[i]I don't like her, so stop it.[/i]
Nabigla ako sa narinig ko. Woah, great Diane. You just heard what you really wanna hear. Now alam mo na he's just playing games with you.
Ngayon alam mo na hindi naman talaga pala siya perpekto - hindi siya yung lalaking inaasahan mong maging siya. Pakiramdam ko, bubuhos yung mga luha sa mata ko. I ran as fast as I could palayo sa lugar na yun. I heard enough - enough to make me say he's a liar.
Dumiretso ako sa classroom at umupo na kaagad sa desk ko. Sobrang pagpipigil na talaga yung ginagawa ko para di tumulo yung mga luha. Bakit ayokong umiyak? Andito ako sa room - i don't want the whole class to see that Diane is crying. I don't wanna look vulnerable. At kapag umiyak ako, tatanungin ako nila, bakit ako umiiyak. Ano isasagot ko? Dahil nalaman kong hindi ako gusto ni Francis Kai Monteverde? Na nang narinig ko yun, pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa? Great. Pinikit ko nalang ang mata ko para di nila mahalata ang mga luhang namumuo sa mata ko.
"Hoy Dice, ano problema mo?" bulong saken ng seatmate ko na si Harold.
"W-wala naman..
bakit?" I forced a smile.
"Ang pula ng mata mo.. masakit ba?"
Bigla naman akong nataranta. Masakit?
Oo masakit. Sobra. Pero bigla nalang akong napaisip, ano nga ba tinatanong nito? Masakit ang marinig yun o masakit lang ang mata ko?
"M-masakit ang?"
"Ang mata mo.."
"Ah.. di naman masyado.. Napuwing lang ako kanina.."
"Ahh, sige.. Ingat-ingat nalang.." sabi niya at nagsimula na namang magdrawing.
Tiningnan ko lang si Harold. Buti pa siya, walang iniisip na kung ano-ano. Pag nakahawak siya ng ballpen at papel, tama na. Masaya na ang mundo niya kasama yung mga bagay na yun.
Then napangiti ako sa sarili ko.
Ang tanga mo kase Diane. Ang tanga-tanga mo. Akala mo siguro mamahalin ka nang isang Kai Monteverde ano? Hindi na yun mangyayari. Isipin mo nalang yung nangyari kahapon, panaginip lang. Isang magandang panaginip. And the best part was - kaw ang bida. Kaya makuntento ka na dapat.
Tumingin ako sa labas dun sa alley. Tinitingnan ko kung maraming tao yung tumatambay. Pupunta sana ako ng cr para icheck yung mata ko. I saw Alexa crying. Nabigla ako since dapat masaya siya. Dapat ako yung todong umiiyak ngayon. WTH - ano ginawa ni Kai?!
Tatakbo na sana ako sa kanya when our professor entered the room. Nagsign siya na maupo na yung lahat. Alexa sat at her own desk 3 seats away from me. Ako naman, nagwoworry kung bakit siya umiyak. Kahit yung mga classmates ko nagbubulong-bulungan na sa likod. They even passed me notes kung bakit daw umiiyak ang bestie ko. I just answered them - mind your own business.
Napaisip na lang ako, what could be probably the reason why she cried.
"Diane!" muntik na akong mapatalon when i heard a loud tap at my desk. Gosh, it's Mr. Santillan. "As I was saying, the body is present but the mind is absent. Now class, who do you think will be the best example?"
I looked at the class and they're all looking at me, then they shouted, Diane!
Wow, great. Thanks. I stood up and smiled.
"Wow, thank you classmates. Thank you fans! keep supporting.." I said and glared at Mr. Santillan then flashed a sweet smile.
Haha, kung nakita niyo lang yung reaction niya nung naghiyawan ang mga classmates ko at umupo ako - matatawa ka. I hate this man - kaya naman bad girl ako pag nasa class niya ako. Lagi nalang ako ang nakikita.
Makikinig na sana ako when I saw Alex stared at me. That look - is a familiar one.
Pagkatapos ng class, pumunta ako sa upuan niya and kneeled down since she's sitting. I held her hand and asked.
"Why did you cry? Are you alryt?"
I asked.
Walang response, she just cried.
"Aleck.. what's wrong? Hoy.." nininerbiyos na talaga ako. "Aleck? Ano ba? What's wrong?"
She wiped her tears and faced me.
"Do you really know what's wrong?!"
she shouted.
Gosh, easy lang. Lahat ng classmates ko napalingon samin.
"Y-yeah."
"Ikaw! Ikaw ang problema!"
she cried again.
"A-ako?" :
"Oo, ikaw! He likes you... he likes you a lot.."
"Sino?"
"Wag ka nang mag-maangmaangan na hindi mo alam kung sino yung tinutukoy ko! I thought you're my bestfriend.."
Okay, nawiwindang utak ko. Hindi naman pwedeng si Kai yun since kakarinig ko lang na hindi niya ako gusto. Diba? A-agree kayo diba?
Lahat na ng classmates ko nakatingin samin. Yung iba nagsimula nang magbulungan. Pati yung studyante ng ibang sections, nakichismis narin.
"H-hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Alex.."
"You see?" humarap siya sa mga tao. "My bestfriend, is a traitor. My bestfriend.. loves my boyfriend.. and my bestfriend.. snatched him away from me!"
Nabigla ako sa sinabi niya. How could.. how could she do that? Alam nating lahat na hindi ko siya inagaw sa kanya. Alam nating lahat na pinigilan ko ang sarili ko para maging masaya sila diba? Pero.. pero bakit ganito?
"No.. I didn't. H-hindi ko siya inagaw sa iyo.. hindi kita tinraydor.. Alexa.."
My tears started to flow from my eyes. I looked at her in shock - hindi ko yun ginawa.
"I hate you.." she said while crying. Umangat yung kamay niya at napapikit nalang ako. I don't deserve this.. pero para sa kanya - sige, if that'll make her feel alright.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Then I saw Kyla. She was holding alexa's hand.
"You don't have any right to slap her." Kyla said.
Alexa looked at her na parang kinamumuhian narin nito si Kyla.
"Kyla.."
"Remember that - hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng kaibigan mo para sa iyo."
"You don't even know what's the story.." Alexa said.
"Yes I do. Mas alam ko pa kung anong nangyayari kesa sa iyo."
"Kyla, just leave-"
"If you want, we can talk with Kai himself."
"Shut up!"
"No, you shut up Alexa.
[i]...coz you don't have any right to make a noise about this topic."[/i]