Kung pwede ko silang sakaling dalawa, matagal ko ng ginawa. Wala naman talagang kasalanan dito si Kai diba? Hindi niya naman sinabing umasa ako sa kanya. Pero dahil isa't kalahating gaga din ako, kaya eto, heart attack siguro ang aabutin ko dito.
Sana lang nga no? Wag na siyang bumalik. Pero hindi ko naman kailangang pumili between my bestfriend and sa lalaking mahal ko no? I don't wanna be torn between them. And he chose her over me. Tanga! Di niya naman alam na may gusto ka sa kanya e!
And tingin niya sa iyo tulay lang talaga as in, tulay patungo sa bestfriend mo!
Ang bilis nga ng panahon and it was Monday na.
Ayoko ngang pumasok if not for my Geometry quiz. Alam ko na kasi ata kung anong mangyayari e. Syempre, every Monday, we got this convocation, after the program, announcements and mga achuachu ng skul. So, they'll giver great credits and congratulate his team for winning. Yeah, they won. Aleck texted me nung Saturday night.
Congratulations eh no? And he even texted me pala. Pero hindi na ako nagrereply. See? I kept my distance from him. Nasasaktan lang naman kasi ako kapag nakikita ko silang dalawang magkasama.
Nung pumasok ako, he was smiling dun sa lobby ng library. Siguro akala niya lalapit ako sa kanya at icocongratulate siya. I even saw his reaction nung dumiretso lang ako as if hindi ko siya nakita.
Whole morning akong hindi nakipag-usap nor sumali sa fansclub niyang nagkakandarapang mag-abot ng congratulations thingy. Si Kyla naman nakinood lang kasama ako. She even smiled at me na parang 'ayos lang yan'. So I smiled back too.
After the program, ayun nga, inanounce na nanalo sila. Todo hiyawan na naman. As if, bago parin sa kanila. Napaupo nalang ako dun sa chair ko. Si Aleck naman todo yung sigaw-sigaw niya.
Then biglang nagsalita si Captain sa mic.
"Thanks sa suporta. We could've not done it without God and you. All praises to God! And of course, yung inspiration ko..."
Parang gusto kong mabingi nalang kesa marinig yung pangalan na sasabihin niya. Napayuko nalang ako at sinaksak yung ipod ko sa tenga. Loud volume pa para di ko talaga marinig. Bigla nalang napatulo yung luha ko. I ran out of the crowd sa auditorium at pumunta sa likod ng gym. There I cried my heart out.
Parang inubos ko na talaga yung luha ko dun sa pag-iyak na yun. It was lunch time when I went back to the classroom. Hindi na ako kumain ng lunch. Nakakawalang gana. I even heard my classmates na 'sila' na. Kakasagot lang daw nI Aleck sa kanya.
Great! As in, super great! Diba? Great naman talaga e. Sobrang great.
I sat back at my chair at nilean ko ulit yung ulo ko sa bintana. Tapos sinaksak ko na naman yung ipod ko sa tenga. Tama na, if I can just run far away, matagal ko ng ginawa. Pero huli na eh. Guys, 'sila' na. Wala na akong magagawa diba? All I have to do is just to keep away from him. Baka sakaling mawala na tong kagagahan ko. Diba?
Then that night he texted me like saying.. thank you daw.. super ganda daw akong maglakad. Salamat daw sa lahat etc. etc.
Okay, you're welcome. Pero hindi nako nagreply. Sayang lang yun sa load noh. Wala rin naman akong makukuha sa kanya ngayon. Days had passed, sobrang pag-iiwas na yung ginagawa ko. Nagiging close na rin nga kami ni Kyla e. Sa kanya ko kasi sinasabi ang lahat. Binibigyan niya rin naman ako ng advice. And Kai? Well, minsan, pagnakikita kong magkakasalubongan kami sa corridor, i turn left or right or kahit saang pinto na pwedeng pasukan. Minsan nga, sa labas ng room, alam ko minsan gusto niyang lumapit pero tumatakbo naman kaagad ako at sinisigaw ko sa kugn sino mang classmate ko na may hihiramin pa akong book. Kaya minsan, napapatingin nalang siya sakin.
Minsan naman nagsesend-send ng quotes, kala niya naman gusto ko. Naman.. mas lalo lang akong nasasaktan e.
Until one day..
Nakatayo siya sa harap ng door ng room namin. Sabi ko sa sarili ko, magpapahuli na lang ako ng labas, total lalabas rin naman kaagad si Aleck, so uuwi na sila. Pero ewan at kung ano pa yung inaatupag ni Aleck kaya as usual, tatakbo na naman sana ako palabas papunta sa lib, pero nagsimula ring maglakad si Aleck papunta ng door kaya nagdahan-dahan nalang ako sa paglalakad.. Nakalabas na si Aleck and I was really expecting na susunod na rin siya. Pero he was still standing at the front of the door na as if ako talaga yung pakay niya.
Then nagmadali akong makalabas sa door, but he grabbed my arm. Napatingin si Aleck bigla. Kahit ako nagtataka kung bakit niya ako hinawakan.
"K-kai?" Aleck asked.
[i]"Go ahead, amin lang to."[/i]