[quote]^ Hehe. Wak niyo patayin, ala na tayong leading man niyan!
Hehe. Don't worry, sa umpisa lang aman siya super bad e!
Sorry for the late update. Thanks for the new readers!![/quote]
`Chapter three..
"Gising ka na pala." I said while I'm preparing our breakfast. Happy ako ngayon kasi first day of class. Siguro naman di siya mang aasar.
"Oo. Di mo ba nakikita? Naglalakad ako. E di gising na ako." sabi niya tapos umupo.
Pasensya, Kath. Pasensya.
"Buti naman at nagising ka nang maaga." sabi niya.
"Oo.. Naghanda na ako ng breakfast.." Tapos ngumiti ako. Natawa siya.
"Anong ngiti yan? Pamatay ah. Pamatay ng daga." Nakakairita!!
"Ano ka ba?! Ang ganda ganda ng bati ko sayo ganyan ka!"
"Tao ako. Ala akong paki. Basta kumain ka na diyan." tapos kumain na siya.
Nakakainis! Kung pwede ko lang lagyan ng lason yung pagkain niya e!
--..--..--..
"Alis na ako." sabi niya,
"Oo na. Darating nanaman si Kyle e." sabi ko na lang.
Umalis na siya tapos dumating na si Kyle dala yung bike niya.
"Tara na Kath." Umangkas ako sa likod niya.
"Let's go!" Pinaandar na ni Kyle yung bike. Nilagpasan namin si Aaron. Nakatingin lang siya. Tiningnan ko lang din siya.
--..--..--..--..
"Wohoo! Sarap pumasok ulit sa school!" Umupo ako sa aking original seat, beside the window. Umupo si Kyle sa tabi ko.
"Saya naman! Mag kaklase pa rin tayo!"
"Oo nga e." sagot lang niya.
Pumasok na si Aaron.
"Aaron-"
Tinitigan niya ako. Oops. Nakalimutan ko!
Ano ba yan.. Classmate ko nanaman siya. May napansin akong babae sa harap ko. Tinapik ko balikat niya. Lumingon siya. Wow, ang cute niya ha.
"Hello."
"H-Hi." Wow, shy.
"I'm Katrina Sandoval.. How about you?"
"I'm.. I'm Lea Mendoza.."
"He's Kyle Ramos." Tinuro ko si Kyle. Ngumiti lang si Kyle.
"Ah.."
"You can call me Kath. Friends?" Tumango siya. Mukhang mabait siya ah.
Hmm.. Napansin ko yung mga girls na lumalapit kay Aaron. Aba, may fans palang talaga ang lalaking yun ah. Makasilip nga.
Sinilip ko ng konti yung nangyayari.
"Okay lang ako." sagot ni Mr. Bad.
"May girlfriend ka na?" tanong nung isa.
"Wala pa." Sagot niya.
Tsk. Tsk. Tsk. Meron na yan! Yang itsura niyan e!
"Hoy, Kath." Napansin ako ni Kyle.
"Ah.. Ngee!"
"Bakit ka nasilip dun? Don't tell me.."
"Of course not! No way!"
"Easy.. Ala pa nga akong sinasabi e."
--..--..--..--..--..
Break time. Wala akong magawa kaya nag skip lang ako sa hallway.
"La, la, la, la- Whoa!" May humatak sakin!
"Aaron!"
"Ikaw, wag mong subukang kausapin ako dito sa school ha?"
"Bakit naman?"
"Ayokong isipin nilang konektado ako sayo! Understood?"
"Oo na."
Ang yabang. As if namang gustong isipin nilang konektado ako sayo! Asa ka pa!
--..--..--..
"Dito na ako!" Pumasok na ako. But it seems no one's home. Yehey!! Solo ko ang bahay!!
Umupo ako sa couch then someone texted me. Unknown number huh.
[quote]Kath, wg mu na aq hntyn.[/quote]
Sino to?!
[quote]Hu u?[/quote]
Nag repz.
[quote]Tanga! Sino pa bang mag sasabing wag mo nang hintayin? Gamtn ang utak.[/quote]
Nge. Narealize ko na. Finally. It was Aaron.
--..--..--..--..
Tapos na ako kumain. Naku, sobra sobra yung naluto ko. Hindi ko na nga lang itatago. Baka magalit si Aaron. Pag uwi niya walang pagkain lagot ako.
Tumayo ako at nanuod ng tv.
[b]AARON'S POV:[/b]
Kapagod sa trabaho hay nako.
Pumasok na ako sa bahay. Nge. Bukas ang tv.. Nakita ko si Katrina tulog.
"Sabi ko naman sayo wag mo na akong hintayin di ba..?"
Napatingin ako sa dining room.
Naghanda pa ng dinner. Pasaway talaga. Pinatay ko yung tv tapos binuhat ko na siya.
Umakyat na ako pataas ng kwarto. Aba, cute pala sa malapitan ang babaeng to ah.
Nilapag ko na siya sa kama niya. Kinumutan ko pa.
"Sige, tulog ka na. Good night. Kakainin ko na lang yung food.."
--..--..--..--..--..--
[b]KATH'S POV:[/b]
"Hmm??"
I looked at the clock.
"WAAAHHH!!! Yung breakfast!!" Tumayo ako sa kama at bumaba na. Pero..
"Gising ka na pala."
"A-Aaron.."
"Upo na. Di na kita ginising kasi sarap ng tulog mo e."
"Pero-"
"Upo ka na lang." Umupo na lang ako.
Wow. Nag prepare ng breakfast! Himala!
"Sabi ko kasi sayo wag mo na akong hintayin e."
"E.. Nanuod ako tapos nakatulog e.."
"Asus."
Nilapag niya yung breakfast namin.
Matikman nga.
"Sarap ah."
"Tsk. Salamat."
Umupo na rin siya at kumain.
"San ka pala pumunta kagabi?"
"Wala ka na dun."
"Bakit naman?"
"Kasi wala ka naman sa buhay ko. Wag ka nang makielam."
ANG SUNGET! Kala ko pa naman okay siya! Di naman pala!!
Tumayo na siya at umakyat sa kwarto niya.
"Who told you, you mean anything to me you stupid demon?!" I screamed. I hope di niya narinig.
[b]
Kainis!! Masasapak ko na siya e![/b]