[quote]To all >> Mamatz!!

[/quote]
*CHAPTER SIX*
Hay, sarap nun ah. Aaminin ko, magaling umorder tong lalaking to.
"O ano na? Uwi na tayo?" Please, nasusuka ako sa pag mumukha mo.
"Di pa."
"Anong di pa? Anong oras na o! 7:30 na kaya!"
"And so?"
"Anung and so? Umayos ka nga!"
"Ikaw ang umayos. Ito naman, ngayon nga lang tayo mag kakakilala e."
"Ayokong makilala ka. Sorry."
Kumunot and noo niya. Well, aaminin ko din, talagang sobrang mean ko dito sa guy na to. E anong magagawa ko? Di ba hate ko naman talaga siya?
"Ang sungit mo talaga. Well, para sabihin ko sayo, ginagawa ko to kasi gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya mo."
"Kaya ko?"
"Oo. Kaya mong pigilan ang sarili mong magkagusto sakin."
Talaga naman. Ang kakakapalan ng mukha nito, hindi na ba talaga mababawasan?!
"Asa ka pa."
"Ano? Siguro may gusto ka na sakin no? Pero pinipilit mo lang na si Francis pa rin."
"Hindi rin. Para sabihin ko sayo, Kevin Saldivar, kahit kailan, di ako magkakagusto sa taong gaya mo."
"Talaga lang ha.."
"Oo. Itaga mo sa bato. Baka nga ikaw pa magkagusto sakin eh."
Wow, kumapal din face ko, well, alam ko namang hindi mangyayari yun.
"Asa ka pa."
"Hindi ako aasa."
"Eh di wag. Wala namang pumipilit sayo eh."
Aba, ang lakas mang bara ng lalaking to.
"Hay ewan ko sayo! Umalis na nga tayo dito, Kevin Saldivar."
"Bakit ba full name ko sinasabi mo?"
"Eh gusto ko eh."
"Ewan ko sayo! Basta gusto ko, Kevin lang. Kevin at wala nang iba. Pag di mo ko tinawag na Kevin, di ako sasagot."
"Eh di wag."
"Wag ka ngang makulit!"
"Ikaw kaya!"
"Ikaw eh!"
"Hay ewan ko sayo, Shaina."
"Ewan ko din sayo."
Halatang naiinis na siya.
"Haha! Mukhang sasabog ka na ah."
"Hindi no. Hindi ako madaling magalit."
"Owss...?"
"Oo nga. Tara na nga. Nauubos lang oras natin dito eh."
"Ikaw kasi eh."
"Ikaw kaya."
"Ayan ka nanaman. Tara na."
At hinatak niya ako palabas.
"O, san tayo pupunta?"
"San mo gusto?"
"Sa bahay ko. Gusto ko nang umuwi, to be clear."
"Ay di pwede."
"Hay nako, ano pa nga bang magawa ko?"
"Wala."
Ayun, naglakad kami papunta sa skating rink.
"O ano to? Nonood tayo ng skating?"
Ngumisi lang siya.
"Anong nginingisi ngisi mo diyan? Ang hilig mong mag pacute."
"Di ko na kailangan yon, cute naman talaga ako e."
"Kapal mo. Ano nga?"
"Ano pa, eh di mag skating!"
"Ok ka lang? Kitang nakaunifrom pa ako e tapos-"
"Tara na!"
Hinatak niya ako papasok.
"Hoy anu ba!-"
--..--..--..--..--..
Wala akong nagawa. Eto na, nasa loob na kami ng skating rink, di pa naman ako marunong, ano ba yan.. Kasi naman tong lalaking to eh.
Kakahiya, naka hawak lang ako sa handles..
Epal talaga to. Siya lang nag eenjoy eh.
Kahit kailan talaga.. Amf.
"Hoy, Shaina, hanggang diyan ka na lang ba?"
Wag mo kong kausapin, di kita kilala.
"Hoy.. Shaina, kinakausap kita. Bingi ka ba."
Di kita kilala.
"Hoy, Shaina Rizo! Ano ba? Bingi ka ba? - Francis!!"
"Asan?!"
Tumawa ito.
Epal.......
"Ikaw ha.."
"Ano? Lumayo ka nga. Dinala mo ko dito kitang di ako marunong e."
"Aba malay ko ba. Kala ko marunong ka eh."
"Eh akala mo lang yun! Kaya ngayong alam mo na, aalis na ako dito."
"Di pwede!"
At hinila niya ako. I kept on struggling.
"Aray! Bitawan mo nga ako!"
"Tara na nga!"
"Ayoko nga eh!"
"Bakit ba ang kulit mo?! Bitawan mo ko sabi-"
Sa di sinasadyang pagkakataon, ako ang nakabitaw at, sakto.
Bumagsak kami sa yelo. Ang daming taong nakatingin samin.
"Aray ko naman.. Ano ka ba, Shaina?"
"Kasalanan ko pa! Sino bang humila sakin? Ikaw di ba?"
"Eh bakit ka bumitaw?"
"E ang lakas mo kayang humila."
"Hay nako, nabalian ata ako."
"Buti nga."
"Tsk. Tara na nga. Umalis na tayo dito."
At tumayo siya at inalalayan niya ako.
Nice.. Inalalayan pa ako e ako nga yung nag hulog sa kanya.
"Uwi na tayo?"
"Ay oo, sakit kaya ng katawan ko."
"Yehey!"
"Yehey ka diyan. Tara na nga."
--..--..--..--..
Nakahiga na ako sa kama, balak ko na ngang matulog eh. Pero naiisip ko pa rin yung araw na ito.
Well, I admit, makulit si Kevin at mayabang, pero mabait siya..
Tsk. Di nga lang halata.
Nawawala na ng konti yung hate ko sakanya..
And I know,
[b]I enjoyed the whole day with him. [/b]