










>> Thanks to all.... !!!
*CHAPTER TWENTY*
Dubb-dubb. Dubb-dubb. Lakas ng tibok ng puso ko. Shucks. Kinakabahan ako.. Ano bang gagawin ko..?
Anyway, wala ng atrasan to. Nandito na ako sa mall. At few steps na lang, makakarating na ako sa meeting place namin ni Kevin..
Pero parang ayaw na ata gumalaw ng paa ko..!! Hay. Anu ba to?!
Nakakainis!! Pero no choice, 5 minutes na akong nakatayo dito.. Naglakad na ako. Nakita ko siya sa meeting place namin, nakaupo lang siya. Nice outfit huh. Bagay sakanya.
"K-Kevin.."
Tumayo siya nung nakita niya ako.
"Shaina.."
Nice, di na panget tawag niya sakin huh.
Lumapit ako sakanya. "May pag uusapan ba tayo..?" tanong ko. "Ah.. Meron sana.."
"About what..?" Ngumiti siya.
"Sa tingin mo..?" Nagkamot lang ako ng ulo. "Naman Kevin e. Pang tri tripan mo lang ba ako..?"
"Hindi. Gusto talaga kita Shaina. Mas higit pa sa nararamdaman mo para kay Francis." Nge. Tumitibok nanaman yung puso ko ng malakas.
"Pwe-Pwede ba.. Umalis na tayo dito..?" niyaya ko na nga. Kulit e. Di ko alam kung anong isasagot ko sakanya.
Tumalikod na ako, pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Shaina.. Talaga bang si Francis ang gusto mo?"
H-Ha...? Yan din ang tanong na hindi ko masagot. Hindi ko na alam kung ano talagang nararamdaman ko.. Nalilito na rin ako.. I doubt na si Francis pa rin.. Pero kung hindi na nga si Francis.. E di.. E di si Kevin..?
At this point, I can't deny na wala akong.. Nararamdaman.. Pero mali to. Paano si Francis..? Paano na yung pangarap ko?
Hinatak ko yung kamay ko.
"Oo naman. Siya at siya lang ang gusto ko.. Di.. Di ba sabi mo friends na lang tayo..?"
Pumunta siya sa harap ko.
"Hindi."
"Ano?"
"Sinabi ko lang yun para pumunta ka."
"Ano?! Bakit-"
"Hindi ako susuko hangga't nakikita kong may feelings ka rin para sakin.. Hinding hindi ako susuko."
"A.. Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan! Mula't sapul, alam mo nang si Francis ang gusto ko! Siya!"
"Inagaw niya na sakin ang parents ko.. At ayokong pati ikaw agawin niya!"
"Pero.. Pero..-"
"Bakit? Habang buhay ba siya ang gusto mo..?"
Natigilan ako.
"Kung hindi mo ako gusto, bakit hindi mo agad siya sinagot? Bakit pinatagal mo pa? Para saan? Para saktan ako?"
Tumingin ako sakanya.
Hindi naman e.. Hindi dahil sa gusto kitang saktan.. Dahil.. Dahil naguguluhan ako.. Alam ko na pag.. Pag pinili kita.. Masasaktan ko si Francis.. Wala akong choice kung hindi piliin siya dahil.. Dahil siya ang mahal ko..- Siya ba talaga?
"Ano? Shaina? Sagutin mo ako!"
Umupo ako dun sa inupuan niya kanina, umupo rin siya.
"Sagutin mo ako!" halatang atat siya.
"Kasi.. Kasi.. - Basta! Wala ka nang pakielam dun! Teka, pinapunta mo ba ako dito dahil lang doon sa bagay na yon?"
"Hindi. Gusto ko lang malaman kung bakit nagustuhan mo ang taong gaya niya! Di mo naman siya ganun kakilala! I don't know how or why! Now explain to me!"
"Why should I?! Ano naman?!"
"Anong ano naman?!"
"Wala kang pakielam dun!"
Tinitigan niya ako.
"Meron! Gusto kita Shaina, kaya wala kang magagawa kung masaktan ako! Kasi mahal kita! At nagseselos ako! Kahit ayaw ko, nararamdaman ko yun! "
Natigilan nanaman ako.. Bakit ba feeling ko.. Happy ako sa mga sinasabi niya..?
"Now, sabihin mo sakin kung bakit siya ang gusto mo at hindi ako!"
Huminga ako ng malalim.
"Nung grade 6 pa lang ako.. I was weak. I was a nerd girl with big glasses.. Ugly in short."
"Ne-Nerd..?"
"Oo.. Kaya I was always bullied."
"Ano..?"
"Then one day, tatlong lalaki yung nag bully sakin.. Binasag nila yung glasses ko.. Kaya lumabo yung mata ko at hindi ko sila makita, then they pulled my hair, took my bag and shoes.. Tapos binato nila ako ng mga bato."
"Ano?! Gusto mo bang ipahanap ko sila?!-"
"Manahimik ka nga muna."
"Tsk."
"Nung sugatan na ako, nahimatay ko.. When I woke up, I was inside the clinic.. Tapos.. Tapos nandun si Francis.. Binantayan niya ako.. Sabi nung doctor dinala niya ako sa clinic nun.. Kaya.. Kaya that's the day I aimed to be close to Francis.. Nag contacts na lang ako.. Tapos.. Tapos.. Inayos ko na yung sarili ko..- Kevin..?"
Nakatitig siya sakin.
"Si.. Si Francis ba kamo yung nag ligtas sayo..?"
Tumango ako.
"Ikaw.. Ikaw ba yung babaeng kulot yung buhok na.. Na nagkaron nung malaking sugat sa balikat..?"
Paano.. Paano niya nalaman..
"O-Oo.. Paano mo nalaman..-"
"Sha-Shaina.. Hindi siya ang nagligtas sayo..!"
"A-Ano..?"
"Ako! Ako ang nagligtas sayo! Ako ang bumbugbog sa kanila!"
A-Ano..? Nagbibiro lang siya di ba..? Kung.. Kung siya nga yun.. Siya.. Siya dapat yung.. Yung minahal ko..
"Dinala rin ako sa clinic! Ako.. Ako yung nasa kabilang kama! Pina.. Pinabantayan lang kita kay Francis!"
"Kevin, hin-hindi magandang biro yan!
"Maniwala ka sakin! Ako.. Ako ang nagligtas sayo.. Naglalakad kaming dalawa nung nakita kita.. Kaya.. Kaya pinuntahan kita.. Tapos ako yung bumugbog sa kanila.. At.. At sinala rin ako sa clinic kasama mo.. Maniwala ka-"
Tumayo ako.
"Imposible!! Wag ka gumawa ng storya! Si.. Si Francis ang nagligtas sakin.. Siya! Kaya siya ang minahal ko-"
Tumayo siya.
"Bakit.. Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Kasi..Kasi.."
"Unfair ka.. Shaina.. Ako.. Ako dapat ang minahal mo.. Pero.. Pero pinagpipilitan mo.. Na siya pa rin.. At patuloy.. Sinasaktan mo ako.."
Kevin..
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.. Ano ba talaga ang totoo..?
"Tumigil ka.. Kevin.. Tama na nga ang kasinungalingan.. Lahat ba talaga gagawin mo para piliin kita?! Tama na! Kahit anong gawin mo.. Kahit ilang kasinungalingan pa ang sabihin mo.. Hindi kita pipiliin..!"
Tumakbo na ako.
"Shaina!!"
Nakakainis.. Lalo lang ginugulo ni Kevin ang sitwasyon..
Imposibleng siya.. Imposibleng siya yung nagligtas sakin.. Pero bakit ba imposible..? Natatakot lang ba akong saktan si Francis..? Na.. Na piliin si Kevin instead of him..?
[b]Kahit alam kong.. Mahal ko na siya..[/b]