Pages: 1..1234567891011121314..14

  2008-10-11 00:43:27

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

^ Thanks for supporting guys.. !! Anyways, this will be a short update kasi aalis kami ngayon e! :D *CHAPTER FIFTEEN* Naglalakad lakad lang ako sa corridor. I'm planning to cut classes.. Ayokong makita si Kev. Hay, ewan ko ba. Suddenly, may humawak nung balikat ko, pagtalikod ko, si Francis. "Fr-Francis.." "Bakit nandito ka pa? Mag sisimula na yung classes ah." Napailing lang ako. "Ayokong pumasok, masama ang pakiramdam ko eh.." Kailangan kong mag sinungaling, at this point, kailangan talaga. "Ah, ganun ba? Uuwi ka na?" "Hindi pa. Mag papahinga lang ako sa infirmary.." "Ah, sige, ingat na lang.. Alis na ako." At umalis na nga siya. Hay ewan, imbes na matuwa ako kasi kinausap niya ako, hindi e. Nalulungkot pa rin ako dun sa nangyari samin ni Kevin.. Maka alis na nga rin. Nababagabag pa rin ako dun sa away namin. First time kong na inis at nalungkot ng ganito. Ewan.. Ano ba aman kasing meron yung asungot na yun sa mga salita niya? Nag lakad na ako papunta sa gym. Dun muna ako, wala pa naman yung practice nila kuya e. Dun muna ako mag papalipas ng sama ng loob.. [b]KEVIN'S POV:[/b] Nag umpisa na yung classe pero na babagabag parin ako sa sinabi ko kay panget.. Bakit ko ba nasabi un..? Anu naman kung maging sila? Wala naman sakin yun e. Dahil ba sa galit ko kay Francis kaya ayaw ko sila maging masaya..? Hindi e. Iba tong feeling na to. Parang hindi dahil dun. Hay, ewan ko. Bahala na, basta kelangan ko makausap si panget. Hindi ako makikipag bati o mag sosorry, kakausapin ko lang, masama? [b]SHAINA'S POV:[/b] Malapit na ang uwian dito parin ako boring .. Maya-maya kailangan ko na umalis.. Dadating na si Kevin e. Hay. Kinuha ko yung iPod ko at nagpatugtug muna. Wala akong magawa. Hay. --..--..--..--..--.. After nung incident na yun, iniwasan ko na muna si Kevin, di ko na siya pinansin. Hinayaan ko na rin siya dun sa project namin. Bahala na siya. Ayokong kausapin siya e. Anyway, Friday na. Ngayon na yung game. Walang pasok ngayon kasi the team needs the support of the school. Siyempre may reserved seats na kami ng friends ko, nag request ako kay Kuya e. Home court namin to kaya okay na okay. Umupo na kami ng friends ko sa upuan at nag simula na kaming mag antay na mag simula ang game. Siyempre, I still distance myself from Kevin, dun ako sa left na dulong seat at dun siya sa right dulo na seat. Umiiwas na rin siya e. Siguro nahihiya siya sa sarili niya. Buti nga. Hay, bahala na ang bathala. Nagulat ako nung umupo sa tabi ko si Francis. "O, Francis," "Musta? Okay ka na?" Nice, naaalala niya pa pala na kunwari may sakit ako. "Okay na ako.. Don't worry. Bakit dito ka umupo? Dun ka sa pinsan mo di ba?" "Hindi na, okay na siya dun." Ngumiti lang ako. Bakit kaya dati pag kinakausap niya ako, sobrang tuwa yung nararamdaman ko? Nag hintay na lang ulit kami. Lumabas na ung first five sa team namin, si Kuya, si Kevin ung Cyrus saka ung iba pa hindi ko lang alam kung anu name nung iba e. Lumabas na rin yung sa kabilang team, okay rin sila, mukhang matitibay. May isa dun may itsura, kaso mukhang playboy. Bahala na. Nagsimula na ung game sa team namin ung bola. Si kuya ang nag dridribble ng bola. Binabantayan siya. Ang galing ni Kev mag basketball. Siya lang yung pinapanuod ko.. Pero siyempre, tinitingan ko yung Kuya ko. Nag continue yung game, pero siyempre di ko na madetalye lahat. Hehe. Basta naging 10 - 8 yung score, kami yung lamang, tapos 15 - 16, 20 - 21, 29 - 32, 34- 32 at dun nagtapos yung first quarter. Daming nagtatalunan ang ingay pa nga e. Sa second quarter, natambakan namin yung kalaban. Naging 50 - 40. Sa third quarter naman, naging 73 - 68. Sa fourth quarter, humabol yung kalaban. Naging 80 - 81. Nalamangan nila kami. Naku. Thirty seconds na lang, na sa amin yung bola tapos si Kevin yung may hawak. Alam kong ma shoo shoot niya yun, pero kinakabahan pa rin kami. --..--..--..--.. [b]KEVIN'S POV[/b] Kailangan ma shoot ko ito. Nanunuod si Panget. Kailangan.. Kailangang mapatunayan ko na mas worthy ako kay Francis.. - Nge! Bakit kailangan nga ba?! Hay ewan! Basta shoot ko na to! [b]SHAINA'S POV[/b] Drinibble ni Kevin yung bola , tapos nashoot niya yung bola ng 3 points! Nagtalunan kami! Dahil sa sobrang tuwa nayakap ko si Francis. [b]KEVIN'S POV:[/b] Galing ko talaga! Nagtalunan sila lahat! Nakipag appear sakin yung teammates ko. Kaso, pag lingon ko, nakita ko si panget at Francis na magkayakap.. Iba yung naramdaman ko. Bakit.. Bakit parang galit ata ako.. Bakit ganito? Parang gusto kong sapakin si Francis.. "Galing mo Kevin!" Bati ni Stephen. Ngumiti lang ako. Forced smile. Napatingin ulit ako kay Francis at Shaina.. Bakit.. Bakit ganun..? Sila na ba..? Hindi pa naman di ba..? Bakit ganito ang feeling ko..? [b]Nasasaktan ako.[/b]

Pages: 1..1234567891011121314..14

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 12:11

[ 12 queries - 0.019 second ]
Privacy Policy