2008-10-30 19:54:20

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

[align=center][i]Butterfly kisses[/i][/align] [align=center] by: gossipgirl003[/align] [img]http://i288.photobucket.com/albums/ll179/onigiri_dice/anime_lovers.jpg[/img] Every single thing was perfec

[quote]aprilcutie09: Thanks pu. =] princesa30: pareho sila?? Hehe. alemracloveyajr: Hi. Tanya po. =] eto na po yung next chappie.[/quote] `Chapter two.. "Kath!! Gising na!!" Ano ba yan?! Natutulog pa ako eh!! Kainis!! "Ano?! Bukas pa ang first day ng klase! Bakit ka ba nambubulabog?!" "Maghanda ka na ng almusal!" "7 pa lang! 8"30 pa ang gising ko! Umalis ka nga sa kwarto ko!!" "Ayoko! Bumangon ka na!" Hinatak niya yung braso ko. "Ano ba?! Maghanda ka ng almusal mo!" "Hindi!! Bumangon ka!!" --..--..--..--.. Nilapag ko sa lamesa yung fried eggs and hotdogs. "Ayan! Kumain ka! Matutulog na ako!" "Sandali nga. Umupo ka." "Ayoko." Nakakaasar! "Umupo ka sabi." "Bakit ba?!" Umupo ako sa upuan. "Ano?!" "Bukas, ayokong magkasabay tayo sa pag-alis, okay? Mauuna ako. Baka may makakita satin." "And so?" "Manahimik ka." "Ayokong ma chismis pa ako sa isang gaya mo." YABANG. "Bahala ka. Susunduin naman ako ni Kyle e." Mukhang nagtataka siya. "Who's Kyle?" "Best friend ko. Baket?" "Wala. Nagtatanong lang. By the way, wag mong sasabihin kahit na kanino na nakatira tayo sa iisang bubong." "Oo na." "Okay, alis ka na." Aba, ang galing. Ganun na lang yun? "Buti naman. Linisin mo yan ha." Aalis na sana ako, kaso.. "Ah, sandali. Tapos na ako kumain, hugasan mo yung mga pinggan." "Ano?! Gumalaw ka naman!!" "Ayoko nga." "Ano ba, Aaron!! Kahit na gwapo ka, hindi ka pwedeng mag hariharian dito kasi bahay namin to!!" Tumayo siya. "Salamat sa pagkain." Tapos umalis. Grr!! Napupuno na ako!! "Isusumbong kita sa mama ko!" Tumigil siya sa paglalakad tapos humarap sakin. "Talaga?" "Oo!" "Paano?" "E-mail!" "May e-mail ba siya?" Shucks. Wala palang e-mail si mama. Di siya marunong gumamit ng pc.. Ngumiti siya. "Ano?" "E di.. E di text! Call! Siyempre tatawag pa rin si mama dito no!" "Ah ganun pala.." Unti-unti siyang lumalapit sakin.. "Hoy.. Anong ginagawa mo..?" Naglalakad ako paatras. Ano bang balak niya?! Umabot na ako sa wall ng dining room.. Naman e.. Nung gagawin ko?! "Wag kang lalapit! Nag Kakarate ako!!" "Talaga? Ako nga marunong ng Judo and Taekwando e." Nge. Anong laban ko?! Inabutan na niya ako. "Don't.. Don't dare.." Lumalapit yung mukha niya!! Shucks!! "A-Anong.. Ginagawa.. Mo..?" "Sa oras na malaman kong nag sumbong ka.. Humanda ka sakin.. Hindi lang halik ang aabutin mo." Tapos tumawa siya at naglakad palayo. "N-Nakakainis ka!! Magsusumbong ako!" "E di magsumbong ka.. Basta binalaan na kita ha. Hahaha!!" Umakyat na siya papuntang kwarto ko na naging kwarto niya. Waaahhh.. Natatakot ako sakanya.. Naman e.. HELP NAMAN!! Ayun, nag hugas ako ng mga pinggan.. Siguro dun muna ako sa room ko.. Umakyat na ako, nadaanan ko yung kwarto ni Aaron. Anong.. May mga posters sa walls, mga damit niya nakakalat.. Mga balat ng chewing gum na sa lapag?! "Anong.. Anong ginawa mo dito Aaron?!" "Nagulo ko ng konti." sabi niya habang tinatanggal yung headphone sa tenga niya. "Hindi naman to ganito kagulo kanina e!" "Kanina yun." Tumayo siya. "Sige, paki ayos na lang." Tapos lumabas siya. "Ano?! Ako.. Ako mag aayos nito?!" "Yah. Thanks," "P-Pero.. AARON!!!" --..--..--..--..--.. Napahiga ako sa kama ko. Nakakapagod naman.. Naman kasi e. Parang di na namin to bahay.. Buwisit na Aaron yan.. Ipapakulam ko siya e. Paano na ang mga plans ko? Ang plano ko sa lovelife ko.. Sa school.. Naman e!! [b]It was all ruined by this guy!![/b]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 11:22

[ 12 queries - 0.020 second ]
Privacy Policy