Eh pano kung di nga si Dice and Kai ang magkatuluyan? Hahaha. Wag niyo kong katayin ha.
[b]ONE MORE TO GO.[/b]
[hr]
[u][b]KAI's POV[/b][/u]
The first time she left me standing under the cold rain was when nung nalaman niyang aalis ako papuntang LA. Probably, nagtataka kayo kung bakit hindi ko sinabi sa kanya. Siguro kasi takot akong masaktan siya. Takot akong magalit siya sakin. Takot akong mawala siya. Takot ako sa lahat na pwedeng mangyari. Akala ko maaayos ko pa iyon. Akala ko, I can talk Dad out of it. Pero hindi eh, wala kaming nagawa ni Mommy kungdi ang sumunod kay Dad. [i][b]Oo, naduwag ako[/b][/i].
I hate it whenever I see her cry. Naiinis ako nun. Parang gusto kong sapakin ang mga taong nagpapaiyak sa kanya. If only I can punch my own face for her, I would.
[i]"Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Dice. Even though I'm leaving, ikaw parin ang mamahalin ko." [/i]
I said this with all my heart. Pangako ito. Kahit abutin man ako ng ilang taon sa ibang bansa, kahit marami mang babae ang makikilala ko dun, siya parin ang mamahalin ko. Siya lang.
[i][b]But she left without even looking back. That was the first goodbye.[/b][/i]
[hr]
"Dad? Akala ko ba next week pa ang usapan?!....Pero Dad-... Hindi pwede iyan..O-okay..bye.." The flight was rescheduled 4 days sooner. And bukas na ang alis ko.
Hindi ko parin nakakausap si Dice. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila pero natatakot ako. Natatakot akong makita ang mga luha niya. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong gawin sa sarili ko dahil alam kong masasaktan ko siya.
Pero ayokong umalis ng hindi siya nakakausap. Kaya dumaan ako sa bahay nila 5 hours before my exact flight.
"Tita, good afternoon po. Si Dice?"
"Hijo.. napdaan ka, good afternoon din. Wala si Dice eh, umalis.. bakit sana?"
"Po? Wala po si Dice? Alam nyo po ba kung san siya pumunta?"
"Hindi eh. She just said pupunta siya sa isang lugar na di alam ng lahat."
"Ganun po ba.." Napayuko ako at napaisip. "Tita, pwede po ba tayong mag-usap?"
"Sure.
"
Pumunta kami ng balkonahe dun sa likod ng bahay nila. I held Tita's hand and huminga ng malalim.
"Aalis na po ako papuntang LA mamayang 6. Gusto ko po sanang makausap si Dice bago ako umalis. Meron po kaming tampuhan at ayoko namang umalis ako na di kami okay. Tita, gusto ko pong magpasalamat sa inyo. For trusting me to love your daughter. Alam kong magkakaroon ako ng malaking kasalanan sa inyo oras na umalis ako ng bansa dahil masasaktan ang anak niyo. And ngayon palang, I want to say sorry already. I'm sorry sa pwedeng mangyari kay Dice. I'm really sorry." I paused at huminga ulit ng malalim. "Kaya ngayon palang, gusto kong hingin ang permiso mong ibigay si Dice sakin. I promise I'll come back soon. At sa pagbalik ko, I'll marry her. I hope you'll grant my wish." Napayuko ako at napaluhod sa harapan ng mommy ni Dice.
She hugged me and rubbed my back.
"Alam mong malaki ang tiwala ko sa iyo Kai. I know you'll come back and alam kong mamahalin mo parin siya. And yes.. I give you my daughter's hands. You have my permission, pero kung sakaling pagbalik mo ay may nahanap siyang iba, nasa sa kanya na yun kung anong magiging desisyon niya." She smiled.
"Salamat po. Thank you for everything Tita." I kissed her and hugged her. "I promise I'll be back. Pakisabi kay Dice na siya lang ang mamahalin ko." I smiled and lumabas ng bahay nila.
