[i][align=center]I think this is love[/align][/i]
[align=center]by gossipgirl03
[/align][b][/b][i][/i]
[img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img]
[b]Prologue[/b]
SOMETHING'S WRONG eh. Yun ang laging pumapasok sa isip ko tuwing nakikita ko si Kevin Saldivar. Ang pinsan ng crush kong c Francis Saldivar. Mabait siya, gwapo, matalino, star player sa basketball team at mayaman pa.. Pero.. Basta. Parang sa tingin ko, hindi siya yung nakikita ko araw araw. Parang pretending siya.. Hindi ko lang alam kung bakit iyon ang nafi feel ko.
Kahit na alam kong masamang mag JUDGE agad ng tao, feeling ko peke siya.
Maraming girls from school ang lumalapit sa kanya, kahit nga from other schools eh. At siya naman, todo ngiti at may pa shake hands shake hands.. Pag nakikita ko yun, parang naaasar ako.
Hay, hayaan ko na nga siya. Hindi naman siya ang type ko eh. Ang pinsan niyang si Francis..
Shucks.. Ang bait bait niya sobra. Matalino at friendly pa! Kahit hindi siya kasing gwapo ni Kevin, hindi ko makakalimutan nung niligtas niya ako noong grade 6 pa lang ako. Kaya nga nagustuhan ko siya..
Lagi silang magkasama sina Kevin at Francis. Super close sila. Hindi ako makalapit kay Francis kasi si Kevin nandun! Kaasar tuloy. Hindi ko nga alam kung kilala pa ako ni Francis e. Pero I hope, kilala niya pa ako.
Hindi ko pa naman siya classmate, si Kevin ang classmate ko sa kasamaang palad. Hay, malas naman o. Buti na lang classmate ko din and bestfriends kong si Kaye at Janine. Ay oo nga pala, muntik ko pa makalimutan pangalan ko. Ako nga pala si Shaina Rizo. Second year high school dito sa Manila. Dun ako nakatira sa bahay ng lola ko, yung mga kapatid ko kasi nasa Cavite.
Hmm.. Ngayong second year highschool na ako, sana mapansin na ako ni Francis, gagawin ko ang lahat, kahit na kailangan pang pansinin ko yung pinsan niyang ayaw ko..
Last edited by gossipgirl03 (2008-12-21 19:36:53)