2008-10-24 01:21:38

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [i][align=center]I think this is love[/align][/i] [align=center]by gossipgirl03 [/align][b][/b][i][/i] [img]http://i277.photobucket.com/albums/kk58/kimylou_photos/SpyingInPE.jpg[/img] [b]Prologue[/

^ Chalamat cha lahat.. ^^ Kala ko malapit nang matapos mahaba haba pa pala! =D *CHAPTER TWENTY-FOUR* "Really?" Nagkita kita kami nila Janine sa bahay nila Kaye. It was Saturday and start na nang sem break namin. Ang trip naman namin papuntang Tagaytay, sa Monday pa. "Yup. Pupunta ako kasama nila." I replied. "Uy, dapat pala nilandi ko na lang si Francis no?" sabi ni Kaye. "Timang! Para makapunta ng Tagaytay gagawin mo yun?!" "Eto naman, joke lang! Ikaw talaga. Di ka naman nagseselos di ba? Kasi may Kevin ka na!" Natahimik ako. "Siyempre hindi.." "Yun naman pala e." "Haven't I told you..? Wala na. May Abby na siya. Kaya baka .5% na lang ang chance ko." "Suko ka na?" sabat ni Janine. "Hindi naman sa suko pero.. Pero.." "Pero ano?" tanong nilang dalawa. "Hay basta! Wag na nga kayong makulit dalawa!" Kumuha ako ng potato chips. "Bahala kayo diyan." Nagtetext si Janine nung kinuha ni Kaye yung cp niya. "Uy! Kaye-!" "Peram lang! To naman- Kuya Stephen?!" Napatingin ako. "Wow.. Katext mo pala si Kuya Stephen kaya kanina ka pa-" "KAYE!!!" "Talaga? Paano mo nakuha number niya?" "Ki-Kinuha niya number ko.. Akin na nga yan-!" Kinuha ni Janine kay Kaye. Nag aasaran sila habang nakatingin lang ako. Hay buhay, okay lang rin kung magiging sila di ba.? --..--..--..--.. Dala dala ko na yung bagahe ko nung lumabas ako nung gate. Akala ko ako yung pupunta sa bahay nila pero pagalabas ko, isang Pajero yung nakapark. "Eh..?" Bumaba si Francis sunod si tita Kris. "Sakay na!" yaya ni tita Kris. "Ha?" "Tara na." Binuhat ni Francis yung gamit ko. "Salamat.." Nakabukas yung pintuan at kita ko sa loob si Kevin at Abby na nakatingin samin. Hmp. "Salamat hon." dagdag ko. Nginitian ako ni Francis. Sinulyapan ko si Kevin na nakasimangot. Bahala siya. Sumakay na kami sa sasakyan. Katabi ko si Francis tapos si Kevin. Bale nasa gitna ako kasi si Abby nasa bintana si tita Kris naman, nasa harap. "So buti at pinayagan ka." sabi ni Francis. "Siyempre naman." sagot ko. "Merong resort near Tagaytay, punta tayo dun para mag swimming ha." biglang sabi ni tita Kris. Nge. Swimming. Baka magkanda lunud lunod ako dun e. "Sure!" sagot ni Abby. I have no right to refuse. Baka magpaiwan na lang ako sa Tagaytay pag nag swimming sila. Nagtuluy tuloy yung biyahe hanggang sa nakatulog na ako. [b]KEVIN'S POV:[/b] Tulog na tulog sina Francis at Shaina.. "Uy, tulog ka din para pareho kayo," biglang sabi ni Abby. "Sira." Ngumiti lang siya. Tulog na din pala si Mommy. Napasandal yung ulo ni Shaina kay Francis. Aww. "Ang sweet nila tingnan no. Magkasandal ulo nila." sabat nanaman ni Abby. Nang aasar talaga tong babaeng to. Ang sakit naman tingnan. Nilabas ni Abby cam niya. "Mapicturan nga! Ang cute nila! Picture perfect!" "Abby! Wag ka ngang pasaway." Kinuha ko yung cam niya. "Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kay Shaina?" "Ano?" "Pinapahirapan niyo lang ang isa't isa e." "E sila na ni Francis!" "E di paghiwalayin." "Baliw." "Yun naman ang gusto mo di ba?" "Oo.. Pero gusto ko si Shaina ang makipaghiwalay ng kusa.." "Wow. Mapride." "Ewan ko sayo." Biglang napasandal naman sakin si Shaina. "Yes. Pinakahihintay..!!" "BALIW.." Nasabi ko lang habang tinitingnan ko lang si Shaina. Ang tagal na rin bago ko ulit nakita ng malapitan yung mukha niya.. Ang ganda niya pa rin.. Gusto ko sana yakapin at halikan siya pero hindi pwede.. "Uyyy..." nang asar nanaman. "Wag ka ngang makulit Abby-!!" Gumalawa yung mata niya. Magigising siya! Tinulak ko siya kay Francis. "A-Aray.." Nagising na nga. "Ano ba yun?" "Wala yun." Sagot ni Abby. Hay. Muntikan na. --..--..--..--.. [b]SHAINA'S POV:[/b] Wow. Ang laki naman ng townhouse nila sa Tagaytay! Bumaba na kami nung sasakyan tapos nalagay na rin yung gamit sa kuwarto. Magkasama kami ni Abby sa iisang kwarto tapos i Francis at Kevin. Si tita Kris may sariling kuwarto. Nakaupo ako sa kama habang inaayos ko yung damit ko pati si Abby. "Ang ganda dito no." "Oo nga e." "Gusto ko ganito yung bahay namin ni Kevin pag nag asawa kami." ARAY. ANG SAKIT. Tagos sa puso ko.. Pero siyempre tinuon ko yung atensyon ko sa ginagawa ko. "Ah.. Sana nga.." "Ang swerte ko siguro kung magiging asawa ko siya.." OUCH. "Tapos madami kaming anak," ANOTHER OUCH. Please stop.. Stop na.. Ang sakit sakit na at iiyak na ako for sure.. "G-Ganun ba..?" "Are you okay?" "H-Ha?" "Namumutla ka ajh. May nasabi ba akong mali..?" "W-Wala! Wala! - Ah, punta muna ako restroom ha!" Tumayo ako tapos tumakbo palabas. Ang sakit sakit sa dibdib ko.. Ang sakit sakit.. Di ko masabi kay Abby na nasasaktan ako dahil for sure, magtataka siya kung bakit.. Pero ang sakit na sobra.. I need to go to the restroom. I need to cry.. Ayan na! Binuksan ko yung pintuan pero pagbukas ko, si Kevin nandun sa loob at naka bathrobe na lang! "AHH!!!" Sigaw niya. Napasigaw din ako. "AHH!!!" Ano ba yan!! Ang palpak ko talaga!! [b]Nakalaan ba talagang pumalpak ako ng ilang ulit nagyong araw na to?!![/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:03

[ 12 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy