A LONG UPDATE. BAKA HANGGANG FEBRUARY NA ITO. HAHA. NAG-ADVANCE NA ANG STORY SA MONTH OF LOVE EH.
_______________________________________________________________________________
Napatigil ako at napatingin sa kanya. Ngumiti lang naman siya and I was like, oookkaay? Totohanan na ba talaga ito?
"I mean.."
"I exactly know what you mean." I smiled and napahinga ng malalim.
Tumawa nalang kaagad kami. XD Nakakahiya na to pero kilig to the bones. Eto na talaga yung mga kabayaran sa mga pasakit saken noon. Haha.
After nun, wala paring imik si Kai about sa Valentine's day. As in parang wala lang talaga sa kanya. Pinapabayaan ko nalang kasi I'm also busy looking for a gift para sa kanya.
And right now, I'm in the mall with Beulah and Mechelle. May bibilihin daw kasing bagay si Mechelle for her boyfriend and si Beulah naman, she's just tagging along with me. ^____^ Pero dahil nga andito narin lang ako sa mall, maghahanap-hanap narin ako ng pwedeng maibigay kay Kai ko. <3
Then ayun nga, mga tatlong oras na kaming naglilibot-libot dun sa SM, wala parin akong nakikita. Then pumasok ako sa Toy Kingdom. Wala lang, feel ko lang na pumasok. Wag nang umepal.
Tapos mga 15 minutes more na paglilibot dun and finally!
Eto na lang nga talaga siguro. Di naman cheap, tsaka parang may sentimental "meaning" talaga for me and for him. Diba? XD Kung ano ito, surprise nalang. Bleh.
"O, nakakita ka na ba?" tanong sakin ni Beulah.
"Yeeah, meron na."
"Patingin nga."
"Hindi, sa susunod nalang." Sabi ko at tinago sa bag ko yung binili ko for him.
"Sus, ang daya nito." Sabi kaagad ni Mechelle.
_______________________________________________________________________________
[b]And finally... Valentine's day. Friday - February 14, 2008.[/b]
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Parang excited ako na parang nahihiya na parang wala lang. I mean, excited kasi nga Valentine's Day, parang eto palang yung Valentine's na may silbi for me. Nahihiya kasi may ibibigay ako sa kanya, and bakit parang ako lang yung namumroblema sa araw na to para sa kanya? And third, parang wala lang -- pinipilit ang sariling iconvince na wala lang etong araw na to. Like, okay lang kung may mangyari, okay lang din kung wala. Parang ganun. Getchie getch?
So ayun nga, I woke up early in the morning -- I don't even know why. Ayun, naligo and may napansin ako kaninang umaga. I applied powder to my face and tint to my cheeks and some lipgloss at my lips. Those are things na di ko ginagawa before. Siguro, iba talaga pag inlove. BLOOMING daw ika nga.
"Happy Valentine's anak." Sabi ni Mama saken.
"Likewise." I smiled sweetly.
"Wait - do I see powder, tint and a gloss at your face?"
"Yeah." Napatawa naman siya saken. "What? I'm a junior highschool. Buti nga, eto lang nilalagay ko. Eh yung iba diyan may mga liquid eyeliner pa at-"
"Yeah I know. Iba nga naman talaga pag may pinapagandahan." She said and laughed.
Tse. Eh ano naman ngayon kung meron nga? O_______O Nung dumating ako sa school, aba, ang mga kaklase kong girls kanya-kanyang dala ng mga bulaklak, siguro galing sa mga boyfriends nila. Aba, mga sosyal. Eh ako kaya?
"Diiiicceee! Look o, I received a flower." Sabi ni Beulah saken.
"Waw! Teka, kelan ka pa nagkaroon ng boyfriend?" I asked in surprise.
"Loka! Bakit, ang mga may boyfriend lang ba ang may karapatang makatanggap ng flowers?" Aba, at nagtaray.
"Hindi. Wala naman akong sinabing ganun ah. So you mean, it's from "someone"? I teased her. "Uuuuyyyy."
"It's not from "someone". It's from "stalker". Hahaha!" Tumawa naman si Alexa sa likod namen and napangiti ako sa kanya. "I received something din. Here o."
Wooooowww! Ang ganda ng flowers na binigay sa kanya. Ano ba to, ang aga-aga pa lang, sandamak na ang binibigyan ng flowers. Tapos ako, wala. Ang weird ata ah. Siguro di lang talaga ganun ka "corny" si Kai. Siguro, di niya gusto itong mga bulaklak effect nato.
"From sino naman yan?" I asked excitedly.
Lumapit si Alexa samen ni Beulah and whispered some name.
"Gilvard." She said and smiled.
Omo, Gilvard from Lasalle? As in from Lasalle na si Gilvard? As in yung Captain ng basketball team nila? Omo. Taray ang lola nateeen.
Bigla kaming napatakip ng bunganga ni Beulah --- at napasigaw kaming tatlo sa harapan ng mga lockers namen.
"Waaaaaahhhhh!! Ang sssswwwwweeeeerrrrrteeeee moooooo!!" talon ng talon kaming tatlo dun, mukha kaming mga lelang.
"Eh teka nga pala, ikaw Dice?" tanong saken bigla ni Kyla na nasa gilid namen.
"Ay, hello Kyla. Happy valentine's day." I greeted her.
"Nabigyan ka na ba ni Kai?" Napatahimik kaming tatlo at napatingin sila saken.
"Well, kakarating ko pa lang, so hindi ko pa alam. And okay lang naman kung wala siyang ibibigay eh. It's really alright with me." I said and smiled at them.
