![:arrow:](img/smilies/point.gif)
Salamat sa mga nag babasa..
![:D](img/smilies/another_D.gif)
`Chapter ten..
"A-ANO?!" Napatayo si Aaron.
Nakatitig siya sakin. I sticked out my tongue and I smiled. Haha. Kala mo ha.
"Alright, then I'd sign us up." sabi ni teacher.
"P-Pero.. Pero Sir.."
"Ano? Is there anything wrong?"
"Wala.. Wala ho.." sabi na lang niya tapos umupo na siya ulit. Lumabas si Sir ng room.
"Galing naten ah." sabi ni Kyle.
"Naman!" sabi ko nga. I'm not the only one who'll suffer! Ha ha ha!
I saw Aaron glare at me. Nginitian ko siya, syempre. Kala niya ah.
Buti nga!!
--..--..--..--..--..
Paglabas ko ng gate, may humatak agad sakin.
"O, Aaron.. What's up?"
"What's up? WHAT'S UP?!"
Natawa ako tapos naglakad lakad na kaming dalawa.
"Easy ka lang.."
"Easy?! Di ba sabi ko sayo, ayaw kong sumali diyan sa pageant na yan?!"
"OO."
"Yun naman pala e! Bakit hindi si Jan ang pinili mo?!"
"Wala lang."
Halatang naiinis na siya..
"WALA LANG? O baka naman iniinis mo ko?"
"The second one."
"Kath!!"
"Ikaw kasi e! Nag sabi ka ng hindi mo dapat sabihin, yan tuloy."
"Bawiin mo yun! Ayokong maging partner mo!"
"As if namang gusto kong maging partner mo noh!"
"Basta!! Bawiin mo!!"
"A-Y-O-K-O." Tinakbuhan ko nga siya. Ha ha! Nag eenjoy ako dito ah!
"Bumalik ka dito!!" Hinabol niya ko.
"Katrina!!"
Nanunuod pala samin si Jan nun, but I didn't actually know.
--..--..--..--..--..
The class decided gumawa ng bazaar. Para sa foundation day. Everyone's busy.
"Lea! Pakiabot ng martilyo!" Ginagawa ko yung stand para sa mga candies.
"Okay!" Inabot niya sakin.
Lahat kami may ginagawa maliban kay Aaron, na nakaupo lang at nagbabasa ng magazine.
Hay, mas madali sana kung tutulong siya e noh.
Nakatingin kasi ako sa ibang direksyon e mahuhulog na pala yung kahoy! Buti na lang, nakita ni Aaron.
"Ah-!"
"Kath!" I heard Aaron shout, pero hindi si Aaron ang tumulong sakin, si Jan.
"Okay ka lang?"
"Ah.. Oo.. Salamat.." sabi ko na lang.
Nakatitig lang si Aaron.
"Kailangan mo ba ng tulong?"
"Ah.. Hindi naman, pero kung gusto mo.."
"I'll help you."
"Salamat!" sabi ko na lang. Buti pa si Jan, ang bait. Di katulad ni devil prince!!
[b]
AARON'S POV:[/b]
Nakakairita! Ang sakit sa mata!!
"O yan, tapos na."
"Salamat Jan!"
"Sige, tawagin mo ko kung may kailangan ka pa."
tapos umalis na siya. Malapitan nga tong babaeng to.
"Wag mong sabihing nainlove ka na sakanya?"
"Ano? Grabe ka naman!! Hindi ako ganung klase ng babae!"
"E bakit nag lalandian kayo?"
"Nag lalandian?! - Teka, ano bang pakielam mo? Wala ka namang kinalaman dun ah!"
Teka, bakit nga ba ko nakikielam?!
"Siyempre wala akong kinalaman dun! Wala naman akong pakielam sayo e! Nakakainis kang babae ka! Idiot! I care nothing about you!"
Tinitigan niya ko.
"i care nothing about you either!!" Nag tinginan lahat samin.
"Ah.. Kath.."
"Kath?" nasabi lang ni Jan.
"Hindi mo ko kailangang tawaging idiot! Kung wala kang pakielam sakin, mas wala akong pakielam sayo!! Wala nga akong pakielam kahit mamatay ka ngayon!!"
Sabi niya tapos tumakbo siya. Nasobrahan ata ako..
"Katrina!!"
"Wag ka nang mag papakita sakin!!" lumabas siya sa room. Pinag titinginan kami. Naman..
[b]KATRINA'S POV:[/b]
Umupo ako sa lapag ng rooftop.
Nakakainis!! Nakakainis ka!!
"Aaron Espinosa! Go to hell!" Sinipa ko nga yung trash bin.
"Aray!!"
Tinamaan yung tuhod ko. Ang sakit.. Nagkapasa tuloy..
"Kasalanan mo to, panget na lalaki!!"
"Sinong pangit na lalaki?"
"E di si Aaron-"
Paglingon ko, nandun pala si Aaron!
"Anong ginagawa mo?"
"Wag mo kong pakielaman- Aray!"
Lumuhod siya sa harap ko tapos hinatak nya yung paa ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Manahimik ka ang diyan."
Kinuha niya yung handkerchief niya tapos binalot dun sa dumududo na ngayong sugat ko na kanina pasa lang.
Dubb-dubb. Dubb-dubb- Teka!! Umaarte lang siya!
"Anong trip yan?"
"Anong trip?"
Tumayo na siya.
"Bakit ka nagkasugat?"
"Sabihin na lang nating nairita ako tapos sinipa ko yung trash can kaso nasugatan ako. Ayoko ko kasing may tumatawag saking idiot o stupid."
"Stupid."
"Ano?!"
"Idiot. Stupid. LOSER."
"Aaron-!!"
"Tara na."
"Ha?"
"Kailangan ka namin dun."
"Pero masakit yung-"
Binuhat ba naman ako!
"Aaron!"
"Wag ka na ngang makulit. Mahulog nanaman tayo sa hagdanan sige ka."
Habang bumababa kami ng hagdan, I can't help myself but look at him. Ang puso ko. ANG PUSO KO!!
[b]Could I be falling for him..?[/b]