2008-09-27 02:01:29

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

[i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

*CHAPTER TWO* "Ke-Kevin.." Teka, may narinig ata akong "Babaeng panget" nung tinawag niya ako. "Buti naman at kilala mo pa ako. Well, sa tingin ko, wala naman talagang di nakakakilala sa kagwapuhan kong ito" Wait, tama ba yung narinig ko? Mayabang ang lalaking ito ah! Bakit ganito siya mag salita samantalang.. Hindi kaya.. Tama ang hinala ko?! "Ah.. Sorry.. Pero, nag mamadali ako eh. Next time na lang." Kailangan kong umalis. Please. Kailangan. Pero nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa braso ko. "Aray!" Madaming tao at sumusulyap samin, hinatak niya ako papasok sa kotse niya. "Aray ko naman-" Binalibag niya yung pintuan ng kotse. "Hoy, ikaw. Pasalamat ka hindi kita pinatulan nung binato mo ako ng coke." "Pero.. Di ba.. Sabi mo okay lang..?" "Haha. Tanga ka ba? Siyempre hindi no. Ikaw kaya batuhin ko ng coke!" Shucks, imposible. Tama ang hinala ko.. Nag papanggap lang tong lalaking ito! "Di ba Shaina pangalan mo? Ang pangit naman, kasing pangit ng mukha mo." Tumawa pa ito. Nakupo, hindi na kaya ng pasensya ko ito. Bigla ko na lang hahampasin to pag napuno na ako. "Hoy ikaw! Ang yabang mo! Sinungaling ka pa! Pakitang tao ka lang pala! Nag babait baitan ka lang! Sasabihin ko ito sa lahat sa school..!!" "As if na may maniniwala sayo." Oo nga.. Sino ba ako sa school..? Wala lang naman ako, di katulad ni Kevin.. "Bakit naman wala?!" Nice, tinanong ko pa, alam ko naman yung sagot. "Bakit? Sino ba ang mas makapangyarihan sa ating dalawa? Mapaphiya ka lang. Kaya kung ako sayo, ititikom ko na lang ang bibig ko kesa pagtawanan ako ng mga tao." Naaasar na talaga ako!! Ubos na ang pasensya ko!! "Wala akong pakielam kahit pag tawanan ako ng mga tao!" "Bahala ka. Tsaka, ikaw naman ang nag palabas ng totoong ugali ko di ba?" Ngumiti pa. Ang guwapo.. Hay nako, sobrang sama naman ng ugali. Alam kaya ni Francis lahat ng ito..? "Anu naman? Teka, alam ba ni Francis ang totoong ugali mo?" "Aba malamang. Utusan ko lang naman yun eh. Nerd kasi." Ininsulto mo ang Francis ko! "Ang kapal mo!" Nahampas ko tuloy siya ng bag ko. "Aray! Ano ba?!" "Ang kapal mo para sabihing utusan mo siya at nerd pa!" Tsaka ako natauhan. Paano kung malaman niyang gusto ko si Francis..? Baka sabihin niya.. Nakupo.. Tinitigan niya ako. "May gusto ka ba kay Francis?" Patay. Alam na. "Wala noh.." Anong gagawin ko? "Talaga lang ha. Well, sa tingin ko wala naman talagang mag kakagusto dun eh, ang nerd kasi. Naka eyeglass tapos bunot pa yung buhok. Di katulad ko. Gwapo." Talaga naman!!! "Oo na!! Gusto ko siya! Kaya tama na ang pang iinsulto mo!" Ngumiti si Kevin. "Anong nginingiti ngiti mo diyan?" "Gusto mo bang magustuhan ka ni Francis?" Nakapagtataka. Bakit, tutulong ba siya? "Oo.. Naman.." "Well, kaya ko siyang utusang mahalin ka." "Ano kamo?" "Kahit anong sabihin ko, susundin niya since inampon siya ng family ko. Kaya.. Kung gusto mo-" No way! Ayokong pilitin lang si Francis! Gusto ko, siya mismo ang mag mahal sakin! "Ayoko nga. No thanks. Mas pipiliin ko pang titigan na lang siya araw-araw kesa mahalin niya ako na hindi naman totoo. Sige, aalis na ako. At okay, wala akong pagsasabihan nito.. Pero sana, wag mo ring sabihin kay Francis.. Kasi.. Kasi gusto ko, ako ang magtapat sa kanya.." Binuksan ko na yung pinto at lumabas na ako. Tama yung ginawa ko, mas mabuti na yun.. Kahit di ko siya maging bf, basta nakikita ko siya, okay na yun.. [b]Kevin's POV:[/b] Okay yung babaeng yun ah, mas pinili niya si Francis kesa sakin.. Napaka interesting naman nito.. [b]Mapag tripan nga siya. [/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:14

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy