^ Salamat po sa mga new readers na dumating!
Salamat sa nag hintay sa update!
Here's the update. It might be a little short..
`Chapter thirteen..
Araw na nung bazaar! Yes! Nasa classroom kami lahat waiting for the opening. Anyway, napagplanuhan na mag cocostume si Jan pati si Aaron. In fact, bunny costume pa nga eh!
Lumabas na si Aaron galing ng fitting room.
"Ano ba 'to?!" Napatitig kami sa kanya. Shucks, he looks so cute!!
Tumawa kami lahat.
"What's funny?!" He asked. Galit.
"Ala. Bagay sayo yang suot mo." sabi ko.
"Katrina!!"
"Ano? Di ako nang aasar ah." But I was actually teasing him.
Biglang lumabas si Jan, and at this time, lalo naming di napigilan ang pagtawa! Mas mukhang rabbit si Jan e!
"Eh?! Bakit kayo tumatawa?!"
Pati nga si Aaron natawa sa itsura ni Jan e.
"Pangit ba?! Kath?!"
"H-Ha..? Hin-Hindi nuh.. Ang cute mo nga eh."
"Talaga?"
"Oo."
"Kung totoo yan e, bakit ka natatawa?"
"E kasi sobrang cute mo."
Pinisil ko yung cheeks niya. Nakatitig samin si Aaron.
--..--..--..--..--..
Nag opening na yung bazaar. Grabe, dinumog yung classroom namin. Girls were taking pictures with Aaron and Jan. Kami naman, nag bebenta ng mga goods.
"It is really fun." sabi ko, katabi ko lang kasi ng stand si Kyle at Lea. Junk foods yung kay Lea at Kyle. Sakin naman mga keychains at kung anu-ano pa.
"Oo nga e. Kung tutuusin dinumog din tayo ng mga tao dahil kela Aaron." sabi ni Lea.
I smiled then nodded.
--..--..--..
After some time, napilitan ng ipasara muna yung room namin.. Panu ba naman kasi, parang sasabog na sa sikip!
Napaupo lang si Jan at Aaron sa lapag. Halatang halos mamatay na dahil di makahinga e.
"Hoy, okay lang kayo?" tanong ko nga.
"Mukha ba kaming okay? Kanino ba kasing idea to?!" tanong ni Aaron.
"Aba malay ko." sagot ko nga. Aalis na sana ako nung may humatak sa sleeve ko. And it was Jan.
"Bakit?"
"Tingnan natin yung other rooms?" yaya niya. Hmm... Maya maya pa kami mag bubukas kaya siguro, pwede.
"Sige."
"I'm coming with you." sabi ni Aaron.
"Ha?" nasabi ko na lang. Bakit sasama pa siya? E pagod nga siya diyan e. Suddenly, lumapit yung president ng class namin, si Neil.
"Wag na kayong umalis, mag bubukas na tayo."
"WHAT?" nasabi ni Aaron. Tumayo sila.
"Alright, but I'm absolutely not wearing this." hinubad na ni Aaron yung costume.
Talagang mas mukhang prince si Aaron pag walang costume!
"Ako din." hinubad na rin ni Jan yung kanya.
"Mas cute nga kayong dalawa pag suot niyo yun e." sabi ko. Tinitigan ako ni Aaron.
"Di na po, di na po." sabi ko na lang.
--..--..--..--..--..
Anyway, ngayon din yung pageant.
Medyo kabado siyempre.. And I liked my dress anyway.
"Ang cute mo naman." sabi ni Kyle.
"Alam ko. Since birth. Where's Aaron?" tanong ko.
"Ayun o."
Tinuro niya si Aaron. Na parang mamatay na sa sobrang putla ng mukha. But honestly, gwapo siya pag lalaki pero mas maganda siya kung babae!
Nakita niya akong nakatingin sa kanya.
"A-Anong tinitingin tingin mo diyan?!" sigaw niya.
"Masama ba?" Di ko mapigilan yung sarili kong tingnan siya. Ewan ko ba, pero parang may magnet e. Kaasar nga.
Lumapit siya sakin na hirap maglakad. Nakatakong kasi siya e.
"Okay ka lang?"
"Sino bang may kasalanan nito?!" tanong niya.
"Ako? Ha ha. Inde pala, ikaw pala. Kung di mo kasi sinabi yung mga nakakahiyang yun, e di sana, si Jan pinili ko. Buti nga."
"Ikaw babae ka, humanda ka sakin."
Natawa lang ako.
Somehow, I've forgotten yung sama ng loob ko sa kanya.
WAH!
Erase, erase. Kalimutan na yun. Siguro lasing lang siya o kung anu pa man nung sinabi niyang nag seselos daw siya
"Anyway, tara na." yaya ko.
"Pwede bang hubarin ko muna 'tong sapatos na 'to?! Feeling ko kasi dumudugo na yung paa ko!"
"Wag na. Number 3 tayo sa contestants e. Tara!!"
Hinatak ko siya palabas ng room.
"T-Teka!!" Sigaw niya.
I don't know pero,
[b]I feel like kampante na ako pag kasama ko si Aaron..[/b]
[quote]Matatagalan ulit bago ako makapag update..!!
[/quote]