[b]^ eh kasi naman kawawa na si puso..lagi na nasasaktan nagtatrabaho pa para sa ating katawan... sobrang pahirap ata un para sa part nya.. >_<[/b]
[/quote]
sis, pareho lang tau... at 3x ng nagyari s kin toh... feeling q tuloy ang tanga2x q...
i'd like to share sumthin:
back in my 3rd yr in highschool, clasmate qng boy is like courting me kc nmn po nagbitiw ng phrase na "i love you" s kin, and been so kind to me every moment when we're together especially in school... i felt really kilig that time that i said the whole story to my very bestfriend (not the one in the B&G thread ha, iba xa..)... redface ako nun while tellin it to my bestf, but then she replied na, "sis, he said to me before na, '[i]ikaw sna yung liligawan q kaso lng may bf k n pla, xa na lang[/i]..' " xa = me... arghhh...
tanga2x ng lelang nyo! oh kamon!! watdapak! napakasakit... kuya eddie....
[b]@topic:[/b] abangan n nmn ang susunod n kbnta...
Ang saya-saya niya habang kinekwento ko kung anong mga gusto at ayaw ni Aleck. Abot tenga yung mga ngiti niya ng sabihin ko na ni minsan, hindi pa nagkaboyfriend si Aleck. Basta, lahat tungkol kay Aleck. Naging daily routine na namin yun siguro. Since that day, kwento lang ako ng kwento sa kanya. Grabe, kung alam niyo lang kung gano na kasakit yung nararamdaman ko dito sa puso ko. Pakiramdam ko, bwat salita na lumalabas sa bibig ko, kumikirot puso ko.
Bakit ba ganito?!
Idagdag mo pa yung mga classmate kong palaging nag ha 'haayy' sa likod ko. Lagi nilang sinasabi pag nakikita nila si Kai na nakatayo sa labas ng room..
"Haayy, Diane. Ang swerte mo talaga.. Sana ako nasa lagay mo.."
"Haay, Diane, ang haba ng buhok mo.."
Sana nga kayo yung nasa side ko no? Para alam niyo kung gano kasakit ang maging tulay ng bestfriend mo at ng mahal mong tao.
Hanggang hindi ko na nakayanan, pumunta ako sa chapel para magdasal.
Bago pa ako makapagsalita, bumuhos na yung mga luha ko..
"Diyos ko naman... bakit po ba ganito ang nangyayari sakin? Ganito na ba talaga ako kasama para parusahan mo ng ganito? Grabe na e.. sobrang sakit na talaga.. sobrang sakit na po..
Dati, yung pinagdadasal ko lang naman sa iyo, na sana kausapin niya lang ako o sana kahit bilhan niya lang ako ng 7 pesos na juice.. oo, sobra-sobra naman yung binigay Niyo.. Nestea araw-araw.. 12 pesos yun.. lage pang may kasamang kung ano-ano.. araw-araw ko na rin siyang nakakausap.. pero bakit ganito? Sobrang masakit.. Araw araw ko nga siyang nakakausap, pero tungkol naman lahat kay Aleck..
Kailan niya po ako mapapnsin? Kelan niya po ako matatanong rin sa iba? Ayoko na po.. ayoko ko na talaga.. sobrang masyadong masakit na.. ang tanga-tanga ko talaga kasi e..
Diyos ko.. sana lang naman pakinggan niyo tong hiling ko.. Kung hindi niya talaga ako kayang mahalin, please po.. kunin niyo nalang po yung mga nararamdaman ko sa kanya.. please po.. tulungan niyo po ako.. at kapag ganun po, I promise you, magpapakabait po talaga ako..
Amen.." i sat and buried my face at my handkerchief.
Bigla namang may humawak sa likod ko.. Bigla naman akong napatingin..
Si Kyla pala..
"Just cry.." she said at niyakap niya ako.