Dumiretso na kami ni Mommy sa airport. The ride was fast. So fast. All those times, I was praying na sana maabutan ako ni Dice, na sana tawagan niya ako and clear things up before I leave. I called her, pero di sumasagot ang phone niya. I guess she intentionally turned it off para di ko siya macontact. Todo dasal ako na sana may milagrong mangyari... like sana walang gasolina ang eroplano, na sana magkaroon ng instant na bagyo, na sana mahilo si Mommy at wag na munang ituloy ang pag-alis papuntang LA. Pero ni isa sa mga dasal ko, walang sinagot ang Diyos.
"Tara na.. hindi na darating si Dice kaya tigilan mo na ang pag tingin sa entrance." Sabi ni Mommy.
"Ma, sandali nalang." I looked at the entrance one last time and whispered a little prayer na sana dumating siya, pero wala. I had no choice but to go inside at tiisin ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
And the time has come to fly to LA. I left without even seeing and talking to her for the last time. I left with my body but there was something na naiwan sa Pinas, it was my heart. And someday, babalik ako para kunin iyon. Babalik ako para sa kanya. Babalik ako.
*LA. Isang buwan na ang nakalipas. Lagi akong OL sa YM, sa FS, sa Multi at sa lahat-lahat na kung saan siya OL. Minu-minuto akong nagtatype sa window ng message para sa kanya, para makausap siya. Pero natatakot akong iclick and send. Natatakot akong ipress ang enter. Natatakot akong hindi siya magreply.
[b]DUWAG AKO.[/b]
May mga araw na hawak-hawak ko na sa kamay ko ang telephone at ang number nila sa bahay, nagriring na nga ang phone eh, pero tuwing naririnig ko ang boses niya, nanginginig ang tuhod ko at di ako makasalita. Guess I'm not that brave. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganun. And damn, it hurts a lot.[i][b] It really did. [/b][/i]
Until... one day, may nakita akong picture sa FS niya with a guy. Akala ko kaibigan lang yun, kasi sabi niya dun, "he's just a friend, walang issue". And I believed that one. Deym. Sobrang inggit ako. Sobrang nainis ako. Sobrang nasaktan ako. Kahit kaibigan niya lang "daw" yun, nagseselos ako. At mas lalo akong natakot na kontakin siya.
[u][b]TWO YEARS LATER.[/b][/u]
"Dad, I need to go home!"
"Hindi ka pwedeng umuwi! Patapos ka na ng college! Isang taon na lang Kai!"
"Hindi ko na kaya! Pakiramdam ko, wala na akong buhay! Dad... kelangan kong kunin ang puso kong naiwan sa Pinas. Kelangan ko yun.." I cried.
He looked at me intently at tumahimik siya.
"Si Dice parin ba?"
"Siya parin."
"Uuwi ka pero-"
"Kapag hindi na ako, babalik ako kaagad dito.. dala ang puso ko."
He smiled softly. "We've got a deal then."
Tinapos ko lang ang 4th year ko sa States at bumalik ng Pinas. Sobrang excited ako. Excited akong makita muli si Dice. Excited akong makita muli sa personal ang mga ngiti niya, ang maganda niyang mukha. [b]At excited akong mabuhay muli.[/b]
Kaya una kong pinuntahan pagdating ko ng bahay ay si Dice.
[i]*DINGDONG[/i]
"Tita.." I smiled.
Napatulala si Tita (mommy niya). Napatigil siya sandali, kumunot ang noo at ngumiti.
"Kai? Ikaw na ba iyan iho?" She held my face and hugged me. "Pasok ka.."
"Kumusta na po Tita? May pasalubong pala ako sa inyo. Eto po yung kay Biboy." I said at nilagay sa mesa yung mga pasalubong ko.
"Ayyy.. salamat." She laughed at tinitigan lang ako. "Si Dice ba ang pasya mo dito?"
"Opo. Nandiyan po ba siya?" Ngumiti ulit ako.
"She's out. May class pa. Pero darating na yun maya-maya. Would you like to wait?" She asked.
"Opo. Okay lang po."
"Okay then. Dun tayo sa balcony. Mas malamig dun. Maganda ang simoy ng hangin. I know you've missed the polluted air of Pinas." We then both laughed.
Mga isang oras pa siguro akong nakaupong mag-isa dun sa balcony bago siya dumating.
