^
^
Hahaha. Thanks sis. :] Here's the new update.
[b]COUZ. [/b]Hahaha. Thanks.It runs in the blood. You're a great composer.
Two more before the ending.
Thanks for reading. I love you all.
________________________________________________________________
Letting go is never easy. But are we letting go of each other already? Or the question is, should I let go of him already? It's been three days since the "fight".
Napaiyak na naman ako. Just the mere thought of not seeing him again makes me cry, makes my heart ache again. Bakit kelangan mangyari samen to? Bakit kelangan niyang pumunta ng LA? Ano ba ang meron dun?! Aish. Naiinis ako. Wag ka ngang umiyak Dice. Para kang ewan. Tsk.
[i]Lord... why do I have to go through this? Bakit ganito? Diba masaya na kami? Dba okay na ang lahat? Pero bakit ganito na naman? The first time he left me was when naging sila ni Alexa. Tapos ngayon... Lord... please naman...[/i]
"Dice.." Si Kyla. "I heard what happened. Was that really true?"
"Classmate ka niya diba? Eh bakit di mo iyan alam?" I answered her sarcastically nung nagkita kami sa school.
She was puzzled by my reaction for a moment. Pero ewan ko ba, it's like I want to apologize sa sinabi ko pero at the same time, ayoko rin kasi pinagmukha akong tanga. Alam na ng lahat... tapos ako na girlfriend niya, walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Hahaha. I won't ask you naman kung alam ko eh." She said laughing.
"Eh diba alam mo lahat?"
I said and went away. Siguro nainis na rin si Kyla saken, kaya naman she grabbed me by my left arm nung palabas na ako ng gate.
"Alam mo anong problema sa iyo? Yang pride mo! Akala ko pa naman palaban ka. Akala ko pa naman mahal mo siya. Edi sana kung ganito lang naman, di na kita tinulungang magdasal noon." She said.
"Oo nga noh! Sana hindi mo nalang ako tinulungang magdasal noon. Kasi aalis rin naman siya. At anong mangyayari saken? Maiiwan dito ng mag-isa til God knows when?! At kapag bumalik siya, super excited ako, may kasama na siyang iba at mas lalo akong mapapasama dahil sa sobrang sakit na mararamdaman ko!"
"Ang kitid ng utak mo Diane! Anong nangyayari sa iyo?! You're not the Dice I once knew. Ibang-iba ka sa dating Dice na iyon. Ang Dice na willing maghintay, ang Dice na hindi takot sa pag-ibig at hindi takot kung iwanan man siya ng taong mahal niya dahil may tiwala siya sa Diyos na He'll lead this man back to her. Sino ka?"
She asked me.
Bigla akong napaiyak.
"Mukha lang akong matapang sa labas Kyla. Pero sumusuko na ako sa loob. Ayoko siyang umalis. Natatakot ako Kyla. Ayoko." She then hugged me.
"He'll go.. pero alam mo namang he'll be there diba?" Tinuro niya ang puso ko and ngumiti. I smiled back and sabay na kaming umuwi. "Kaya naman, kesa mainis ka diyan at magalit, spend more time with him. Ikaw din.."
Oo, may point si Kyla.
"Pumunta dito si Kai kanina." Sabi ni Mama nung dumating ako sa bahay.
"Ano daw sabi?"
"He just asked me kung nandito ka. I told him, lumabas ka, pero hindi ko alam kung saan kaya hindi ko nasabi sa kanya."
"You didn't tell me na aalis na pala siya ngayon papuntang LA." Sabi ni Mama habang nakatingin saken.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Huh? Aalis?
Ngayon?
Akala ko ba next week pa?
"Ngayon?"
"Oo. He kissed me nga kanina and nagpasalamat siya. Actually, hiningi niya na saken ang kamay mo. He promised me na pagbalik niya, pakakasalan ka niya."
"H-hinde.. hindi.."
Bigla akong napatakbo sa labas at pumara ng taxi. Didiretso sana ako sa village nila, pero naisipan kong sa airport nalang. Lanya. Bakit di niya man lang ako sinabihan? Bakit wala lang man nagsabi saken nito?!
Iyak na ako ng iyak sa loob ng taxi.
Traffic pa. Gaaa. Lord... pakiusap naman, last nalang talaga to. Sana naman magkita pa kami. Please...
After 567 years, nakarating din ako ng airport, todo baba ako at full force na kumaripas ng takbo papuntang counter area para magtanong kung nakaalis na ba yung flight nila. Basang-basa na yung mata ko ng luha at pawis.
"Miss... yung flight ba sa L.A lumipad na?"
"Are you a passenger po ba Ma'am?"
"H-hinde. Yung flight ba sa L.A lumipad na?"
"Last call po kanina. And ngayon po.." tumingin siya sa computer screen niya. "..it's taking off."
"Huh?!
Hindi mo ba pwedeng patigilin muna iyon?! Sandali lang talaga. Nandun si ano eh... nandun si Kai.."
Todo iyak na talaga ako.
"I'm sorry Ma'am. Pero we can't do that."
"Misss... miss naman eh. Misss..." Hindi ko na makita ang babae sa counter sa sobrang dami ng luha ko sa mata. At hindi ko na rin alam ang mga sumunod na nangyari.
***
It's been 3 years and I've moved on. The first year was really hard. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. I was crying every night. Ni ayaw kong lumabas sa bahay. Gusto ko sa kwarto lang ako nakatingin sa mga bagay na ibinigay niya. I was always online and checking up my FS, Multiply, Email kasi baka he messaged me or something like that. Pero wala eh. Hanggang ngayon, wala akong nakikitang KAI sa emails ko, sa YM ko, sa Multi ko nor sa Fs ko. Honestly, it still hurts kasi parang he didn't find any means to contact me. [b]Siguro nga, wala na akong dapat asahan.[/b]
Dalawang taon na akong masaya. Isang taon na ring may boyfriend. Ang saya diba?
