Woah. I still got no idea how to end this story of mine. I really hate this. Hahaha. But anyway, I'll try my best to give a good ending.
[hr]
Iyak ako ng iyak sa bahay pag-uwi ko. Mom didn't ask kung anong nangyari, I guess alam niya na rin. And gosh, I don't know what's the freaking reason bakit ako iyak ng iyak. Diba nga sabi ko mahal ko si Jhai? Mahal ko siya, pero bakit ako iyak ng iyak dito? [b]Mahal ko si Jhai.[/b] Hindi ko na mahal si Kai. Si Jhai na. Si Jhai.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung pagkikitang iyon. Hindi na siya ulit nagparamdam saken. I bet bumalik na yun ng States. Mas okay nga eh, back to dati naman ang buhay ko. Grrr... [b]ba't pa kasi bumalik?[/b]
"Gooossshhhh! Diceeeyyyy..." sigaw ni Jena ng papunta ako ng field. Yeah field. Nawala nga si Kai pero ang pagmamahal ko sa soccer, naiwan parin.
"Bakit?"
"Waaahhhhhhh!! Ang gwapo-gwapo ng assistant coach natiiiin ngayooooon!"
"Assistant coach? Si Sir Ed? Duh. Tanda na kaya nun Jena." Sabi ko at nilagay ang bag ko sa bleachers.
"Lokaret ka talaga! Hindi si Sir Ed. Pamangkin ni Sir Ed. Waahhh! Nakakalaglag panty talaga sis!" tili siya ng tili, mukha na siyang ewan.
"Owwss? Saan?"
"Ayunnn!! Yung nagsisipa-sipa ng bola!"
"Saan diyan? Dami kayang nagsisipa ng bola diyan!"
"Yung pinakaHot. Lokaret." Sabi niya saken at dang. Ayun nga.
Huuuuuuwaaaaait. Si anoo.. si anooo... si Kai?!
"K-kai?"
"Malandi ka! Ba't mo na kaagad kilala?"
"I mean.." Teka, palusot ang kelangan ko ngayon. "Diba nanalo sila noon?"
"Nanalo sa alin?" Nanlilisik na ang mga mata ni Jena.
"Dati, nung highschool ako, naibalita na napanalo ng team nila ang interschool soccer game."
"Wui, talaga?!"
"Oo!" Sabi ko at ngumiti.
"Woooww. Ang galing naman. Ang gwapo na nga ang galing pa. Akin na iyan huh. Wag nang epal at mang-aagaw." Sabi ni Jena at naglakad papunta sa girl's room.
Nakatulala parin ako kay Kai na nandun sa gitna ng field. Dang. Bakit ganito? Parang naalala ko lang ang kabataan naming dalawa. This is how I was nung hindi pa kami close, nakatingin sa malayo wishing that he'll be mine. Naging akin nga siya, sandali lang naman. And ngayon... nakatingin na naman ako sa malayo.. [i][b]wishing... he's mine?[/b][/i]
Nahhh. I shook my head. Hindi. I have someone already. I shook my head again and sat down with the girls.
I looked at him again and this time, he caugt my eyes. He looked at me for around 7 seconds bago niya inalis ang pagkakatingin niya saken. And it felt like may magnet sa mga mata naming dalawa.. I didn't turn away. Crap.
"OMG. Did you just see that?! Fafa Kai looked at me. Nag-eye contact kaming dalawa." Napatawa naman yung lahat sa sinabi ni Jena. Aiiisssh.
Pagkatapos ng practice ng guys, pinatawag kami ni Coach Joel.
"Let's call this a day. But before you go home, may ipapakilala ako sa inyo."
Di na kami nagtaka dahil pinakilala na samin ni Jena. Si Jena naman clap ng clap sa likod.
"Sir Ed went for a vacation muna. And since walang pasok ang pamangkin niya sa States, Siya na muna ang papalit at magtuturo sa girls ng soccer for the interschool women's game." Sabi ni coach. Arrggggggg, Whhhyyyyyy?
"Everyone.. please welcome Kai Monteverde." We just clapped. He smiled. He looked at me and smiled. Kinilig naman si Jena. Awww..