Anong okay ka diyan Dice? Kunwari ka pa. Hindi talaga yun okay.
So ayun nga, after ng locker incident, dumiretso na kami sa room and I couldn't find Kai anywhere. Nung recess time naman, wala rin siya -- o di siya sumabay saken kasi usually hinihintay niya ako sa stairs. Tapos nakakainggit pa yung iba kong magagandang classmates kasi nga ang dami-daming gifts na dumadating sa room for them. Yung kay Dinvie, nakakalimang teddy bear na siya, isa sa boyfriend niya, apat sa mga nagkakagusto sa kanya. Si Leah naman, may anim nang boxes of chocolates at puro imported pa yun. Si Alexa, okay na yung bulaklak from Gilvard -- kumbaga sa mga babae dito sa class or rather sa school, kahit wala nang mga chocolates and teddy bear, basta may flower from Gilvard, kumpleto na ang Valentine's. I guess my friend deserves someone like him.
Tapos nung hapon na, pauwi na ako, tinanong ko pa si Kyla kung pumasok si Kai, pero sabi niya hindi. Baka tinamad daw o baka nahihiya kasi walang maibigay saken? Ambabaw naman nun. >.<
Maaga akong umuwi since may mga date yung iba. Eh ako naman, dahil nga absent itong partner ko, dumiretso nalang ako sa bahay. Pero habang naglalakad ako sa gilid ng school namen papunta sa bus station, someone held my hand.
As in. And that someone is [i][b]HIM.[/b][/i] <33
"San ka nanggaling? Don't tell me nagcutting class ka?"
"Hinde ah." He smiled. "Andun lang kaya ako sa room."
"Eh bakit sabi ni Kyla absent ka daw?"
"Haha! Kinuntsaba ko lang yun. Anyway, tara." He held my hand and bumalik kami sa school. Hinila niya ako papunta sa isang lugar na super familiar saken.
[b]SOCCER FIELD.[/b]
We stood there sa entrance ng soccer stadium at napatingin lang ako sa kanya. Actually, 5 pm na ako lumabas ng school, and bumalik kami mga around 5:30 pm so medyo madilim na ng pumasok kami sa stadium. Ang ganda pala dito pag gabi. First time ko kasing nakapasok dito na gabi. I mean, nakikita ko na pinapailaw ang malalaking lights, pero hanggang sa labas lang yun. Never pa talaga akong nakapasok dito.
I looked at him and smiled.
"Soccer field." I whispered habang nakangiti.
"Yeah. Actually, isa ito sa mga pinakapaborito kong lugar." He smiled na parang nahihiya pa.
"Me too." Napasinghap ako ng hangin and I let my bag dropped at the ground. Then tumakbo ako sa gitna. Kinuha niya naman yung bola sa gilid ng entrance and ayun nga, kahit nakauniform ako, we played soccer. It was just all fun.
Then nung medyo napagod na kami, we decided to sit down. I sat beside him and siya naman parang naglean pero ginamit niya yung dalawa niyang kamay to support his body from not falling to the ground.
"You know what, I once started hanging out with a girl from the soccer team because of her best friend." Sabi niya habang nakatingin sa field. Napatingin naman ako sa kanya. "Akala ko, gustong-gusto ko talaga ang kaibigan niya. Pero, everytime na magkasama kami and whenever na nag-uusap kami tungkol sa mga gusto ng kaibigan niya, hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin kung ano ang mga gusto niya." He paused. Napatahimik lang ako. "Sabi niya, wala raw siyang gustong lalaki, meron daw, pero.. imposible namang magkagusto sa kanya. Naisip ko noon, napakatanga ng lalaking yun na di siya magustuhan." Bigla akong napangiti. "Sinubukan kong ireto siya sa mga kaibigan kong lalaki, pero kapag naiisip ko palang na kakausapin siya at skaaling bigyan niya ito ng pansin, parang gusto ko nang basagin ang mukha ng mga lalaking yun." He chuckled softly. "Ang weird no?" He looked at me. "Siguro ganun kita ka gusto or rather.. ganun kita kamahal."
Napatingin ako sa kanya at napayuko.
"Siguro nga." I smiled and looked at him. "Ay nga pala, I have a gift for you." He then smiled and napahalungkat naman ako sa bag ko. "Here." I said and handed him out the gift. "Hindi ko na pala nabalot kasi marami akong ginawa kagabi." I smiled.
He looked at the gift and chuckled. "Tayo ba to?"
"H-huh?"
"Ako ba to? Tapos.. ikaw naman to?"
"You can say that."
"Hahaha!"
"Aiissh. Tawanan ba naman? Ang sama mo."
"No, I really like it." He smiled then looked at me again. "Really." He said in a low serious voice and I super like it when he does that.
Simple lang naman yung binigay ko, keychain. Isang girl and boy. Yung boy may soccer ball sa paa and yung girl naman may umbrella na hawak. So parang ako talaga and siya. Gets?
)
"Nga pala, I also have something for you." Bigla naman akong napatingin sa kanya. Aba talaga?
Suddenly, may binuksan siyang box at napanganga talaga ako. Hindi ito ring. He stood up and pumunta sa likod ko. He put the silver necklace at my neck.
He then smiled again. "Happy valentine's." I looked at him and it's like ito na nga talaga ang hinihingi ko sa Diyos. Bigla namang kumulog and before we knew it, bumagsak ang malakas na ulan.
[b]...and we kissed..[/b]
[i][b] ....under the rain.[/b][/i]