"Ingat ha?"
"Sus, papasok na nga lang ako ng bahay, may paingat-ingat ka pa."
"Oo naman, baka mapano ka diyan eh." Tumawa lang kaming dalawa at bumaba ako ng kotse ni Jhai.
I just waved goodbye and umalis na siya ng nakapasok na ako ng bahay. Sinalubong naman ako ni Mama.
"Good evening Ma. Di na pumasok si Jhai. May pupuntahan pa daw eh." Nakatayo lang dun si Mama sa harap ko kaya napatanong ako sa kanya. "May problema ba Mom?"
"May bisita ka." She said and humarap dun sa balcony sa likod.
"Ah.. ganun ba. Sige. Salamat." Dumiretso ako sa likod ng bahay, dun sa may swing at ewan ko, bigla nalang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Bigla akong napatigil sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko. "Pakiramdam ko si Jena to. May kasalanan ako sa kanya kaya mabilis at malakas ang tugudog ng dibdib ko." I laughed to myself.
Tumakbo ako sa likod.
"Jennaaaaaa! Pasensya na kasi-" Pero bigla akong napatigil ng may nakita akong lalaking nakatayo dun sa gilid ng swing.. and dang.. the smell.
"Kilala ko ang amoy na ito.."
I whispered to myself. Napatakip ako ng bunganga ko at napapikit ng mata. "Please Lord.. hindi ito si-"
"Dice.." Shoot. Sabi na nga ba eh. I opened my eyes and looked at him. He smiled. "Kumusta na?"
Gosh. Kumusta? Aish. Nakakainis. After 3 years without calling me, nagagawa niya pang ngumiti saken at magtanong ng kumusta? Aiiisssh.
"I'm fine."
I laughed quietly. "It's weird. I mean.. its been 3 years..and it's kind of surprising that you're here. Kelan ka pa dumating?"
"Yeah." He answered softly. "Well, actually kanina lang. You're the first one that I went directly into." He smiled.
He's changed.. physically. He looked more matured already. His body built-up, his face, mas tumangkad narin siya. I can't even look my eyes away from his very face. It felt like gusto kong umiyak at yakapin siya na parang gusto ko siyang sipain palabas ng bahay namin. Ang weird. Dude, 3 years kang nawala, ni hindi ka nagpaalam saken, ni hindi mo ako kinontact, nawala ka nalang na parang bula. Tapos babalik ka?!
"Wow." I laughed awkwardly. "This is weird. So, ikaw? Kumusta ka na? 3 years ka ring nawala, wala akong news tungkol sa iyo. Nakakabigla kasi.. Hahaha. Alam mo yun..hehe." Sobrang awkward na talaga.
"Yeah. I'm fine, I think." Yumuko siya sandali at tumingin ulit saken.
"Ahhh.. kanina ka pa ba dito? Uhhmm.. pasens-"
Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Hmm.. nag-uusap na tayo.."
"I mean.. wag dito.. anywhere na-"
"Tara." Lumabas ako ng bahay at sumunod naman siya. We walked through the streets na sobrang tahimik sa isa't-isa. Ayoko munang magsalita dahil baka ano lang ang masabi ko at mapaiyak ako.
"A-anong pag-uusapan natin?" I asked habang naglalakad kami. He stopped and faced me.
"Alam kong galit ka." I looked at him. "Alam kong nasaktan kita. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. I never said goodbye and before ako umalis, we were still in a fight. I never tried to fix it before leaving. Ni hindi rin ako nagparamdam sa iyo for 3 years straight. And bigla nalang akong babalik dito at magpapakita sa iyo? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo Dice. I'm sorry. I'm really sorry." He was crying. And I was crying. We were both crying.
"But after all.. I still love you. I still do."
"Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit hindi mo ako kinontact? Why didn't you reach out to me? Bakit pinaramdam mo sakin na wala na talaga? Alam mo ba kung gano kahirap yun?" I cried really hard.
"Dahil takot ako. Dahil-"
"Ganyan ka naman lagi eh! Takot ka! Takot kang masaktan ako! At sa takot mong yun na masaktan ako, hindi mo alam nasasaktan na ako!"
"Dice-"
"Go back to LA. Hindi na kita kailangan dito! Hindi ko na kailangan ang isang Kai sa buhay ko." I ran but he caught my left arm.
"One thing.. mahal mo parin ba ako?"
Napatigil ako at napatingin sa kanya.
"Dice.. do you still love me?" That voice. That low serious cold voice of Kai. Yan ang tonong ng pananalita niya na nagpapatigil ng mundo ko noon and up to now. "Dice-"
"Hindi. May boyfriend na ako. At mahal ko siya. He's the one who's always there for me na dapat ikaw. Pinuno niya ang lahat ng pagkukulang mo Kai. And I couldn't thank him enough for that. Jhai helped me moved on from what happened. At mahal ko siya."
"You're lying.." He said with disbelief in his eyes.
"I'm not."
"Then bakit suot mo parin ang kwintas na binigay ko sa iyo noon?"
Napatigil ako at napatingin sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at napahawak sa kwintas. I pulled the necklace with all my force. I threw it at him.
"Hindi ko kailangan iyan!" I cried and ran away. Sabay nang pagtakbo ko bumagksak ang malakas na ulan.
[i][b]..and for the second time, naiwan siya dun na nakatayong mag-isa - under the rain.[/b][/i]
Last edited by *kim-a-holic (2008-03-20 10:00:03)