sorry talaga sa late update. marami kasi akong ginagawa. heehee.
*****
After I read the message. Napanganga nalang ako.
Bigla namang tinusok ng classmate ko yung tiyan ko.
"May assignment ka sa Geom?" tanong ni Krishella.
Tiningnan ko lang yung classmate ko as if she's speaking Greek at ako Japanese.
"Huist!" she said at tinusok ulit ako sa tiyan.
"H-ha?"
"You're weird." she just said.
tiningnan ko lang siya at pumasok ako sa loob.
Nung bandang hapon na, kumaripas naman ako ng takbo papunta sa soccer field. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala naman masyadong gaanong tao. Yung mga boys lang from the soccer team. May isang kumaway. Pero ewan ko ba. So, since ako yung nauna sa mga girls, umupo nalang ako dun sa bleachers at wala, tumingin sa kanya habang sumisipa ng bola.
Napanganga nalang ako. Then he waved at me. Can you believe it?! He waved at me! So yun, parang lelang ako dun. Then, dumating si coach at nagsimula na yung game. So yun, nainspire ako kaya nakapag 3 goals ako.
Sumabay na ako sa pag-uwi sa mga friendships ko. hindi kasi umuulan at maaga naman kaming pinauwi ni Coach. Nung gabi din yun, yung nagtetext sakin? Si Kai pala yun. So ayun, napablush na naman yung lola niyo. That night, it rained. Since ng gabing yun, we became close to each other.
Araw-araw niya na akong nililibre. Lagi na siyang sumasabay sakin, umulan man o umaraw. Tuwang-tuwa nga ako e. Matagal-tagal na rin kaming ganun, and Im sure, yung ibang babae naiinggit na. Pero sympre, for them, wala lang sakin since ako lang naman yung nakakaalam na may gusto ako sa kanya e.
Until that day...
yun yung isa sa mga araw sa buhay ko na pinangarap ko na sana mamatay na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
1 message receieved
Kai
pede kita tau mya sa Jeg's? Importante lang, di pede dito sa text eh.
Nag-assume rin naman kaagad ako. Akala ko talaga manliligaw na siya. Tuwang-tuwa pa ako nun. But then, he said those words..
"Dice.. well.."
"Hm?"
"Well.. kasi...."
Napatingin lang ako sa kanya.
"Can you help me with Alexa?"
My world stopped turning. Pakiramdam ko, binuhusan ako ng mainit na tubig para magising.
Gustuhin ko mang umiyak, hindi ko nagawa. Instead, my tears filled my eyes. And then he looked at me.
"Dice?"
"S-sure.."
"But..but you're crying?"
"N-no..im..Im just happy.
"
"Thanks!" he said.
Of all people, bakit yung..
bestfriend ko pa?