Nung lumabas na ng field, Jhai was outside waiting for me. Bago ako lumabas, I looked back and Jena was with Kai na. Landeee. Grrrr..
"Dice! Wait for us." She shouted. "I want you to meet Kai." Kai smiled. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
"Dont bother, magka-"
"Nice meeting you Kai." I smiled and held out my hand. Tamang-tama, dumating rin naman kaagad si Jhai. God.. if you can only see Kai's eyes right now. Sobrang napahiya siya at nagtataka. "Nga pala, this is Jhai, my boyfriend. Jhai, Kai, new assistant coach, pamangkin ni Si Eds." Sabi ko at ngumiti. Jhai held out his hand for Kai. Kai acted civil naman. Shoot. Grabe ang tension.
"Sige, una na kami." I said and smiled. Kinuha naman ni Jhai yung bag ko.
"Sige pare, una na kami. Jena? Ingat ha?"
I looked at Kai before getting inside the car. He was still confused and hurt. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon.
The next few weeks were a torture. Mukhang galit na galit siya saken sa ginawa ko sa kanya.
"Come on, Hernandez! You can do better than that!" He shouted. Pinagpush-up ba naman ako sa mainit na ground?! Nakakainis talaga to. "I said COUNT!"
"56, 57, 58, 59, 60!"
"Louder!"
"61, 62, 63, 64, 65..." And so on. Naman... nakakainis talaga.
"Do your work kung ayaw mong maalis sa team!" He said at tumakbo dun sa ibang mga babae na nagsisipa-sipa ng bola. Makatawa ka, akala mo kung sino ka ah! Humanda ka kapag bumalik si Sir Eds. Kakatayin talaga kita.
"Tama na iyan! Balik na dito!" Sabi niya saken at tumayo naman ako. Iinom pa sana ako ng sumigaw na naman siya na pumunta na daw ako dun. Grrrrrrr...
Basang-basa na ako ng pawis. Lanya ka Kai. Isa kang gwapong demonyo!
Nang pauwi na, nahuli ako sa grupo dahil nga tinotorture ako ni EX. Walanjo naman oh. Nung palabas na ako ng girl's room, nakita ko siyang nakasandal sa pader sa labas ng girl's room. Napatingin ako sandali sa kanya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya saken.
"Papatayin mo na ba talaga ako?" Sabi ko sa kanya ng nanlilisik ang mga mata.
"Nga pala, Kai Monteverde." Sabi niya sakin and he held out his hand. Napatingin lang ako sa kamay niya na naghihintay na ishake ko din. "Nice meeting you." He smiled. I just looked at him. "Just be prepared, mas magiging mahirap ang practice para sa IYO." He smirked and went away.
That smirk. That smirk. I hate that smirk. I hate it. Grrrr. Torture na nga talaga ito!
At oo, super torture nga. Sobra. Kung ang mga team mates ko ang sarap ng laro dun sa field, ako naman eh nagpupush-up or tumatakbo sa track. Waahh. Unfair masyado. Nireklamo ko na kay Coach, pero sabi ni Coach, makakatulong daw ito saken. Waaaaaaahhh! Bakiiiiittttttt?! Ang sama-sama nitong si Kai.
"Ayos ba?" He smirked habang sinasabayan ako sa pagtakbo sa track.
"Lumayo ka nga." Sabi ko sa kanya. Kainisss...
"Ang cute mo pag naiinis ka.." Sabi niya and smiled again.
"Bumalik ka dun kay Jena mo."
"Ay, oo. Si Jena... she's really pretty. Parang si Alexa lang noon. Pretty and charming. Di tulad ng iba, suplada at pikon." Sabi niya ulit at tumawa.
[b]BOILING POINT: 98%. Isa pa.[/b]
Tumahimik lang ako at patuloy sa pagtakbo.
"Pauuwiin ko na sila, takbo ka lang muna diyan. Babalikan kita." Sabi niya at tumakbo papuntang field ulit.
[b]BOILING POINT: 99%.[/b]
I stopped for a little while at tama namang bumalik siya.
