2006-12-02 01:43:02

*kim-a-holic
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1303
0
1969-12-31

[align=center][b]UNDER THE RAIN[/b] [i]Story by © Kim[/i] [img]http://img220.imageshack.us/img220/3638/copylovest4.jpg[/img] [b]Started: [/b][i]November 27, 2006[/i] [b]Completed: [/b][i]March 22, 2

Bob bwahahaha!! mejo teaser nga talaga to. hmm, eto talaga yung puno't dulo ng teaser e. Buhahahah! Symphony oo nga noh! Bwahaha, malay mo, sumagot ng, 'hindi po, keypad po ako.' buahaha! Mizel achuuss.. andito rin si mizel.. kayong dalawa ha.. Ate Trish thanks for reading. Kikay bwahehehe, thank you! ********* Napangiti na lang ako sa sarili ko. Mga ten minutes pa siguro akong nakatayo dun na parang lelang, when my friends went out of the school. "Hoy!" Puting butiki imapaktitang babae! Muntik na talaga akong mapatalon dun, kasi naman no, ang ganda-ganda ng muni-muni mo, biglang may susulpot at manggugulat na impakta. :eh: Tiningnan ko lang sila habang nakangiti parin ako. ;) "Is something wrong? Hoy.." sabi naman sakin ni Gabby. "She's crazy. Pangiti-ngiti pa siya. Diane to earth?!" sigaw naman sakin ni Enzo. "A-akala ko umuwi na kayo?" "Obviously, nandito pa kami." sagot naman ni Beulah. "Okay.." I said at tumalikod. "Pasilong nga.." hanggang nagsiksikan na kaming apat sa payong ko. Medyo may pagkautak tipaklong kasi tong mga kaibigan kong ito e. Sinabihan ko na nga kanina na uulan, ayaw maniwala at tinatamad daw magdala ng payong. Kaya ayun, nagsiksikan na kami dito. Wee, sana laging umulan no? "Ma, I'm home." "Dinner's ready, magbihis ka na at bumaba kaagad ha?" "Opo.." Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Napangiti nalang ulit ako habang nakatingin sa umbrella ko sa gilid ng kwarto. I looked at the window at umuulan parin. I just couldn't believe na nag-usap kami kanina. Kahit hindi siya masyadong matino, at least, napansin niya ako diba? "So, what happened at school?" "Ayos lang po." "Ako tanungin niyo Ma!" papansin naman ng kapatid kong lalaki. I looked at him na parang papansin ka talaga look. "Okay, Biboy, what happened?" "I got an A+ at Math!" he said cheerfully. "Wow, that's very good to hear Biboy!" My mom said. "See? Nagmana talaga ako sa iyo Mom!" tiningnan kaagad ako ng kapatid ko. "I wonder kung san ka nagmana." turo niya sakin. "You're wrong, the question should be, san ka nagmana?" I asked. My mom looked at me and I saw Biboy teary-eyed. Hay, iyaking bata. Tinapos ko yung pagkain ko at umakyat sa kwarto. Dun ako nagmuni-muni ulit. Haayy, mahirap talagang paniwalaan na nag-usap kami kanina. Thursday morning at naglalakad ako sa first subject ko sa Com Class. Lagi kasi akong late kaya napapahuli yung pagpasok ko. As I was walking, I saw Kai with his friends. Ngiting-ngiti pa yung sira-ulong yun. Teka, now I know! Grrrr... "Ang aga-aga ang daming panget dito sa lobby." sabi ko. "Jo! panget ka daw?!" sabi niya naman sa friend niya na si Joey. "Hoy, baka si Kai meaning mo?" "Oy, di ako yun no. Sa gwapo kong ito?!" he said at tumawa. Nagtinginan lang kaming dalawa. Tas pumasok na ako sa loob. Suddenly, nagskandalo naman yung telepono ko sa loob ng room. "Miss Hernandez? Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na ioff ang cp tuwing pumapasok dito!" sabi naman ni Mrs. Choyca. Napatawa naman yung mga classmates ko habang nagmamadali akong lumabas para basahin yung message. [i]haha, papagalitan ka ni Mrs. Choyca pag narinig ang beep nito.[/i] :question: :question: :question: :question:

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 00:46

[ 12 queries - 0.020 second ]
Privacy Policy