Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa. Pakiramdam ko, sinasaksak puso ko.
Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Yung paglilibre niya sakin, yung mga text messages niya, yung pagiging close niya sakin, lahat yun dahil kay Alexa. Alexa, yung bestfriend ko. Lahat dahil kay Alexa.
"D-dice?"
"I-I'll go ahead." I said at tumayo na kaagad.
Mabilis akong naglakad papunta sa exit, pero hinawakan niya yung braso ko.
"Ihahatid na kita." he said.
"Hmm, hindi na, may nadadaanan rin naman ako jan eh." tinuro ko yung mga stores sa labas.
"But, are you really sure you're okay?"
"Yep. Tsaka malapit lang naman yung bus station eh."
Nang sinabi ko yun, kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at dumiretso na sa labas. Naglakad-lakad ako papunta sa bus station. Grabe, parang gusto kong humagulhol sa pag-iyak. Alam niyo ba yung feeling na parang.. basta, yung parang tinapon sa iyo lahat ng sakit sa pagdaramdam? Yung feeling na makakapagtanong ka talaga sa Diyos kung bakit, sa lahat ng babae sa mundo, bakit yung bestfriend mo pa?!
Bigla ko nalang naramdaman yung mga luha kong tumutulo sa mga mata.
Pero diba, look at the bright side? Bagay naman sila eh. Alexa as the editor-in-chif of the schoolpaper, won several gold medals at some writing contests, and well, si Kai na captain ng soccer team, won gold medals for some interschool games.
kung iisipin, bagay na bagay sila. The Gold recievers. At kapag nagpakasal sila, magiging masaya ang lahat. At nasan ako sa mga panahong yun? Ipagdadasal ko na sana mawala ako na parang bula. Parang bula na hindi makakaramdam ng sakit sa makikita at maririnig ko.
Ng sumakay ako sa bus, nahalata kong gabi na pala. There I saw a star. Sabi nila, yun daw yung venus na planet. But I'm not really sure. Naalala ko pa, nung second year ako. Palagi akong nakadungaw sa bintana at susubukang bilangin yung stars. Sabi ko sa sarili ko, pag nabilang ko sila, dun ko lang kakalimutan si Kai. Pero sa kasamaang palad, hindi ko nabilang lahat. Hello no? Masyadong marami for my naked eye. Napatulo na naman luha ko.
Ang tanga mo kasi Diane e! Sobrang tanga mo!
[i]That was when I wished again at that the same star..[/i]
It was early in the morning at wala akong planong pumasok sa school. Ewan ko ba pero since he told me na itutulay ko siya kay Aleck, nawala na yung gana kong kausapin o makita siya. But then, pumasok parin ako.
"Hi Dice." sabi naman sakin ni Aleck.
"Hi Lex." I said.
"Is there something wrong?"
"W-wala naman.. bakit?"
"You look pale.."
"Ah.. kulang sa tulog.."
"Yeah, halata nga. Nangangalumata ka e."
Tumawa lang ako at sinandal ko yung ulo sa bintana. Nakaupo kasi ako sa gilid.
"Anyways, pinapasabi ni Kai na sabay na daw kayong magrecess mamaya." she said at bumalik sa upuan niya.
Napaalarma naman kaagad ako sa sinabi ni Alexa. Eto na.. eto na talaga yung kinatatakutan kong mga araw ng buhay ko.. eto na talaga..
hindi ba pwedeng tumakbo nalang ako papalayo dito?
san nga pala nakatira yung mga penguin?! Sasama nalang ako sa kanya at magpapafreeze sa ice. At least, wala na kaagad akong mararamdamang sakit at takot. Diba?!
I forced a smile at sumandal na ulit sa bintana. After nun, nung recess time, nandun na sa harap ng pintuan ng room namin si Kai. Nung lumabas ako, todo ngiti pa siya sakin at lahat. May dala nga siyang Nestea at maliit na cake e. Yung mga classmate ko nga, napa 'uyy' eh. Naku..
[i]
..kung alam lang nila..
[/i]