Grabe, napahagulhol na naman ako sa pag-iyak.. sabi niya ayos lang daw na umiyak ako sa harapan niya, wala naman daw yun sa kanya. She knows kung anong pinagdadaanan ko. Kaya ayun, napakwento nalang ako tungkol sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon.
"Alam mo, matagal ko ng alam yan." she said.
"Di nga?"
"Hindi lang ako nag-ingay. Simula pa nung sumali ka sa Soccer Team. Naisip ko kasi, hindi naman ikaw yung tipo ng babae na magpapagod sa gitna ng mainit na araw sa field." she smiled.
Napatahimik nalang ako at napayuko.
Lumabas kami ng chapel at dumiretso ako sa classroom. Pagkabukas, he started courting Aleck na. Nabigla nga yung lahat e. They said..
"Oh my gosh Diane. Akala ko ikaw yung nililigawan.."
"Gosh Dice, this is just so OMG! Sinong mag-aakala na si Aleck pala yung liligawan?"
"Bagay na bagay sila no?"
Napatahimik nalang ako at napatango. Oo, sabi kasi sa inyo e. Hindi ako, kungdi ang bestfriend ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan. Simula noon, hindi na ako yung hinihintay ni Kai sa labas ng room. Simula noon, hindi na ako yung binibilhan ng Nestea at kung ano-ano pa. Simula noong araw na yun, hindi na kami nag-uusap, simula rin nung araw na yun, dumistansya na ako. Masyado nang masakit e. Araw-araw nang sumisikip yung dibdib ko. Pagod na siguro yung puso ko. Pero kahit ganun, hindi parin sumusuko.
Isang araw magkasama kami ni Aleck papunta sa Administration.
"Dice.. I think I'm falling.." she said.
Napatawa naman ako ng plastic.
"San sa bubong?" I joked.
Bigla niya naman ako hinampas ng mahina.
"Loka, kay Kai." she said.
Eto na naman.. eto na naman yung kirot sa dibdib ko. Eto na yung mga kinatatakutan ko. Magiging sila na.. magiging end of my world na. At sana kapag mangyari yun, sana igagrant na ni Lord na gawin akong bula.
"D-dice?" she asked as she waved her hand at my face.
"Oh, sorry." I smiled. "Wow, sa wakas, nahuhulog ka na rin.." I said.
"Oo nga eh.. when's the ryt time to answer him kaya?"
After 48 years?
"D-dice?"
"Huh?"
"Mukhang wala ka ata sa sarili mo these past few days ah?"
Its because of you and him.
"Wala lang.. mejo busy lang eh. Daming iniisip.."
"Ahhh.. sana magawa niya pang maghintay.."
Another shot! Ouch.. sana nga naman no? Siguro dapat na lang nga akong magbigay ng moral support sa kanya. Baka pag ganun, mawawala ng mawawala yung nararamdaman ko sa kanya.
What ya think?
Days had passed. Umalis ng school si Kai. May pinuntahang competition with his teammates. Kami? naiwan, kasi wala namang soccer yung girls, kaya pinaiwan nalang. One week ata siyang nawala, and grabe, sobrang miss na miss ko siya. Si Aleck namiss din ata siya. Kaya minsan, nung nag-usap kami..
nalaglag nalang yung puso ko at muntik nang mapatulo yung luha ko..
[i]"Ill answer him pag bumalik na siya."[/i]
'I wish he never comes back!'
I'll wait for the next chapter!
Sana lang nga no? Wag na siyang bumalik. Pero hindi ko naman kailangang pumili between my bestfriend and sa lalaking mahal ko no? I don't wanna be torn between them. And he chose her over me. Tanga! Di niya naman alam na may gusto ka sa kanya e!
And tingin niya sa iyo tulay lang talaga as in, tulay patungo sa bestfriend mo!
Ang bilis nga ng panahon and it was Monday na.
