Yup, tama. Naguguluhan ako. To the point na parang susuko na ang utak ko sa pag-iisa-isa ng mga nangyari. That wasn't a good joke! Hindi yun maganda! Mas okay na lang siguro sakin na mahulugan ng balde galing sa itaas ng pintuan.. o kaya maslide sa harap ng maraming tao.. o kaya mahulog nalang sa kanal. Mas okay na lang yun, at least..
at least.. mawawala kaagad ang sakit. At least, ipahinga mo lang, makakalimutan mo na kaagad. Pero eto? Etong sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam kung anong klase to. Too painful for me to bear.
Tumakbo kaagad ako sa room at kinuha ang bag ko. I just couldn't cry up here. I would look so -vulnerable. Kaya naman tumakbo na ulet ako papunta sa gate at naglakad ng mabilis. I even saw Kyla smiling sa kabilang kanto, she even waved at me. Pero masyado ng blurry yung vision ko kaya hindi na ako nakapagwave. She looked so happy na nag-usap kami ni Kai. As if, alam niya kung anong gagawin ni Kai at alam niya kung anong magiging reaction ko. Pumara na kaagad ako ng jeep at sa hindi ko na mapigilan, sabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.
I buried my face under my hanky. Iyak ako ng iyak ng may kumalabit sa gilid ko.
Bigla naman akong napatingin.
"Ineng.. nagbreak ba kayo ng boyplen mo?" tanong ng isang matandang babae.
Tiningnan ko lang siya habang namuo ulit ang luha sa mata ko.
"H-hindi po.."
"Eh ganun naman pala e.. tumahan kana diyan.." sabi niya sakin.
"O-opo.." Then napatingin ako sa kabilang upuan. Marami na pala yung mga tao at lahat sila nakatingin sakin.
Pkiramdam ko, pwede na akong maglaho nung oras na yun.
Nang makarating ako sa bahay, walang tao. May naiwang sulat lang si Mama na bukas pa daw yung balik niya from a business trip, at may pagkain na daw sa ref, initin ko nalang daw sa microwave. I opened the fridge to check kung ano, meron nga kaya sinirado ko nalang ulit ito at umakyat sa kwarto.
Nahiga ako sa kama with my arms wide open. Inisa-isa yung mga sinabi niya sakin. Bigla ko naman naramdaman yung pagtulo ng mga luha ko. Leche..
Peor diba ito naman yung gusto ko? Yung sabihin niyang mahal niya ako? Diba? Diba? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko, masakit masyado?
Dahil alam kung hindi pwede? Dahil alam kong masasaktan ang bestfriend ko kung papatulan ko ang lalaking mahal niya - na mahal ko din?
Kinaumagahan, halatang mapula-pula pa yung mata ko. Kaya naman dinala ko yung Visine ko para kunwari may inaallergy lang ako. Meron bang allergy na para sa mata? Ah.. bahala na..
"Dice.."
"Hi Ky! Goodmorning!"
"G-goodmorning.."
"Sige, una na muna ako.." ngiti-ngiti lang.. para walang makahalata ng pula mong mata.
Papunta na sana ako ng cr ng may narinig akong sigawan..
"What was that all about yesterday?!"
"Wala ka na dun!"
"You like her?!"
"No!"
"So ano?!"
"I don't like her.. so stop it!"
Nabigla nalang ako kaagad.
"I love her.."