Sorry for the long wait! Here's the update!
But maybe a little shorter.. as usual..
`Chapter fourteen..
Inaalalayan ko maglakad si Aaron. Kawawa nga e. Paano ba naman kasi, ang laki ng takong ng sandals.
"Aray ko naman.."
"Wawa aman ikaw." pang aasar ko.
"Ikaw talagang Katrina ka.. Pag di ako nakalakad ulit...-"
"Hindi mo na ako maalila.. Ha ha! Andun na kaya si Jan kaya-"
"Jan, Jan, Jan, JAN!"
"Ano?"
"Puro ka Jan, nakakairita."
"Puro Jan? Kakasabi ko lang ng Jan e."
"Basta! Nakakairita ka. Jan dito, Jan dun. Puro Jan!"
Nakakaasar. Di naman ako ganun ah!!
"Bakit? Pakielam mo-"
Hinatak niya yung braso niya.
"Wag mo na akong tulungan, kaya ko nang maglakad."
"Aaron..?"
"Bumalik ka na sa Jan mo."
Jan, Jan.. Puro nga siya yung nag sasabi ng Jan e!!
Hinawakan ko ulit yung braso niya.
"Ano ba?!"
"Hindi mo kayang maglakad!!"
"Kaya ko! Bitawan mo nga ako!"
"E bakit ba galit ka?! Parang yun lang e! Ano naman kung Jan dito, at Jan dun ako?!-"
Hinatak niya yung braso niya ulit at tinulak ako.
Nagulat ako dun ah.
"Aaron-"
"Wala ka na dun. Hindi mo kasi naiinitindihan..."
Naglakad na siya palayo.
Hindi naiintindihan? Ang alin?
It confuses me anytime he does that.. Yung mga putol na statements niya... Hay nako, Aaron.
Tinitingan ko lang siya habang paika ikang maglakad..
--..--..--..--..--..--..
Nakaupo na kami sa seats ng contestants. Di pa rin siya nagsasalita o nakibo man lang. Parang di na rin ata humihinga. Ewan ko ba dito. Masubukan ngang kausapin.
"Ah.. Aaron..?"
Hindi man lang tumingin.
"Hoy. Aaron."
Di pa rin nakibo.
"Panget. Panget ni Aaron. Ha ha. Bakulaw si Aaron. Panget!"
Aba, di talaga kumikibo.
Nako, ano bang problema nito?
"Uy si Jan yun ah-"
"JAN NANAMAN?"
Si Jan..? Si Jan lang pala nakapagpapasalita dito e.
Bading kaya siya..?
"Yes, nagsalita na rin."
"Manahimik ka."
"Hoy, Aaron. Bading ka ba?"
Tinitigan niya ako.
"Gusto mong halikan kita?"
Hala, no thanks.
"Oo na, hindi ka na bading."
"Buti alam mo,"
Kinabahan ako dun ah.
"E bakit ba kasi nagagalit ka pag sinasabi ko yung pangalang 'Jan'?
Natahimik siya.
"Basta."
"Asus, selos ka-" Wait. Di ko dapat tanungin yun! Forbidden question!!
"Ano?" tanong niya.
"W-Wala.." Hay, mutikan na. Ingat, Kath.
"Kinakabahan ka?" Biglang tanong niya.
"Oo." sagot ko. First time ko lang kaya.
"Wag kang kabahan, basta pag tinanong ka, sagutin mo ng galing sa puso mo."
Oi. Si Aaron ba 'to?!
"Aaron..? Ikaw ba yan..?"
Ngumiti siya. Ay ang prince- Tapos sumimangot.
"Anong ibig mong sabihin?!"
"Wala.. Wala po.."
Napangiti lang ako. Mabait naman pala e. Asus, baka nahihiya lang mag paka goody-goody.
--..--..--..--..--..
Natapos yung pageant, unexpected, panalo pa kami!
Umupo si Aaron sa upuan tapos tinanggal yung korona niya at sapatos.
"Hay nako, dumudugo na ang paa ko.."
"Okay lang yan, it's worth it." sabi ko.
"Worth it?! Wala akong pakielam dito sa koronang to!" Hinagis ba naman sakin.
Hinubad na rin niya yung gown niya, naka damit siya sa loob. Anyway, nasa changing room kami ha.
"Mas okay sana kung ikaw yung sumali e! Nang maranasan mo ang hirap ng ginawa ko!"
"Ha ha. Wala ka ngang ginawa e. Sumagot ka lang, tapos."
"Tsk. Tsk. Bahala ka." sabi niya.
Hay, congrats samin!!
"Alis na ko-" Aalis na sana ako kaso-
"Sandali."
"Ano?" tanong ko.
"Let's go out tomorrow."
G-Go out..
"A-Ano..?"
"Labas tayo bukas."
"Okay ka lang..?" si Aaron ba 'to?!
"Oo.. Or sa Sunday na lang pala.. Kita tayo... Sige.."
NGEEEEE.
Anong nangyayari?! Si Aaron nag yaya mag DATE??!!
Hala!! This can't be happening!
[b]Mag de date kami sa Sunday ni Aaron!![/b]