Ayoko ngang pumasok if not for my Geometry quiz. Alam ko na kasi ata kung anong mangyayari e. Syempre, every Monday, we got this convocation, after the program, announcements and mga achuachu ng skul. So, they'll giver great credits and congratulate his team for winning. Yeah, they won. Aleck texted me nung Saturday night.
Congratulations eh no? And he even texted me pala. Pero hindi na ako nagrereply. See? I kept my distance from him. Nasasaktan lang naman kasi ako kapag nakikita ko silang dalawang magkasama.
Nung pumasok ako, he was smiling dun sa lobby ng library. Siguro akala niya lalapit ako sa kanya at icocongratulate siya. I even saw his reaction nung dumiretso lang ako as if hindi ko siya nakita.
Whole morning akong hindi nakipag-usap nor sumali sa fansclub niyang nagkakandarapang mag-abot ng congratulations thingy. Si Kyla naman nakinood lang kasama ako. She even smiled at me na parang 'ayos lang yan'. So I smiled back too.
After the program, ayun nga, inanounce na nanalo sila. Todo hiyawan na naman. As if, bago parin sa kanila. Napaupo nalang ako dun sa chair ko. Si Aleck naman todo yung sigaw-sigaw niya.
Then biglang nagsalita si Captain sa mic.
"Thanks sa suporta. We could've not done it without God and you. All praises to God! And of course, yung inspiration ko..."
Parang gusto kong mabingi nalang kesa marinig yung pangalan na sasabihin niya. Napayuko nalang ako at sinaksak yung ipod ko sa tenga. Loud volume pa para di ko talaga marinig. Bigla nalang napatulo yung luha ko. I ran out of the crowd sa auditorium at pumunta sa likod ng gym. There I cried my heart out.
Parang inubos ko na talaga yung luha ko dun sa pag-iyak na yun. It was lunch time when I went back to the classroom. Hindi na ako kumain ng lunch. Nakakawalang gana. I even heard my classmates na 'sila' na. Kakasagot lang daw nI Aleck sa kanya.
Great! As in, super great! Diba? Great naman talaga e. Sobrang great.
I sat back at my chair at nilean ko ulit yung ulo ko sa bintana. Tapos sinaksak ko na naman yung ipod ko sa tenga. Tama na, if I can just run far away, matagal ko ng ginawa. Pero huli na eh. Guys, 'sila' na. Wala na akong magagawa diba? All I have to do is just to keep away from him. Baka sakaling mawala na tong kagagahan ko. Diba?
Then that night he texted me like saying.. thank you daw.. super ganda daw akong maglakad. Salamat daw sa lahat etc. etc.
Okay, you're welcome. Pero hindi nako nagreply. Sayang lang yun sa load noh. Wala rin naman akong makukuha sa kanya ngayon. Days had passed, sobrang pag-iiwas na yung ginagawa ko. Nagiging close na rin nga kami ni Kyla e. Sa kanya ko kasi sinasabi ang lahat. Binibigyan niya rin naman ako ng advice. And Kai? Well, minsan, pagnakikita kong magkakasalubongan kami sa corridor, i turn left or right or kahit saang pinto na pwedeng pasukan. Minsan nga, sa labas ng room, alam ko minsan gusto niyang lumapit pero tumatakbo naman kaagad ako at sinisigaw ko sa kugn sino mang classmate ko na may hihiramin pa akong book. Kaya minsan, napapatingin nalang siya sakin.
Minsan naman nagsesend-send ng quotes, kala niya naman gusto ko. Naman.. mas lalo lang akong nasasaktan e.
Until one day..
Nakatayo siya sa harap ng door ng room namin. Sabi ko sa sarili ko, magpapahuli na lang ako ng labas, total lalabas rin naman kaagad si Aleck, so uuwi na sila. Pero ewan at kung ano pa yung inaatupag ni Aleck kaya as usual, tatakbo na naman sana ako palabas papunta sa lib, pero nagsimula ring maglakad si Aleck papunta ng door kaya nagdahan-dahan nalang ako sa paglalakad.. Nakalabas na si Aleck and I was really expecting na susunod na rin siya. Pero he was still standing at the front of the door na as if ako talaga yung pakay niya.