"Sino nagsabi sa iyo na pwede kang umupo?" He said.
[i][b]Suplado.[/b][/i]
"Pagod na ako. Kanina pa ako takbo ng takbo dito. Ano ba? Are you getting back at me? Kasi kung ganun, this is really unfair already." I said trying to catch my breath.
"Why would I get back at you?" He looked at me smirking.
"Why? Kasi.. kasii.. kasi I pretended na hindi kita kilala.. kasi-"
Nagkibit-balikat siya.
"Actually, that was just fine with me." He smiled but I can still see through his eyes that he's hurt.
"No your're-"
"Kai, uwi na tayo!" Sigaw ni Jena. Bigla akong napatahimik at bigla naman siyang napalingon kay Jena. He smiled.
"Sige, una na ako. Ingat nalang diyan. Nga pala, wag kang tumigil hanggang nakakaabot ka ng 120 rounds. Ika ilang rounds ka na?"
O_O
"120 rounds?! Are you kidding me?! Maoospital ako nito."
"Don't worry, if ever na maoospital ka, I'll be there to take care of you." He smirked again and ran away. "Nga pala, babalikan kita to check up on you!" He said and waved away.
"Uunahin mo pa si Jena?" I whispered to myself.
Crap! Syempre, sino ka ba para unahin niya? At sa sobrang inis ko, tumakbo nalang ulit ako ng tumakbo hanggang nakaabot ako ng 120 rounds. Dapat ganitong oras nakauwi na ako, pero ewan ko ba at umupo lang ako dun sa gitna ng field. Parang hinihintay ko siyang bumalik na parang.. aish.. nakakainis.
[b]10:25 pm.[/b]
Nakatingin lang ako sa langit habang nakahiga sa gitna ng field. Di man lang ako tinatawagan ni Jhai. Si Mama kanina pa tawag ng tawag pero ayokong sagutin. Anong klaseng boyfriend iyan? Dati si Kai, kapag ginagabi ako ng uwi, tawag na ng tawag. Kung di man tumatawag, sinusundo ako kung saang iskinita man ang bahay ng kaklase ko, umulan man o umaraw. Teka, ba't ko sila kinokompara? Iba si Kai kay Jhai. Tsss.
"Sabi ko pag tapos ka na, umuwi ka na." Biglang nawala ang mga bituin sa mata ko at napalitan iyon ng nag-aalalang mukha ni Kai. "Tigas ng ulo mo."
"Ba't ka bumalik?"
"Sabi ko diba babalik ako to check up on you?" He smiled. "Ba't ka pa nandito?" He sat down on my right side.
"Dahil.. dahil ayoko pang umuwi."
"Hindi ka ba sinundo ng boyfriend mo? Dapat nag-aalala na iyon ngayon."
"Busy siya." Sabi ko at napatayo. "Uuwi na ako." He also stood up and held my right hand. He put his fingers at mine tightly.
[quote][u][b]Playing: Sa Kanya by MYMP[/b][/u][/quote]
"It still fits." He said and looked at it. I tried to get my hand out of his but I can't. He then pulled me closer. That look. That same look.. how I missed that look. [b]It's the same look before he kissed me noong highschool. [/b]
[i]And his face kept getting closer.[/i]
[i]Crap. Back off Dice. He's going to kiss you[/i], my brain said. Pero hindi ako gumalaw. Instead, I closed my eyes and waited for his lips to met mine. Crap. My tears started to fall.
[b]And we kissed.[/b]
And God knows how I missed those lips. How I missed that kiss. How I missed him.. [i][b]How I still love him.[/b][/i]
[i]Crap. Mahal mo si Jhai.[/i]
And I pushed him away. I looked at him horribly and ran. And the rain fell again.
I called Jhai to fetch me up at the school gate. Dumating naman siya. And all those time of ride, I was thinking of Kai. His kiss, his lips and how my heart ache for him again. I was wet. Drenchly wet. And before I went down from the car, I looked at Jhai.
Si Jhai na nasa tabi ko simula noon. Si Jhai na walang alam kung anong nangyari sa buhay ko pero pinili paring mahalin ako. Si Jhai..
"Kiss me."
