2006-12-12 05:44:07

*kim-a-holic
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1303
0
1969-12-31

Re: [align=center][b]UNDER THE RAIN[/b] [i]Story by © Kim[/i] [img]http://img220.imageshack.us/img220/3638/copylovest4.jpg[/img] [b]Started: [/b][i]November 27, 2006[/i] [b]Completed: [/b][i]March 22, 2

@mizel: aww, sis, nangyari na rin yan sakin. pero the other way around. basta, panget parin ng feeling. @trish: haha, oo nga noh, dapat yung lungs naman.. wawa na kasi masyado ang puso e. @bob: sige, magsnesneeze na ako araw2. LOL All: thanks for replying and posting your comments. And nakasticky na po ba tong story na to? Heehee, thanks :rose: ****************** Kung alam lang nila.. kung alam lang nila talaga yung katotohanan behind these stuffs. Dumiretso kami dun malapit sa soccer field. May benches kasi dun at wala masyadong tao. Dun kami nag-usap. At anong topic? Guess niyo, of course, all about Alexa. Siguro nga, pwede na akong gumawa ng talk show e. :retard: Ang saya-saya niya habang kinekwento ko kung anong mga gusto at ayaw ni Aleck. Abot tenga yung mga ngiti niya ng sabihin ko na ni minsan, hindi pa nagkaboyfriend si Aleck. Basta, lahat tungkol kay Aleck. Naging daily routine na namin yun siguro. Since that day, kwento lang ako ng kwento sa kanya. Grabe, kung alam niyo lang kung gano na kasakit yung nararamdaman ko dito sa puso ko. Pakiramdam ko, bwat salita na lumalabas sa bibig ko, kumikirot puso ko. Bakit ba ganito?! Idagdag mo pa yung mga classmate kong palaging nag ha 'haayy' sa likod ko. Lagi nilang sinasabi pag nakikita nila si Kai na nakatayo sa labas ng room.. "Haayy, Diane. Ang swerte mo talaga.. Sana ako nasa lagay mo.." "Haay, Diane, ang haba ng buhok mo.." Sana nga kayo yung nasa side ko no? Para alam niyo kung gano kasakit ang maging tulay ng bestfriend mo at ng mahal mong tao. :cry: Hanggang hindi ko na nakayanan, pumunta ako sa chapel para magdasal. Bago pa ako makapagsalita, bumuhos na yung mga luha ko.. :crybaby: "Diyos ko naman... bakit po ba ganito ang nangyayari sakin? Ganito na ba talaga ako kasama para parusahan mo ng ganito? Grabe na e.. sobrang sakit na talaga.. sobrang sakit na po.. :crybaby: Dati, yung pinagdadasal ko lang naman sa iyo, na sana kausapin niya lang ako o sana kahit bilhan niya lang ako ng 7 pesos na juice.. oo, sobra-sobra naman yung binigay Niyo.. Nestea araw-araw.. 12 pesos yun.. lage pang may kasamang kung ano-ano.. araw-araw ko na rin siyang nakakausap.. pero bakit ganito? Sobrang masakit.. Araw araw ko nga siyang nakakausap, pero tungkol naman lahat kay Aleck.. :crybaby: Kailan niya po ako mapapnsin? Kelan niya po ako matatanong rin sa iba? Ayoko na po.. ayoko ko na talaga.. sobrang masyadong masakit na.. ang tanga-tanga ko talaga kasi e.. :wallbash: :crybaby: Diyos ko.. sana lang naman pakinggan niyo tong hiling ko.. Kung hindi niya talaga ako kayang mahalin, please po.. kunin niyo nalang po yung mga nararamdaman ko sa kanya.. please po.. tulungan niyo po ako.. at kapag ganun po, I promise you, magpapakabait po talaga ako.. :crybaby: Amen.." i sat and buried my face at my handkerchief. Bigla namang may humawak sa likod ko.. Bigla naman akong napatingin.. Si Kyla pala.. "Just cry.." she said at niyakap niya ako. Grabe, napahagulhol na naman ako sa pag-iyak.. sabi niya ayos lang daw na umiyak ako sa harapan niya, wala naman daw yun sa kanya. She knows kung anong pinagdadaanan ko. Kaya ayun, napakwento nalang ako tungkol sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon. "Alam mo, matagal ko ng alam yan." she said. "Di nga?" :O "Hindi lang ako nag-ingay. Simula pa nung sumali ka sa Soccer Team. Naisip ko kasi, hindi naman ikaw yung tipo ng babae na magpapagod sa gitna ng mainit na araw sa field." she smiled. Napatahimik nalang ako at napayuko. =( Lumabas kami ng chapel at dumiretso ako sa classroom. Pagkabukas, he started courting Aleck na. Nabigla nga yung lahat e. They said.. "Oh my gosh Diane. Akala ko ikaw yung nililigawan.." "Gosh Dice, this is just so OMG! Sinong mag-aakala na si Aleck pala yung liligawan?" "Bagay na bagay sila no?" Napatahimik nalang ako at napatango. Oo, sabi kasi sa inyo e. Hindi ako, kungdi ang bestfriend ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan. Simula noon, hindi na ako yung hinihintay ni Kai sa labas ng room. Simula noon, hindi na ako yung binibilhan ng Nestea at kung ano-ano pa. Simula noong araw na yun, hindi na kami nag-uusap, simula rin nung araw na yun, dumistansya na ako. Masyado nang masakit e. Araw-araw nang sumisikip yung dibdib ko. Pagod na siguro yung puso ko. Pero kahit ganun, hindi parin sumusuko. Isang araw magkasama kami ni Aleck papunta sa Administration. "Dice.. I think I'm falling.." she said. Napatawa naman ako ng plastic. "San sa bubong?" I joked. Bigla niya naman ako hinampas ng mahina. "Loka, kay Kai." she said. Eto na naman.. eto na naman yung kirot sa dibdib ko. Eto na yung mga kinatatakutan ko. Magiging sila na.. magiging end of my world na. At sana kapag mangyari yun, sana igagrant na ni Lord na gawin akong bula. =( "D-dice?" she asked as she waved her hand at my face. "Oh, sorry." I smiled. "Wow, sa wakas, nahuhulog ka na rin.." I said. "Oo nga eh.. when's the ryt time to answer him kaya?" After 48 years? :doubt: "D-dice?" "Huh?" "Mukhang wala ka ata sa sarili mo these past few days ah?" Its because of you and him. :disgust: "Wala lang.. mejo busy lang eh. Daming iniisip.." "Ahhh.. sana magawa niya pang maghintay.." Another shot! Ouch.. sana nga naman no? Siguro dapat na lang nga akong magbigay ng moral support sa kanya. Baka pag ganun, mawawala ng mawawala yung nararamdaman ko sa kanya. What ya think? Days had passed. Umalis ng school si Kai. May pinuntahang competition with his teammates. Kami? naiwan, kasi wala namang soccer yung girls, kaya pinaiwan nalang. One week ata siyang nawala, and grabe, sobrang miss na miss ko siya. Si Aleck namiss din ata siya. Kaya minsan, nung nag-usap kami.. nalaglag nalang yung puso ko at muntik nang mapatulo yung luha ko.. [i]"Ill answer him pag bumalik na siya."[/i]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 18:41

[ 12 queries - 0.026 second ]
Privacy Policy