Then nagmadali akong makalabas sa door, but he grabbed my arm. Napatingin si Aleck bigla. Kahit ako nagtataka kung bakit niya ako hinawakan.
"K-kai?" Aleck asked.
[i]"Go ahead, amin lang to."[/i]
oh tapos tapos? ano ngyari!?
ganda ng story
[b]kanila lang? sali kami.. makikitsismis din.. go ahead aleck.. alis na.. samin lang nina dice at kai 2.. hehehe[/b]
mejo maikli lang po ito since my quiz pa ako sa geom tomorrow. heehee.
**********
Nabigla ako dun habang hawak-hawak niya parin yung braso ko. And hey, hindi lang 'hawak', sobrang higpit ng pagkahawak na parang mapipisa na yung maliit at maganda kong kamay.
I couldn't find my voice, nakatingin lang ako sa kanya, trying to read his mind.
Pero wala e. All I can see is anger na ewan kung ano. Anong amin lang to?
He looked at Aleck so fiercely, kaya nagsimulang maglakad si Aleck palayo. I even looked at Kyla na nandun din sa kabilang room. She just nodded na para bang 'go ahead..' as if alam niya kung anong gagawin ni Kai sakin.
Hinila niya ako papunta sa benches dun sa soccer field. Wala na masyadong tao since wala na rin masyadong practice.
Ewan ko ba at parang nainis na rin ako. Kinuha ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.
"What?!" I asked na parang naiirita na.
He looked at me and took a deep breath.
"You're not replying to my messages, you're not answering your phone! Kapag tumatawag ako, lagi kang may ginagawa or wala sa bahay! Kapag lalapitan kita, lumalayo ka! What's wrong?!"
What's wrong?! Is he asking me what's wrong?! Ikaw! Ako! Si Aleck! Mahal kita, pero ang mahal mo ang kaibigan ko! Yun! Yun yung mali! I'm learning how to let go and now, itatanong mo sakin what's wrong?!
I looked at him straight in the eyes.
"Nothin.. it's just that, ive been very busy these past few days and - "
"You're not. Iniiwasan mo ako. And why's that?!"
"Hindi kita iniiwasan.. it's just that.. you're always with aleck and.."
"And what?"
"Teka, why do i have bother to explain to you kung bakit? You're not my bestfriend or something.." I said and turned to walk away.
But then, he suddenly grabbed my hands and hugged me.
"W-what are you doing?" I asked nervously.
"Diane.. Ikaw ang mahal ko.." he said at bumitaw ako. I pushed him when said those 4 words.
I looked at him in shock.
"Pero diba- si- si- Aleck?"
"Akala ko si Aleck, pero hindi e. Ikaw Diane.."
"H-hindi.." napailing ako ng napailing.
At bago pa siya makapagsalita.. *pak*
"D-diane?" he said habang hinawakan yung pisngi na sinampal ko.
Bigla nalang kaagad napatulo yung mga luha ko. I looked at him with bitterness in the eyes.
"This is not.. a good joke.." I said at tumakbo na palayo.
Grabe.. grabe na talaga to.. Diyos ko, that wasn't a very good joke. Hindi yun maganda.. mas lalo lang akong nasaktan. Mas lalo lang akong nasaktan, gets niyo?
Mahal niya daw ako? Pero mahal niya rin yung bestfriend ko diba?
[i]Naguguluhan ako..[/i]
npkskit...
...teka..bat ako tumatawa..
ang lungkot na nga ng story eh,
gulo na talaga ng earth.
:globe:
[b]arghs arghs arghs.. sa fans ni diane it's good, sa fans ni aleck (kung meron man) that's wayyyy to bad.
[/b]
woooooo! nice story ate kim