He suddenly looked at me.
"Huh?"
"Kiss me." I said habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "Jhai, halikan mo ko."
And he did. We kissed. We kissed hardly. Pero bakit hindi ko naramdaman ang tamis sa mga halik niya? Bakit hindi ko naramdaman sa puso ko na gusto ko pa? Bakit hindi ko narinig ang tibok ng aming mga puso? Bakit hindi ko narinig ang kabog ng aking dibdib? Bakit parang wala lang akong naramdaman?
[b]I looked at Jhai unbelieving. [/b]
"I'm sorry." Sabi ko at lumabas ng kotse. He looked at me sadly.
"It's alright with me.." Lumingon ako sa kanya. "Alam kong mahal mo parin siya. At ayos lang sakin kung gusto mong balikan siya."
"Jhai.."
"Ayos lang Diane." He said and smiled softly.
My tears started to fall...and I hugged him.
"Salamat." I whispered at his ear. He smiled and drove off.
Pagkabukas, maaga pa akong pumunta sa school for the practice pero wala pa si Kai. And I saw a letter at my locker.
[i][quote]Same place. I'll wait for you..
Huli na to. Kaya sana, pumunta ka.
--Kai[/quote]
[/i]
Same place? Same place? Soccer field. Dating school. My tears fell again and nagmadali akong pumunta dun.
"Oh, sa susunod pa na buwan reunion niyo ah?" Sabi ni Manong Guard sa dati kong school.
Ngumiti lang ako at tumakbo papuntang soccer field.
I saw him standing at the center of the field while his hands are on his pockets.
"Kai!" I shouted. Lumingon naman siya and my heart ached again at the sadness of his face.
"Thank God you came." He said and smiled.
I was still catching my breath and we were standing at the middle of the soccer field... just the two of us. And the dark clouds covered the hot sun.
May kinuha siya sa pocket niya and held it at his hand.
"I want to give this back to you. This is actually yours." He said and kinuha niya ang kamay ko para ilagay ang necklace dun. I held it tightly. "Honestly, umuwi ako dito para makita ka. God knows how happy I am to see you again. I told my dad na kukunin ko lang ang puso ko galing sa iyo. But I guess hindi na. Iiwan ko na iyan sa iyo." Yumuko siya and I knew then na umiiyak na si Kai. Huminga siya ng malalim. "I'm going back to the States. I hope you'll be happy with him." He smiled.
At hindi ko alam kung anong ginawa ko, basta the last thing I remembered, we kissed... again.
And it felt oh so right - kissing [b]under the rain.[/b]
[hr]
"Should we marry each other under the rain? After all, dun naman nagsimula ang lahat eh." I said smiling. He just kissed me.
"Anywhere. Pakakasalan kita." He said while smirking.
I smiled and bit my lip.
"Really?"
"Yeah." He hugged me again and I kissed him.
[hr]
"Daddy o, mommy won't let me play under the rain."
I guess alam niyo na kung anong nangyari.
This is how I end the story. Alam kong marami pa ang mangyayari saming dalawa. But we know na makakaya namin to. Our love for each other and with the grace of the Lord, we will live together till God knows when. And yes, we are going to love each other hanggang sa magkaroon na kami ng arthritis at presbyopia.
[align=center][b]THE END[/b][/align]
[hr]
[quote=AUTHOR'S NOTE]Sa lahat ng taong sumuporta sa storyang ito, old and new, maraming salamat. You were the ones who kept me writing and updating this story. Your comments made me write more and inspired me to give you the best chapters that I can make. Thank you so much. Alam kong may mga time na naiwan sa ere ang storyang to, but you were still there giving comments and replies na sana ituloy at tapusin. Maraming salamat. And I hope, if ever na magkaroon ako ng isa pang story dito sa FTALK, sana patuloy kayong sumuporta. Thank you so much.
But above all, [b]TO GOD BE THE GLORY.[/b]
I won't be able to finish this one if not for our Lord Jesus Christ giving me wisdom and knowledge. I'm bringing Him back the glory and honor.
[/quote]
Last edited by *kim-a-holic (2008-03-22 09:32:05)