Mamatz to all na nagbabasa ng walang wentang story na to.

`Chapter six..
Saturday na. At yung injury ni Aaron, di pa rin gumagaling. But actually, I don't think it's still not cured e. Ang tagal aman! Di ba?
Kumakain na kami ng lunch.
"Ang sarap talaga ng luto mo, Kath."
"Compliment ba yun o pang aasar dahil na overcooked yung pagkain?"
Kainis talaga tong lalaking to. Hindi ko naman maoovercooked yung pagkain kung di niya ako inutus utusan e!
"Pwedeng both?" tapos tumawa siya. Kainis. Devil prince talaga tong epal na to.
"Alam mo Aaron, nakakainis ka."
"Alam ko."
"Alam mo pala e bakit nang iinis ka pa rin?!"
Ngumiti siya.
"Kasi nag eenjoy ako pag nakikita ko yang expression mo!" tapos tumawa ulit.
HAYY!!!
"Nakakanis ka!!" I screamed at him. Tumayo na ako at naglakad. Kaso parang hinagis niya yung kutsara niya sa lapag.
"Ay nadulas kamay ko. Pakuha naman." NAMAN!!
"Ayoko. Tumayo ka."
"E masakit yung paa ko."
"Wala akong pakielam."
Aalis na ako nung hinawakan niya yung left arm ko.
"Kunin mo na.. Please?"
"Ayoko nga e!"
"Sino ba kasing may kasalanan kaya di ako makatayo nang maayos? E sana kung kaya ko lang tumayo e.. E di hindi na kita inutusan para kunin di ba? Sige na.."
Nangongonsensya pa ang devil na to.
"Hay!!" pinulot ko tapos binigay ko sakanya.
"Ayan!"
"Salamat."
"Last na utos mu na yan ha."
"Ayoko nga."
"Ayoko na rin!"
Naman e!
"Dapat kasi hindi ka na lang tumalon! E di sana hindi ka nag iinarte diyan!! Ang tagal tagal pang gumaling niyang sugat mo! Baka mamaya nagpapanggap ka lang e!"
Tumayo siya.
"Ganun pala ha? Bakit kung di ba ako tumalon maeendure mo yung pain? Ha?!"
"O-Oo!"
"Ganun? Sige! Itutulak kita sa stairs!"
--..--..--..
Nakatyo kami sa stairs.. Waahh.. Ang tanga ko talaga. Dapat di ko na siya hinamon e.. Yan tuloy, itutulak niya pa ako.
"Ano, ready ka na? O baka naman gusto mo nang sumuko?"
Aarrgghhh!!
"R-Ready na ako.."
"Sure ka? Pwede ka namang sumuko e."
"T-Talaga?!"
"Oo. Basta i kiss mo ko."
No way.
"W-Wag na! Di ko kailangang sumuko no! Ako pa! Si Katrina ata to-"
Hinawakan niya yung balikat ko.
"WAAH!!"
Tumawa siya.
"Wala pa nga e. Sabi ko na nga ba e. Takot ka. Haha!"
"H-Hindi nga!!"
"Sumuko ka na kasi. Kiss lang e."
"Ayoko! Basta itulak mo na lang ako!"
"Sige." sabi niya tapos nagkibit balikat lang siya.
Nyaa.. I'm scared.. So scared.. I closed my eyes.
Bye ma, mahal na mahal kita. Byt to Kyle.. Lea and to my friends. Kita na lang tayo sa langit!
"Eto na ha."
Hinawakan niya yung dalawang balikat ko.
"Okay. Ready ka na talaga e." And not knowing.. not really knowing. I felt something landed on my cheeks.
"Ano-"
It was Aaron. He kissed me!!
Bumilis yung heartbeat ko. I'm blushing. I know it. He was staring at me and he smiled.
"Okay ba? Ganun lang ang kailangan ko tapos di na kita itutulak."
"Bakit.. Bakit mo-"
"Because I want to."
He said then he walked up the stairs. And I'm still shocked. Anong nangyari? Bakit ganito feeling ko? Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang.. happiness? No!! Hindi happiness!!
No way!!
And by the way.. Nakaakyat siya ng stairs?!
--..--..--..--..--..
He was locked up in his room the whole afternoon. Sabi ko na nga ba e. Inutus utusan niya lang ako pero magaling na pala yung paa niya! Buwisit na lalaking yun.. Pinagod lang ako. Kaasar!
Suddenly, I heard a knock on the door. Hmm?
"Kyle.." I uttered as I opened the door.
"Kath."
"Kyle.. What are you doing here?"
"Mind to let me in?"
"S-Sure! Pasok ka.." Pumasok na si Kyle tapos sinara ko yung pintuan at umupo kami sa couch.
"So.. What brought you here?"
"I just want to talk.."
"Okay.."
He looked at me straight to the eye.
"I like you Kath."
"Kyle.. Pero.. Pero.. Kasi.. Ano.. Ahh.."
Bumuntung hininga siya. Kyle..
"Hindi mo ko gusto..?"
"No.. It's not like that.. It's that.. I thought we're just like siblings.. And nothing more.."
I can see through his eyes na malungkot siya. But he still smiled at me.
"I see.. It's fine with me. I also knew that you'll answer that to me since I think you're liking Aaron.."
"Liking Aaron?"
"You know, that picture.."
I chuckled.
"Haha. Isang maling pagkakamali lang yung picture na yun.."
"Talaga?"
"Oo.."
"I don't think so."
"Bahala ka. Pa hug nga. As siblings. Di ba?"
He just smiled.
"Sige.. Just like before."
And we hugged each other just like before.
"Namiss kita."
"Ako din e. Kaw kasi.. Iniiwasan mo ko."
Suddenly,
"Anong nangyayari dito?"
I pushed Kyle.
"Aaron!"
He was looking at the two of us. And he's glaring.
[b]"What the hell are you two doing?!"[/b]