`Chapter seventeen..
Shucks, sa tingin ko hihimatayin ako..
"Kath.. I.."
Suddenly, unexpectedly, UNFORTUNATELY.
Grrooowwwwlll....
Ang sikmura ko! Nagbigay na ng signal!
"Waah!" nasabi ko sabay hawak sa aking tummy. Naman!! Bakit ngayon pa?! Excited pa naman ako sa sasabihin niya!! - Teka, excited?!
"Eh? Gutom ka na..?"
"Ah.. Oo ata e.." Naman E! "Pero.. Pero okay lang.. Ano ba ulit yung sasabihin mo..?" I asked. Kailangan kong malaman yun! I need to!!
Ngumiti siya.
"Next time na lang. Kain na tayo." and he pulled me.
"P-Pero.. Aaron..-"
Naglakad na ako kasama siya.
Buwisit na sikmura!! Kasi naman e!! Nakakainis!!
Ano nga kaya yung sasabihin niya..? Will he confess to me? WAAHH!! Aga mo mangarap babae! Malay mo, mang aasar lang siya or whatsoever. Pero imposible maging ganun..! Pero bakit ganito? Feeling ko gusto ko siyang kulitin para sabihin sakin yung sasabihin niya dapat..
--..--..--..--..
Kabad trip. Nakasimangot ako hanggang pag upo namin dun sa restaurant.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.
"Basta pagkain."
"Anong pagkain?"
"Yung kinakain ng mga tao."
"Ano nga? Kulit mo."
"Basta!"
Tinitigan niya ako.
"Anong problema?"
"Mukha ba akong may problema?"
"Oo."
"Well, mali ka. Wala."
Natawa siya.
"Anong nakakatawa?"
"Siguro gusto mo talagang marinig yung sasabihin ko kanina noh?"
Kahit na wala akong salamin sa harap ko, I know I'm blushing.
"H-Hindi noh!"
"E bakit ka nagkakaganyan?"
"E kasi.. Kasi... Gutom na ako!"
"Yun pala e, ano nga gusto mo?"
Napabuntung hininga ako.
"Ikaw na ngang bahala.."
"Sige."
Haaayyy... Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Parang disappointment..
--..--..--..--..--..--
Pumunta kaming mall. Ayun, ikot ikot.
"Anyway, bakit mo ba ako niyaya ngayon..?" nagtataka din naman ako kaya why not ask him?
Tumigil siya sa paglakad at napatigil din ako.
"Ano?"
"Para nga sayo."
"Ano ngang para sakin?"
Napakamot siya ng ulo.
"Birthday mo di ba?"
Paano niya nalaman..
"Paano mo nalaman?"
"Kailangan ko ba ng permiso mo para malaman ko?"
"Hindi naman.. Pero kasi.. Nakakapagtaka lang.. Si Jan- este wala.."
"Tsk. Basta. Ngayong araw na 'to, mag celebrate tayong dalawa. Yun. Para sa birthday ko, may regalo ako galing sayo."
"Regalo?! Bakit kelan ba birthday mo?!"
"Basta.. Tara na."
Hinatak niya ako ulit.
NGEE. May kapalit din pala to. Pero somehow, I feel really really great.
Wait.
Could I be falling for Aaron?!
NOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Imposible!! I hate him! Di ba nga, inaalila niya ako tapos kung anu ano pang ginagawa niya sakin! So there's no way that I'll like him! No. No. No.
Kakatawa ka talaga Kath. Nabubuang ka na. Masyado ka lang naflattered kasi ang bait NGAYON ni Aaron. I emphasized 'ngayon' kasi for sure, bukas, demonyo nanaman ang Mr. Prince.
Hay, siguro ngayon, mag eenjoy ako kasama siya habang mabait pa siya.
But somehow, I feel a bit lonely na parang.. Siguro ngayon, mabait siya because it's my birthday.. Pero the next day and the next following days.. He'll return to be the devil prince. And deep inside me, may bumubulong na
'SANA BIRTHDAY KO ARAW-ARAW'
"Huy. Kath?"
"H-Ha?"
"Kanina pa kita tinatanong kung gusto mong manuod ng sine,"
"Ah.. G-Ganun ba?"
"Oo. Ano? Gusto mo?"
Ngumiti ako.
"Sige."
It's better kung mag enjoy ako ngayon.
I feel like he's my boyfriend for a day.. Just a day.
Kahit na medyo nacoconfuse ako about my feelings for Aaron..
--..--..--..--..
"Musta?" bati sakin ni Lea as I entered the room.
Umupo ako sa seat ko.
"Medyo okay."
"Medyo lang?" Napasinghal ako.
"Bakit?" she asked.
"Kasi.. Kasi nalilito ako e.."
"About?"
"About my feelings for Aaron."
Natawa nanaman siya. Bakit ba laging may natatawa sakin?!
"Kaw talaga. Sabi ko na nga, gusto mo na siya."
"Bakit? Paano nangyari yun?" Gulo. Gulo.
"Hindi ka naman maguguluhan kung di mo siya gusto di ba?"
May point siya dun ah. Pero imposible pa rin para sakin!
At.. At alam ko naman na kahit magustuhan ko siya..
[b]He will never like me.[/b]
[quote]Para humaba yung story kaya di ko muna pinag confess.
[/quote]