Mamatz sa mga nag babasa at nag susupport..
Di aman siya yung rapist. Hehe.
`Chapter eight..
Kumakain na kami that time. Kinabukasan na to ha. Si Aaron parang tanga pa rin. Nakasimangot. Nakakainis.
"Gusto mo pa ng ulam?" tanong ko kay Jan.
"Ah.. Sige,"
Inabot ko na yung ulam.
"Masarap ka magluto ah."
"Salamat." But pa siya na appreciate. Di katulad ni Aaron. Sama sama ng ugali. Kainis.
[b]
AARON'S POV:[/b]
Nakakaasar naman tong si Katrina. Papasok nang papasok ng kung sinu-sinu! E kakasabi ko lang sakanyang may gumagalang rapist dito samin e! Malay namin baka yang Jan na yan yung rapist! Hay!
Bahala siya!
Tapos parang gusto niya pa mag feel at home tong Jan na to! Kainis!! Mas mabuti pa nung kaming dalawa lang!
"Ako din pahingi." sabi ko nga. Aba, hindi pwedeng siya lang ang kakain nuh.
"Eto." Iniabot niya sakin tapos ngumiti.
Di tatalab sakin yan, boy! Kung si Katrina nauto mo, ibahin mo ko!
Kinuha ko tapos naglagay na ko sa pinggan ko. Hay!!
"So, san ka pala galing?" tanong ni Kath. Tama yan Interviewin.
"Ah, sa Laguna. Lumipat ako ng Manila para mag aral sa Holy Trinity.
WHAT?
"No way! Sa tukmo ka din?"
"Oo. Bakit?"
"Tukmo din kami e! Anung year mu na?"
"3rd year pa lang.."
Ano ba to?! Parang super coincidence naman! Imposible to..
"Wow! Ang galing naman!" sabi ni Kath.
Parang ang saya pa niya! Kaasar!
"Talaga?" sabat ko.
"Oo.. Sana maging magkaklase tayo."
"Imposible." sabi ko. Tinitigan ako ni Katrina. Bahala siya. Ayokong makipag plastikan.
"Anyway, magkaiba kayo ng surname ni Katrina.. Pero nakatira kayo sa iisang bahay?"
"Ah.. Oo.. Sana wag mong ipagkalat ha.."
"Ah.. Okay-"
"May masama ba? Girlfriend ko naman siya e."
Tinitigan ako ni Katrina. Bahala siya diyan.
"Ah ganun ba?"
"Oo. Di ba Kath?"
"Ah.. E.. Oo.."
Napakamot ng ulo si Kath.
"Ah.. Sige.. Akyat lang ako." sabi ni Kath tapos umalis na siya.
Naiwan kami ng Jan na to. Hmp. Ampf. Kainis.
"Kayo ba talaga ni Kath?" tanong niya.
Aba, bakit naman niya tinatanong?
"Oo. Bakit?"
"Kasi parang hindi e."
"Kala mo lang yun.."
"Ganun ba..?"
"Oo."
"Ah.. Hindi lang ba kayo nagpapanggap para mapagtakpan ang pag tira niyo sa iisang bubong?"
Paano niya nalaman..?
"Bakit.. Bakit naman pumasok sa isip mo yan?"
"Wala lang. Bakit, may tumama ba sa hinala ko?"
"WALA. Hay, bahala ka diyan. Basta binabalaan kita. Wag mong subukang gumawa ng mali... Lalo na kay Kath.. Dahil hindi mo alam kung anong kaya kong gawin."
Sabi ko nga. Matakot ka na.
Hindi mo kilala kinakalaban mo boy.
Tumayo na ako at umalis. Pag alis ko, ngumiti siya.
"Ganun ba? Hah. Hindi mo rin naman ako kilala e. At nakukuha ko ang gusto ko."
[b]KATRINA'S POV:[/b]
Umupo na ako sa kama.
"Hay, kakapagod. Bukas papasok nanaman.. Katamad!"
May kumatok sa pintuan ko.
"Jan!"
"Hi. Pwedeng pumasok?"
"Oo.."
Pumasok siya.
"Gusto ko lang sanang mag thank you sa pagtanggap mo sakin dito.. Kahit di mo ko kilala."
"Ah.. Wala yun. Sus."
"Salamat talaga ha. Oo nga pala, anung section niyo..?"
"Ah.. 3A kami."
"Okay.. Sana magkasama tayo sa iisang section."
"Oo nga eh."
"Maganda nga yun para may kakilala na ako." Nag kwentuhan lang kami.,
Mabait naman pala tong si Jan e. Bakit kaya galit na galit si Aaron sakanya?
--..--..--..--..--..
Hindi na ako sinusundo ni Kyle kasi sabay na kami ni Aaron kung pumasok sa school.
"Magandang umaga!"
"Good am!" bati ni Lea.
"Good morning." bati rin ni Kyle. Umupo na kami ni Aaron sa aming seats.
"Musta ang weekened?" tanong ko kay Lea.
"Okay lang.. Nagbakasyon kami sa bahay ng lola e.. Ikaw?"
"Okay lang din! Masaya!" sabi ko.
Kinalabit ako ni Kyle.
"Bakit naman masaya?"
"Basta.."
Magugulat sila pag saming section si Jan! Sana nga samin siya!
--..--..--..--..--..
"Everyone, we'll have a new classmate."
Wow! Samin nga si Jan!!
"Jan Espiritu. Please enter." Pumasok si Jan. Nagtilian yung girls. Paano ba naman kasi, ang cute ka niya!
Ngumiti sakin si Jan, ngumiti rin ako sakanya. Tinitigan na naman siya ni Aaron as usual.
"Magandang umaga. Ako si Jan Espiritu."
Wow, Tagalog na Tagalog.
"Okay Jan, please sit behind Ms. Katrina Sandoval."
"Yes sir."
Wow! Sa likod ko pa siya!
Umupo na siya sa likod ko, Tinapik niya yung likod ko.
--..--..--..--..--..--
Pag alis nung teacher, pinalibutan agad siya ng girls namin!
"Wow, he's popular agad." sabi ni Lea.
"Oo nga e."
Nawala na rin yung pagka mahiyain ni Lea ah.
We heard girls ask him questions,
"May girlfriend ka na?"
"Wala pa naman.."
"How about a crush?"
"Hmm.. Meron."
Meron na? Okay ah.
"Sino?"
"Si Katrina."
HALA! Tumayo si Aaron at pumunta sakin after that.
They give space para samin. Hala.. Anong sinasabi ni Jan?!!
"You mean, Katrina Sandoval?"
"Yeah."
"Pero boyfriend na niya si Aaron e.."
"Chill guys. Crush pa lang naman e,"
Sinabi niya.
Wew. Wew. Wew. Ang puso ko. Ang puso ko.
"Bakit siya?" tanong bigla ni Aaron. Wah.. Wag ka nang sumagot!!
"Kasi I think she's pretty and really nice."
"But you don't know her yet."
Oo nga pala. Napagkasunduan namin na kunwari di pa kami magkakakilala.
"It's okay. I'll know her after sometime."
Nag titigan sila.
Naman e.. Si Jan kung anu-ano pang pinag sasabi!!
What should I do?!
[b]Ngayong parang mag aaway pa ata sila sa mismong school namin?![/b]