part and confess to him. [/b]
[quote]Sorry if this chap is short!

[/quote]