"Jennaaaaaa! Pasensya na kasi-" I heard her voice. Tumayo ako sa swing at huminga ng malalim before facing her. I mustered all my courage and faced her.
"Kumusta na?" I smiled softly.
Napatingin siya sakin, mga five minutes pa siguro and she snapped.
""I'm fine." She laughed quietly. "It's weird. I mean.. its been 3 years..and it's kind of surprising that you're here. Kelan ka pa dumating?"
"Yeah." I answered softly. "Well, actually kanina lang. You're the first one that I went directly into." I smiled again.
She's changed..physically. Mas gumanda siya. Humaba ang buhok niya at medyo tumangkad siya ng konti. Matured narin ang dating. I guess 3 years were very long years. God.. she doesn't have any idea how I wanted to hug her at this very moment. I missed her so much and I still love her. If only..
"Wow." She laughed awkwardly. "This is weird. So, ikaw? Kumusta ka na? 3 years ka ring nawala, wala akong news tungkol sa iyo. Nakakabigla kasi.. Hahaha. Alam mo yun..hehe." Alam kong awkward na.
"Yeah. I'm fine, I think." Yumuko ako sandali at tumingin ulit sakanya.
"Ahhh.. kanina ka pa ba dito? Uhhmm.. pasens-"
Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Hmm.. nag-uusap na tayo.."
"I mean.. wag dito.. anywhere na-"
"Tara." Lumabas siya ng bahay at sumunod naman ako. Naglakad-lakad kami sa kalye ng kanilang village papuntang basketball court. The streets were empty and quiet. There are lots of things that is going through my mind. Actually, I don't know where to start. God.. how I wanted to hold her hand.
"A-anong pag-uusapan natin?" She asked habang naglalakad kami. I stopped and faced her.
Huminga ako ng malalim.
"Alam kong galit ka." She looked at me. "Alam kong nasaktan kita. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. I never said goodbye and before ako umalis, we were still in a fight. I never tried to fix it before leaving. Ni hindi rin ako nagparamdam sa iyo for 3 years straight. And bigla nalang akong babalik dito at magpapakita sa iyo? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo Dice. I'm sorry. I'm really sorry." I was crying. She was crying. We were both crying.
"But after all.. I still love you. I still do."
"Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit hindi mo ako kinontact? Why didn't you reach out to me? Bakit pinaramdam mo sakin na wala na talaga? Alam mo ba kung gano kahirap yun?" She cried really hard.
"Dahil takot ako. Dahil-"
"Ganyan ka naman lagi eh! Takot ka! Takot kang masaktan ako! At sa takot mong yun na masaktan ako, hindi mo alam nasasaktan na ako!"
"Dice-"
"Go back to LA. Hindi na kita kailangan dito! Hindi ko na kailangan ang isang Kai sa buhay ko." She ran, but I caught her left arm.
"One thing.. mahal mo parin ba ako?"
Napatigil ako at napatingin sa kanya.
"Dice.. do you still love me?" I looked at her...at her very eyes, trying to search any emotions, trying to know kung totoo nga o nagsisinungaling lang siya.
"Hindi. [b]May boyfriend na ako. At mahal ko siya.[/b] He's the one who's always there for me na dapat ikaw. Pinuno niya ang lahat ng pagkukulang mo Kai. And I couldn't thank him enough for that. Jhai helped me moved on from what happened. [i][b]At mahal ko siya[/b][/i]."
"You're lying.." I said in disbelief. I can see through her eyes na ako parin ang mahal niya. And I can still see the necklace na ibinigay ko sa kanya three years ago.
"I'm not."
"Then bakit suot mo parin ang kwintas na binigay ko sa iyo noon?"
Napatigil siya at napatingin sa dibdib niya. She held the necklace. And shoot, she pulled the necklace and held it at her hand tightly.
"Hindi ko kailangan iyan!" She threw the necklace at my very face and she ran. She ran away for the second time. I looked at the fading image that was right at my eyes... Yumuko ako at pinulot ang kwintas. And the rain fell.
[i][b]..and for the second time, she left me standing at the dark street all alone..crying under the rain.[/b][/i]
Last edited by *kim-a-holic (2008-03-21 09:44:53)